Chapter 33

14.2K 615 137
                                    

Byernis na ngayon at huling araw na ng pasok namin this year dahil magc-christmas break na.

Tapos na rin ang exam nung wednesday pa, kumbaga, binigay lang sa amin ang remaining days upang makompleto lahat ng dapat kompletuhin para sa second quarter.

I'm already done with all my tasks, ang kaso lang ay kailangan kong ibalik yung hiniram kong libro nung lunes bago mag exam dahil nakalimutan ko itong isauli. Kung hindi pa ako pinatawag at niremind ng librarian ay baka hindi ko maisasauli talaga yon dahil naging occupied ang utak ko sa bwisit na honey na yon.

Ilang araw ko na ring hindi nakakausap si Miss dahil iniiwasan ko siya. Paano ba naman, laging nandito yung bubuyog.

Hindi ba bawal ang mga outsiders dito? Bakit lagi siyang nandito?

Ang nakakainis pa, sa twing makikita ko sila sa corridor or kapag naman gusto kong puntahan si Miss sa office, makikita ko sila nagtatawanan.

Edi sila na! Mabilaukan sana sila! I mean.. yung bubuyog lang pala. Huwag si Mommy ko.

Naglalakad ako ngayon papunta sa library ng bigla nalang may manghila sa akin. Magwawala na sana ako, kaso pinigilan ko ang sarili ko ng makitang si Miss pala ito.

Wow! Himala, hindi ata kasama ngayon si Honey niya?

Dinala niya ako sa office niya at pagpasok namin ay sinarado nito ang pinto. Binitawan niya ako at humalukipkip paharap sa akin.

"Anong pong kailangan niyo, Miss? Pupunta pa po ako ng library, mauna na po ako." Saad ko at akmang lalabas na sana pero humarang ito sa pinto.

"Are you ignoring me?" Malamig na tanong nito sa akin.

"No, Miss. I am just busy."

"Yes, busy ignoring me." Ano bang pinaglalaban nito? Hindi ba siya masaya na iniiwasan ko siya? Yun naman ang gusto niya diba?

"Bakit naman po kita iiwasan?" Maang maangan kong tanong sa kanya.

"I don't know! Did I do something wrong?" I mentally smiled when I heard her voice became soft, even her face.

Pero no! Hindi tayo marupok today.

"No, Miss. Kailangan ko na pong umalis dahil usasauli ko pa po yung librong hiniram ko sa lib--"

"Stay." Pagputol nito sa akin pero umiling ako.

"Baka po dumating yung girlfriend niyo." Saad ko at lalagpasan na sana siya pero hinawakan nito ang kamay ko para pigilan ako.

"Who's my girlfriend?"

"Luh, tanga lang? - I mean... Girlfriend niyo po, hindi niyo kilala?" Hala, Mommy, Sorry! na-tanga tuloy kita!

"I don't have girlfriend, Mackenzie."

"Yung honey niyo po, hindi niyo kilala?" Napatigil ito at tinignan ako ng may pagtataka.

"Are you jealous?" Tanong nito at ngumisi pa.

Ano raw? Oh gosh!

"Of course not. Why would I be jealous? Wala naman pong tayo para magselos ako. Kahit araw-araw pa siyang nandito at kasama mo, wala akong pakealam. Tsk!" Usal ko at inalis ang kamay nitong nakahawak sa akin.

"You're jealous." This time, hindi na tanong. Statement na yung sinabi niya. At ang walang hiya! Lumawak pa ang ngiti!

"Alam mo, Miss. Minsan ka na nga lang ngumiti, ang pangit pa ng timing! Tsk. Bahala ka nga. Magsama kayo ng honey mo." Saad ko at lumabas na ng office noya. Narinig ko pa siyang tumawa ng mahina pero damn! Nakakainlove yung tawa niya.

Her SaviorWhere stories live. Discover now