Chapter 1

30.5K 757 82
                                    

Atlas

"TALAGA sa akin to?"

Napangiti ako sa reaksyon ni Jessica. Nanlalaki ang bilugan nyang mata habang nakatingin sa gold diamond necklace na binigay ko. Binili ko pa yan sa jewelry store ng kakilala ko. Nagandahan ako sa disenyo at naisip ko na bagay ito sa kanya.

"Oo nga, para sayo yan. Akina na isuot ko sayo."

Binalik nya sa kamay ko ang box ng necklace at umiling iling.

"Hindi ko matatanggap yan."

Nawala ang ngiti ko. "Bakit? Hindi mo ba nagustuhan ang design? Papapalitan ko."

"Hindi yun. Halatang ang mahal mahal nyan kaya hindi ko matatanggap yan." Tigas tanggi nya.

Kumunot ang noo ko. "Hindi naman to ganun kamahal sugar. 250,000 pesos lang to."

"250 000!? Yan!?" Nanlalaki ang matang bulalas nya.

"Oo."

"Hindi lang pala mahal na mahal, sobrang mahal pa. Tapos sasabihin mo di ganun kamahal. Eh pwede na ngang makabili ng bahay at lupa sa 250 000 na yan eh!"

"Eh di kung gusto mo bahay at lupa na lang ang ibibigay ko sayo."

"Hindi!"

Bumuntong hininga ako. "Ang hirap mo namang intindihin sugar. Lahat na lang ng ibigay ko tinatanggihan mo." Medyo naiinis ng sabi ko.

Natatapakan na rin kasi ang pagkalalaki ko. Kung yung ibang babae tuwang tuwa kapag binibigyan ko ng kahit anong regalo. Tapos sya naman parang allergy na allergy kapag binibigyan ko. Lahat tinatanggihan nya.

"Hindi ako mahirap intindihin no. Ikaw lang ang ayaw umintindi. Sabi ko naman sayo wag mo na akong bigyan ng kung ano anong mamahaling regalo. Hindi ko kailangan yan. Saka pakiramdam ko binibili mo ko eh. At isa pa tigilan mo na nga ang katatawag sa aking ng sugar ang lakas mong makasugar daddy eh."  Nakasimangot na sabi nya at humalukipkip.

Ngumisi ako. Ayaw na ayaw talaga nyang tinatawag ko syang sugar. Ang totoo nyan pang asar ko lang yun sa kanya dahil lagi nya akong sinusungitan. Hanggang sa nasanay na akong lagi syang tinatawag nun at parang endearment ko na rin sa kanya.

"Sugar, di imporke't binibigyan kita ng mamahaling regalo binibili na kita. Normal lang na bigyan kita ng regalo dahil girlfriend kita."

Namilog na naman ang mata nya. "Girlfriend ka dyan!" Namula ang mukha nya.

"Bakit? Girlfriend naman talaga kita ah."

"At kelan pa?" Masungit na tanong nya habang nakaarko ang isang kilay. Ang mukha nya ay pulang pula na.

"Noong hinalikan mo ko." Pigil ang ngiting sabi ko.

"H-Hoy! Ang kapal mo! Hindi kita hinalikan no! I-Ikaw ang humalik sa akin. Kapal neto." Nanunulis ang ngusong inirapan nya ako.

Sarap panggigilan ng nguso nya eh.

"Pero nagpahalik ka sa akin ibig sabihin payag ka ng maging girlfriend ko."

"N-Nagpahalik lang girlfriend na agad. Di ba dapat ligaw muna tapos kapag sinagot na kita girlfriend mo na ako. Ganun yun."

"Heto na nga o. Nanliligaw na ako sayo. Ayaw mo namang tanggapin ang regalo ko." Malungkot na sabi ko.

"Eh kasi.. ang mahal mahal naman kasi nyan. Buti ba kung tig iisang daan lang yan tatanggapin ko pa."

Bumuntong hininga ako. "Pero seyoso ako Jessica, gusto kong tanggapin mo tong regalo ko sayo. Kahit itong necklace lang please."

DG Series #3: Never Gonna Let You GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon