Chapter 22

16.8K 653 96
                                    

Atlas

"PAPA pede po tayo bili nun?"

Tiningnan ko ang tinuturo ni Jeremiah sa labas ng bintana ng kotse. Tinabi ko naman sa daan ang kotse. Kagagaling lang namin sa school at sinundo ko sya.

"Alin dyan anak?" Tiningnan ko ang tinuturo nya. Di ko naman alam kung ano ang eksaktong tinuturo nya sa mga nakahilera na food stall.

"Yung fries papa na maraming iba't ibang flavor. Pero gusto ko yung barbecue. Sarap po yun eh."

"Ok, baba tayo. Ako muna unang bababa ha wait mo si papa." Bilin ko sa kanya at tinanggal ang kanyang seatbelt.

Tumango naman sya.

Minsan kasi kapag sobrang excited sya nauuna syang bumaba at biglang tumatakbo. Delikado pa naman dahil minsan nasa kalsada kami kaya lagi ko syang pinapaalalahanan.

Umikot ako sa kotse at binuksan ang pinto sa gawi ng anak ko. Dahan dahan naman syang bumaba at humawak sa kamay ko. Tumawid namin kami sa pedestrian lane. Tinungo namin ang stall na may nagtitinda ng fries na may iba't ibang flavor. Bumili ako ng medium cup lang. Marami na kasi ang large baka hindi na sya makakain ng pananghalian mayayari ako kay sugar.

Ng mabayaran na at makuha ang biniling fries ay sunod sunod na ang subo ni Jeremiah. Inalok pa nya ako. Hindi ako mahilig sa mga ganitong pagkain pero tinikman ko na rin. Masarap naman sya. Bumili na rin ako ng malamig na mineral water dahil baka mabulunan pa ang anak ko.

"Atlas pare!"

Nilingon ko ang tumawag sa akin. Nanlaki ang mata ko at parang gusto kong magtago. Teka bakit ba ako magtatago eh wala naman akong utang.

"Kester."

Lumapit sa akin ang kaibigan. Mukhang hindi sya nag opisina ngayon dahil casual lang ang suot nya na t-shirt na itim at blue jeans.

"Sabi na nga ba at ikaw yung nakita ko eh. Anong ginagawa mo dito? Akala ko ba nag out of town ka? Eh nandito ka lang pala sa QC." Nakasingising turan nya.

Ngumisi din ako. "Out of town naman talaga ako ah. Sa Manila ako nakatira nandito ako ngayon sa QC eh di out of town." Pilosopong sagot ko.

"Tanginamo." Mura sa akin ni Kester.

"Bad po magmura manong."

Sabay kaming tumingin magkaibigan sa anak kong nasa tabi ko at nakatingala kay Kester. Ang kaibigan ko naman ay titig na titig sa anak ko.

"Sino yang batang kasama mo?" Kunot noong tanong ni Kester.

Bumuntong hininga ako. "Anak ko. Baby say hi to Tito Kester. Friend sya ni papa."

Matamis na ngumiti si Jeremiah at kumaway kay Kester. "Hi po Tito Kester!"

Hindi naman nakasagot ang kaibigan ko at nakaawang lang ang labi habang palipat lipat ang tingin sa akin at sa anak ko.

"Anak mo? Anong pauso to pare?" Nakangising turan ni Kester.

"Anak ko nga sya." Seryoso ang mukhang sabi ko.

Unti unti namang nabura ang ngisi nya sa labi at muling tumingin sa anak ko at sa akin.

"Seryoso ka ba talaga pare o ginu-good time mo lang ako? Pero kamukha mo nga tong bata. Ganyan na ganyan ang mukha mo doon sa mga picture mo noong bata ka pa eh. Mas pogi nga lang tong batang kasama mo."

"Dahil anak ko nga talaga sya." Giit ko.

Humawak naman sa kamay ko si Jeremiah habang nakatingin pa rin kay Kester.

DG Series #3: Never Gonna Let You GoUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum