Chapter 34

16.4K 564 107
                                    

Warning 🔞

Jolene

"PARA sa nalalapit na kasal ni Pareng Atlas!" Sambit ni Kester at tinaas ang hawak na bote ng beer. Itinaas na rin ng lima nyang kaibigan ang mga hawak na beer at pinagpingki nila ito sa ere sabay tungga.

"Congratulations sa nalalapit nyong kasal." Bati sa akin ni Ivy ang asawa ni Jeiz. Kandong kandong nya ang anak na isang taong gulang.

"Salamat." Nakangiting sambit ko.

Nagdaos kami ng kaunting salo salo dito sa bahay nila Atlas para nga sa engagement namin. Ang gusto nga ni Atlas ay bongga. Pero tumanggi ako, gusto ko simple lang at kasama lang mga malalapit naming mga kaibigan. Syempre kasama ko si Leah, si Nana at si Tata, inimbitahan ko rin sila Ivona, Miriam at Ruby.

Nakilala ko na rin ang mga asawa ng mga kaibigan ni Atlas na hindi rin pala nalalayo ang edad sa akin. Mababait din sila at magaganda pa. Nagulat pa nga ako ng malaman na asawa pala ni Ivona si Luigi. Nalalapit na rin ang kasal nila sa simbahan. Mauuna sila sa amin at buntis na rin sya. Medyo halata na nga ang tiyan nya at blooming na blooming pa. Masyadong protective din sa kanya si Luigi.

"Sino kaya sa magkakaibigan ang susunod na mag aasawa?" Tanong naman ni Aitana na isang guro at asawa ni Lorenzo. May anak na rin sila pero hindi nila kasama at iniwan daw nila ito sa mga magulang ni Lorenzo.

"Si Kuya Matias siguro." Sagot ni Ivona.

"Nakow! Malabo yan bes. Sa sungit ni Kuya Matias aabot yan ng sisenta wala pang asawa." Sabat ni Ava na pumapapak ng balat ng lechon. Nagmamantika na nga ang bibig nya.

"Grabe ka naman bes. Mabait naman si Kuya Matias ah."

"Mabait kapag tulog. Lagi nga akong sinusungitan nyan eh." Nakangusong sambit ni Ava.

"Eh kasi lagi mong binubwisit. Luka luka ka rin kasi eh." Natatawang sabi ni Ivona.

"Masarap kasi syang bwisitin eh. Namumula yung mukha sa galit tapos parang umuusok yung tenga at ilong."

"Gaga." Pati ako ay natawa na rin. May pagkapilya kasi talaga itong si Ava. Tapos malakas pang mang asar. Asar talo nga sa kanya si Atlas.

"Pero alam nyo ba noong maliit ako hinabol ako ng palo nyan dahil dinrawingan ko ang bagong bili nyang kotse. Ayun galit na galit sya at hinabol ako ng tsinelas." Pagkukwento ni Ava.

"Parang yun lang hinabol ka na ng palo. Patola si Matias ha." Komento ni Aitana.

Ngumiwi naman si Ava. "Eh kasi ang pinangdrawing ko pako. Kaya ayun galit na galit sya."

Sabay sabay kaming bumunghalit ng tawa. Mabuti na lang hindi namana ni Jeremiah ang kapilyahan nya. Baka lagi akong mapaaway.

"Ay kaya naman pala. Eh kahit ako man yun hindi lang palo ang aabutin mo sa akin. Pinabaranggay pa kita." Saad ni Miriam.

"Pero hindi naman ako napalo dahil nagkulong ako sa loob ng kwarto. At saka ninong nya ang daddy ko kaya hindi nya ako mapapabarangay."

Marami pang kinuwento si Ava tungkol sa mga kapilyahan nya noong bata pa. Tawa naman kami ng tawa. Napapatingin na nga sa amin sila Atlas dahil mas malakas pa ang tawanan namin kesa sa kanila.

"Mukhang nagkakasiyahan kayo babe ah?" Sambit ni Jeiz kay Ivy.

"Usapang babae lang to hon, enjoy ka lang." Nakangising sabi ni Ivy. Bumaba ang anak nyang si Jethro mula sa kandungan nya at lumapit sa ama. Inalalayan naman ito ni Ivy at ng makalapit na ang anak sa ama ay muli syang bumalik sa mesa namin.

"Baka kami na ang pinaguusapan nyo ha." Wika ni Kester.

"At bakit naman namin kayo paguusapan Kuya Kes, gold kayo?" Bira ni Ava.

DG Series #3: Never Gonna Let You GoWhere stories live. Discover now