Chapter 9

14K 460 49
                                    

Jolene

NAPAAWANG ang labi ko ng pumasok kami ni Atlas sa isang bungalow type na bahay. Hindi ito kalakihan pero moderno ang style. Kumpleto sa gamit sa loob at halatang mamahalin. Malamig pa dahil sa buga ng aircon. First time kong makapunta dito. Ang ganda ng bahay. Ganitong bahay ang gusto ko. Yung hindi masyadong malaki.

"Dito ka pala nakatira?" Sabi ko.

"Dito ako tumutuloy kapag nandito ako sa Zambales. Like it?"

Tumango tango ako habang nililibot ang mata sa loob ng kabahayan. Nagpresinta naman syang i-tour ako. Dalawa ang kwarto ng bahay. Ang isa na malaki ay ang kwarto nya na may sarili pang banyo. Lalaking lalaki ang design ng kwarto nya lalo na sa kulay at amoy. Ang lambot din ng kama. Ang sarap mahiga.

"Kumain ka na ba?" Tanong nya.

"Kumain na ako kanina sa fast food."

"Tss, fast food ang kinain mo?" Umiling iling sya. Halatang di natutuwa na fast food ang kinain ko. "Mag o-order na lang ako ng pagkain, kumain ka ng matino."

Hinayaan ko na lang sya at binagsak ang katawan sa kama nya. Tama nga ako. Ang sarap mahiga dito.

Pinikit ko ang mata habang naririnig ko ang boses nya na umo-order ng pagkain sa kabilang linya.

Maya maya pa ay naramdaman kong lumundo ang kama. Dinilat ko ang mata. Nakaupo sya sa gilid ko at nakatunghay sa akin ang mapupungay nyang mata.

"Tired?" Malambing na tanong nya at inabot ang pisngi ko at hinaplos. Hinawakan ko naman ang kamay nya.

"Medyo, marami kaming ginawa sa school eh."

"Aw, wawa naman ang sugar babay ko." Pagbebeybi talk nya sa akin.

Sumakay naman ako pabebeng inusli ko ang nguso.

Tumawa naman sya at pinisil ang nguso ko.

"Hindi ka pa ba umuuwi sa inyo? Baka hanapin ka ng tita mo."

Bumuntong hininga ako. "Umuwi na ko, umalis lang ako ulit."

Saglit syang hindi nagsalita at nakatingin lang sa akin. "May problema ba?"

Bumungon ako at umupo sa tabi nya. "Normal lang naman sa isang pamilya na magkaroon ng problema. Gusto ko lang lumayo muna ng kaunti para naman makapag isip isip."

Tumango tango sya. "Tama ka naman dyan."

Tumayo sya at tinungo ang isang drawer. Binuksan nya yun at may kinuha. Bumalik sya ng upo sa tabi ko.

"Here." Inabot nya sa akin ang isang susi.

Kunot noong kinuha ko iyon. "Ano to?"

"Duplicate ng susi yan nitong bahay. Binibigay ko sayo. Pwede kang pumunta dito anumang oras kapag gusto mo ng space sa pamilya mo."

"Talaga? Pwede akong pumunta dito kahit anong oras?"

Tumango tango sya at ngumiti.

Napangiti na rin ako. Gusto ko nga tong bahay nya. Medyo malayo sa amin.

"Thank you Atlas." Sumandig ako sa balikat nya at yumakap sa kanyang braso.

"You're welcome sugar." Anas nya at hinalikan ang ulo ko.

Ng dumating ang pagkain na inorder nya ay sabay na kaming kumain. Kahit busog pa ako ay pinilit kong kumain dahil nagagalit sya. Wala daw akong matinong kain at hindi daw maganda na fast food lang ang laman ng tiyan ko. Asikasong asikaso nya ako dito sa bahay nya. Hindi nga nya ako pinapakilos. Sya ang nagligpit ng pinagkainan namin at naghugas. Dito na rin ako sa bahay nya naligo at nagbihis. Sabon at shampoo nya ang ginamit ko kaya ayan magkaamoy na kami. Tuwang tuwa naman sya at pinanggigilan na naman ako. Ang sabi nya ibibili daw nya ako ng personal kong hygiene para may magamit ako dito sa bahay nya.

DG Series #3: Never Gonna Let You GoWhere stories live. Discover now