Chapter 33

15.2K 556 22
                                    

Jolene

"LET'S go sugar."

Mahigpit na hinawakan ni Atlas ang kamay ko at hinila ako. Nilampasan namin ang babae na payat na payat. Hindi nakaligtas sa paningin ko ang pagdilim ng kanyang mukha ng makita nya ang babae.

Na-curious tuloy ako kung sino yung babae at parang galit sa kanya si Atlas.

"Atlas wait!" Humabol sa amin yung babae at humarang sa daraanan namin.

Huminto naman kami ni Atlas sa paglalakad.

"What do you want Lizel?" Malamig na tanong ni Atlas.

Napasinghap ako ng marinig ang pangalan na tinawag nya sa babae. Hindi ko makakalimutan ang pangalan na yun na binanggit ni Ava na ex ni Atlas. Sya ang babaeng sumagot ng tawag ko noon at sinabing fiancee sya ni Atlas.

Mariin kong pinaglapat ang labi at humigpit ang hawak ko sa kamay ni Atlas. May bumabangong galit sa dibdib ko para sa babae.

"C-Can we talk?" Nakikiusap ma sabi ni Lizel. Ang boses nya ay parang hapong hapo.

Tumiim bagang si Atlas na matalim ang tingin kay Lizel.

"Ano pang pag uusapan natin? May bago kang kwento? Huwag na lang. Hindi ako interesadong makausap ka. Halika na sugar." Muli akong hinatak ni Atlas at nilampasan namin ang babae.

"Please let's talk Atlas. Please!" Humabol ulit sa amin ang babae at humawak pa sa braso ni Atlas.

Piniksi naman ni Atlas ang braso. Pero muntik ng matumba si Lizel. Hindi naman malakas ang pagkakapiksi ni Atlas at hindi rin naman mukhang nag iinarte ang babae. Mukha kasi syang hinang hina.

Napansin kong pinagtitinginan na kami ng ibang taong dumaraan.

"Pwede ba Lizel. Tigilan mo na ako. Tama na ang panggugulo mo sa akin." Mariing sambit ni Atlas. Bakas sa kanyang mukha ang pagtitimpi.

Kumagat labi naman si Lizel at yumuko. "G-Gusto ko lang naman makausap ka.."

"Pagkatapos ng mga ginawa mo may lakas ng loob ka pang makipag usap sa akin. Galit na galit ako sayo alam mo ba? Ng dahil sayo limang taon kong hindi nakasama ang mag ina ko." Puno ng hinanakit ang boses ni Atlas.

"I-I'm so sorry.." Mahinang sambit ni Lizel at tumingin sa akin. Walang kabuhay buhay ang mukha nya at maputlang maputla. Tanging lipstick lang nya sa labi ang nagbibigay kulay.

Tinigasan ko naman ang ekspresyon ng mukha. Ngayong nakaharap ko na sya ay halo halo naman ang nararamdaman ko. Galit at awa sa kanya. Sa hitsura nya ay alam kong may dinaramdam sya.

"Huli na ang sorry mo. Kahit ilang beses ka pang magsorry nangyari na. Kung talagang sinsero ka sa paghingi ng sorry tigilan mo na ako. Masaya na ako ngayon kasama ang mag ina ko."

"Gusto lang naman kitang makausap kahit sa huling pagkakataon.. S-Sana mapagbigyan mo ko." Pamimilit pa rin ni Lizel at muling tumingin sa akin. Nasa mukha nya ang determinasyon na makausap si Atlas.

Bumuntong hininga ako. Mukhang hindi sya titigil hanggat hindi nakakausap si Atlas. Mukhang hindi rin naman gulo ang hatid nya. Pagbibigyan ko ang babae sa huling pagkakataon na makausap si Atlas pero syempre kasama ako.

"Ang mabuti pa pumasok muna tayo sa isang resto para makapag usap." Saad ko.

"Sugar." Protesta ni Atla. Bumukas ang pagtutol sa kanyang mukha.

Matiim kong tiningnan si Atlas. "Sige na Atlas, para matapos na ito."

Hindi na nagsalita si Atlas at bumuntong hininga na lang.

DG Series #3: Never Gonna Let You GoWhere stories live. Discover now