Chapter 10

16.2K 575 57
                                    

Warning 🔞

Jolene

NAPASIMANGOT ako ng may lumapit kay Atlas na babae at nagpapicture. Nasa kalagitnaan kami ng pagkain dito sa restaurant na pinagdalhan nya sa akin. Masarap ang mga pagkain pero ngayon ay parang sumama ang lasa dahil sa pagdating ng babae. Maganda sya, sexy at maputi. Halos ipagduldulan pa nga nya ang dibdib sa mukha ni Atlas na malapit ng lumuwa sa suot na halter dress.

Lalo tuloy sumama ang timplada ko. Tinitingnan ko naman ang reaksyon ni Atlas. Parang wala lang naman sa kanya ang babae at isang beses lang nya itong sinulyapan. Ni hindi rin sya tumitingin sa dibdib ng babae.

"Sorry miss, kumakain kami." Tanggi ni Atlas na nakakunot na ang noo.

"Sandali lang naman pogi, saka di naman siguro magagalit ang kapatid mo." Pangungulit pa ng babae na matamis pang ngumiti sa akin.

Pasimpleng inirapan ko naman sya.

"She's not my sister, she's my girlfriend so please leave us alone. Nakakaistorbo ka na." Naiinis ng sabi ni Atlas.

Di ko naman mapigilang mapangiti sa kilig.

Natigilan naman ang babae at nagpalipat lipat ang tingin sa aming dalawa.

"Mag jowa pala kayo? Akala ko magkapatid kayo eh." Nakangiwing sabi ng babae at walang paalam na umalis na.

Luka lukang iyon ah! Sarap sabunutan.

"Ganun na ba katanda ang hitsura ko para sayo." Nakasimangot na sabi ni Atlas at masamang tingnan ang papalayong babae.

"Wag mo na lang pansinin ang sinabi nya at least lumayo na sya. Kain na tayo." Masaya ng sabi ko at bumalik na ang gana ko sa pagkain. Sana wala ng lumapit na iba pang babae dahil baka saksakin ko na sila ng tinidor.

Araw ng linggo ngayon at may usapan kaming magsimba at lumabas. Maaga akong umalis sa bahay kanina. Di na ako nagpaalam sa mga tao sa bahay pero nagtext naman ako kay mama dahil siguradong magsusumbong si Tita Emie na lumayas ako ng walang paalam. Mas gusto ko pang lumayas kesa mag stay buong hapon sa bahay kasama ang mga taong di ko naman kasundo. Kontrabida ang tingin nilang lahat sa akin, mayabang at matapobre. Kulang na nga lang palayasin nila ako doon sa bahay eh.

Pagkatapos naming kumain ni Atlas ay namasyal pa kami sa mga kilalang tourist spot dito sa Zambales. Dahil puro beach ang meron sa probinsya namin ay nangako sya na next time magchecheck in kami sa isang beach resort at maliligo. Ngayon ay nagkasya muna kami sa pamamasyal at ang huli naming pinuntahan ay ang mall. Kumain kami doon at pinag shopping nya ako. Kahit anong tanggi ko na wag na nya akong bilhan ay mapilit pa rin sya. Kaya wala na akong nagawa. Sya naman ang magbabayad. Paguwi namin sa bahay nya ang dami naming bitbit na paper bag na puro branded na damit ang laman na para lang sa akin. Wala yata syang nabili para sa kanya. Sobrang galante nya talaga pagdating sa akin. Sino ba namang babae ang hindi sya gugustuhin.

-

Mainit ang tagpo namin ni Atlas dito sa loob ng kwarto nya. Ang panonood namin ng movie ay nauwi sa mainit na halikan.

"Hmm Atlas.." Daing ko ng bahagya nyang kagatin ang labi ko sabay sipsip nya at muli na namang sinakop ang labi ko sa mas mapusok na halik.

Tinugon ko ang mapusok nyang halik. Nakipagsabayan sa magaslaw na galaw ng dila nya sa loob ng bibig ko.

Init na init na ang pakiramdam ko at para akong lalagnatin. Eh pano ba naman ang pilyo nyang kamay ay kumukobkob na sa isang dibdib ko. Bahagya pa syang nakadagan sa akin at naninimbang lang para di ako maipit.

Umalpas ang impit na daing sa bibig ko ng bahagya nyang pisilin ang isa kong dibdib. Imbes na sawayin ko sya ay hinayaan ko lang sya. Nagugustuhan ko naman kasi ang ginagawa nya. At gusto ko pa ng higit doon.

DG Series #3: Never Gonna Let You GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon