Chapter 3

17.4K 664 102
                                    

Atlas

PAGOD at bagsak ang balikat na pumasok ako sa bahay.

Walang nangyari sa pagtrace ng traysikel na sinakyan ni Jessica at ng anak nya kanina. Natunton ko nga ang sinakyang traysikel at kung saan binaba ang magina pero malabo pa din. Walang cctv sa binabaan nito at walang makapag turo kung saan nagpunta ang magina.

Pero di ako susuko. Ngayong nakita ko sya ulit di ko hahayaang makawala pa sya. Tutal naman ayaw akong patahimikin ng alaala nya at ngayong nakita ko sya ulit ay lalong hindi ako matatahimik. Idagdag pa ang anak nya na posibleng anak ko rin.

Shit! Kapag nagkataon wala akong kamalay malay na may anak na pala ako. Posibleng anak ko ang batang yun. Isang beses may nangyari sa amin ni Jessica at wala akong proteksyon noon. Ako din ang una nya. Apat na taong gulang na ang anak nya. Limang taon mula ng may nangyari sa amin. Posible talaga. Kaya siguro tuwang tuwa ako sa bata kanina.

Bukas na bukas din ipapahanap ko sila.

Nagring ang cellphone ko. Paniguradong si Chelsea ang tumatawag. Dinukot ko ang cellphone sa loob ng coat at pinatay. Wala ako sa mood ngayon na kausapin si Chelsea. Mula sa paghahanap sa magina ay dumiretso ako ng hotel at tinapos ko na ang kung anomang meron sa aming dalawa ni Chelsea. Pero ayaw nyang pumayag. Wala naman syang magagawa dahil hindi naman kami.

Binati ako ng kasambahay na kalalabas lang ng kusina. May hawak syang pagkain ni Milo. Ang alaga naming aspin na nirescue ni Ava. Mahilig kasi sya sa hayop.

"Ser, nasa komedor na po sila ma'am Anita at ma'am Ava." Sabi ng kasambahay.

Tinanguan ko sya at sumunod na rin sa komedor. Tamang tama lang ang uwi ko sa hapunan.

"O anak, nandyan ka na pala. Umupo ka na at kakain na tayo."

Lumapit ako kay mommy at humalik sa pisngi nya. Umupo na ako sa upuan at katapat ko ang kapatid na pumapapak na ng hipon.

"Himala ang aga mong umuwi kuya. Tapos na agad kayo magjugjugan ni Chelsea?"

"Bibig mo Ava. Pitikin ko yan." Sita ni mommy at bumaling sa akin. "Oo nga anak, bakit ang aga mo ngayon? Ang bilis nyo naman yatang magchukchakan ni Chelsea."

Napaawang ang labi ko at salitan na tiningnan ang dalawa. Kinunutan ko sila ng noo.

"Anong jugjugan at chukchakan?"

"Sex." Magkasabay na sabi nilang dalawa.

Napapikit ako ng mariin at napakamot sa ulo.

"Hindi kami nagsex." Tipid na sabi ko.

"Ah, kaya pala ang aga mong umuwi kuya."

"O sige na kain na tayo mga anak. Meling pakidala na nga dito ang beef steak." Utos ni mommy sa isang kasambahay.

Nagdasal muna kami bago kumain. As usual, maingay ang dalawa. Di naman ako makarelate sa pinaguusapan nila na puro tungkol sa mga pinapanood nilang drama drama. Silang dalawa talaga ang magkasundo palibhasa parehas babae. Namiss ko tuloy bigla si daddy. Maaga syang nawala sa amin maliit pa lang si Ava kaya ako na ang tumatayong padre pamilya.

Tumingin ako sa kapatid na madaldal. Di talaga sya nauubusan ng sasabihin. Sumagi sa isip ko si Jessica at ang anak nya na posibleng.. anak ko rin.

Bumilis ang tibok ng puso ko sa pananabik sa isiping anak ko nga talaga ang bata. Nasasabik na akong makita sya ulit.

Tumikhim ako. Tumingin sa akin si mommy at si Ava.

Ang kapatid ko ang posibleng susi kung saan ko matatagpuan ang mag ina ko.

DG Series #3: Never Gonna Let You GoWhere stories live. Discover now