Chapter 10: Fairy

672 25 0
                                    

Tatlong araw na ang nakalipas at hinanghina na ang katawan ni Celeste kung kaya't nakahiga na lamang siya at hindi na makatayo pa. Hindi rin siya kumakain o umiinom ng tubig kaya naman namumutla na ang kanyang mga balat.

Tatlong araw na ding nakaturok sakanya ang mga aparatong ininject sakanya ng magulang niya na ni isang beses ay hindi man lang naisipang alisin.

May mga oras na papasok dito ang personal nurse ng kanyang magulang para kunin ang mga dugong naipon sa blood bags.

Napapapikit na ang mata ni Celeste pero pilit niya 'yong nilalabanan sa takot na baka hindi na siya ulit magising.

Hindi ko na kaya...

Ipinikit niya ang mga mata dahil nararamdaman niyang baka tuluyan siyang mawalan ng malay.

"Celeste!"

Matamlay na idinilat niya ang mga mata pero hindi niya na talaga kaya, kung kaya't pinilit niya at buong pwersa niyang nilabanan ang panghihina niya.

"Celeste, Nandyan na ako pasensya kana kung natagalan ako!"

Matamlay siyang napangiti ng marinig ang boses ni Luther sa isipan niya na hudyat na ginagamit nito ang kakayahan niyang makapag komunikasyon gamit ang kanyang isipan.

"I'm with Paris, wait for us."

Napatango tango si Celeste kahit na hindi naman nito nakikita ang pagtango niya na hudyat na sumasangayon siya sa sinabi nito. Maya maya pa ay may lalaking pumasok sa loob ng kuwarto niya ay lumapit sakanya at tinanggal ang apparatus na nainject sakanya.

Nakaramdam siya ng sakit pero hindi niya 'yon pinansin bagkus ay naramdaman na lang niyang lumulutang siya dahil buhat buhat na siya ng lalaking pumasok sa kuwarto niya.

Wala na siya masyadong makita dahil lumalabo na ang paningin niya at hinanghina na siya pero naririnig niya ang boses ng ama niya at ng kanyang ina na mayroong kausap.

"I'm so sorry Mr. I just want to make sure that my daughter is safe." Ani ng ina niya.

"She's safe so I will take my wife with me."

Bigla siyang nabuhayan ng marinig niya ang boses na 'yon. Ang baritonong boses na nakakapag patindig ng balahibo niya sa tuwing nakikipagusap ito sakanya gamit ang utak niya.

Luther

"I'll take you away from here Celeste, you'll be fine so take a rest for now."

Napangiti siya ng marinig niya ang boses ni Luther sa isipan niya at dahan dahang ipinikit ang kanya mga mata. Hindi pa siya tuluyang nakakatulog kung kaya't naririnig parin niya ang usapan nila Luther at ng kanyang magulang.

"What did you do to her?" Rinig niyang tanong ni Luther.

"She's sick for three days at hindi pa siya nakakarecover." Ani ng kanyang ina.

Gusto man niyang labanan ang sinabi ng kanyang ina pero naniniwala siya kay Luther na kahit malamig ang trato nito sakanya at hindi siya nito pababayaan. Takot na lamang niya sa kapatid niyang si Paris.

"We have to go, I'll take care of her from now on. You already sold your daughter to me and you no longer have a connection with her." Ani 'yon ni Luther.

May sinabi pa sakanya ang magulang nito pero hindi niya na narinig pa dahil bumigat na ang talukap ng kanyang mga mata na dahilan para mawalan na siya ng malay.



6:00 am

Alasais ng umaga ng magising si Celeste sa hindi pamilyar na silid. Hindi niya maisip na kung ito ba ang silid niya sa Elphinestone pero sigurado siyang hindi ito 'yon.

Nakaramdam siya kaagad ng pangamba dahil sa isipang baka lumipat na ng bahay ang kanyang mga magulang at sinama siya ng mga ito, pero biglang pumasok sa isip niya na dumating pala noong araw na 'yon si Luther.

Napatingin siya sa pinto ng may pumasok doon na matandang babae at may dala dalang pagkain na nakalagay sa tray.

"Hija halika at kumain ka muna batid kong nagugutom kana dahil dalawang araw kang tulog." Ani ng matandang babae.

Hind niya maaninag ng maayos ang mukha nito at napansin niyang mas lalong nagiba ang paningin niya dahil kung dati ay medyo nakikita niya pa ang itsura ng mga taong nasa paligid niya ngayon ay wala na siyang masyadong maaninag pero nakikita nito ang kulay asul niyang mga mata.

Kitang kita ang mata nito dahil asul na asul ang kulay ng mga mata niya at tunay nga 'yong nakabibighani.

"N-nasaan ho ako?" Tanong ni Celeste sa matanda.

Tinignan niya ito mula ulo hanggang paa at base sakany ay mukhang tradisyunal ang isang to dahil sa pananalita at pananamit niya.

Ngumiti ito sakanya at inilapag sa higaan nito ang tray na may lamang pagkain.

"Narito ka sa bahay na pagaari ni Luther." Ani ng matandang babae.

"Talaga? Nasaan ho siya?" Tanong ni Celeste.

"Wala siya ngayon hija pero kung nais mo siyang makita tiyak akong kailangan mo pang maghintay hanggang mamayang gabi dahil nag tungo pa siya sa kagubatan para sa kanyang misyon." Ani ng matandang babae.

"Misyon? Ano pong misyon?" Takang tanong ni Celeste.

Nginitian lang siya nito aylt nakaramdam na siya kaagad na hindi nito sasagutin ang tanong niya.

"Pasensya kana hija at wala ako sa posisyon upang mag sabi saiyo tungkol sa kanyang misyon." Ani ng matandang babae.

Tumango tango naman si Celeste at kumuha ng tinapay sa tray, inalok nuya din ang matandang babae na kumain pero tumanggi ito dahil inihanda niya raw 'yon para sakanya.

"Kamusta na ang 'yong paningin? Ng una kitang makita alam ko na kaagad na mayroon kang karamdaman." Ani nito.

"Huh? Paano po?" Tanong ni Celeste.

"Tiyak akong alam mo na ang tungkol sa mga bampira?" Ani sakanya ng matandang babae na tinanguan naman niya. "Kung mayroong bampira na nabubuhay, mayroon ding mga diwata na katulad ko ang nabubuhay kasama ng mga bampira." Ani ng matandang babae.

Napakunot noo naman si Celeste. Gusto niyang tumawa pero nakakawalang respeto naman 'yon sa matanda at baka kung ano pa ang isipin sakanya.

Bigla namang napaisip isip si Celeste at napagisip isip niyang hindi nga imposibleng mag exist ang mga fairy kung ang mga bampira ay nag eexist din.

"Pasensya na ho pero ang hirap naman po nun paniwalaan hahaha!" Ani ni Celeste at awkward na tumawa.

Ngumiti lang sakanya ang matanda. "Naiintindihan ko Hija ganyan din ang reaksyon ng inaalagaan kong bata noon sa bahay na ito." Ani ng matanda.

"Si Luther po ba?" Tanong ni Celeste. Umiling iling naman ang matanda kaya napakunot noo siya. Gusto pa sana niyang mag tanong kaso baka isipin nitong masyado siyang madaming tanong at chismosa.

"Ganun ho ba, ibig sabihin may iba pa pong tumira dito bukod kay Luther." Ani ni Celeste.

Tumango tango lang sakanya ang matandang babae at iniabot ang juice na tinimpla nito para kay Celeste. "Kamusta na ang 'yong paningin hija?" Tanong ng matanda.

Bigla naman siyang napahinto at hindi niya alam kung ano ba dapat ang isasagot niya. "A-ayos lang naman po." Pagsisinungaling niya.

"Ang mga diwatang katulad ko ay may kakayahang gumamot ng mga kung ano anong sakit o karamdaman. Nais ko sanang pagalingin ka ngunit hindi tumatalab ang kapangyarihan ko sayo." Ani ng matanda. Bigla namang lumungkot ang reaksyon ng matanda na kanina ay masaya at ngayon ay napalitan ng pagkadismaya. "Dahil siguro ito sa katandaan ko at kasabay ng pangtanda ko ang paghina ng mga kapangyarihan ko." Ani ng matanda.

Nginitian naman ni Celeste ang matanda at marahang tinapik tapik ang balikay nito. "Ayos lang po ako kaya huwag po kayong magalala saakin kaya ko ang sarili ko kahit ganito ang aking paningin." Ani ni Celeste at ngumiti sa direksyon ng matanda.

Hinawakan ng matanda ang palad niya nagbabakasakaling mapagaling niya ang dalaga pero mayroon siyang kakaibang nararamdaman sa dugong dumadaloy kay Celeste.



To be continued.

VAMP ACADEMYWhere stories live. Discover now