END

19.6K 584 75
                                    

Jolene

"ITO balae mas maganda ang kulay. Bagay sayo to."

"Talaga balae? Hindi ba ako magmumukhang mataba sa kulay na yan? May kulay kasi na mukha akong mataba."

"Pwede naman itong isoli kung hindi bagay tapos mamimili na lang tayo ng iba. Wag kang mag alala akong bahala. Kakilala ko naman ang may ari nitong store."

"O sige, sige. Kunin ko yan."

Nangingiti ako habang pinagmamasdan si mama at si Tita Anita na abala sa pagtingin tingin ng mga damit sa online. Close na silang dalawa at lagi pang magkasama sa mga lakad. Sinasama na rin ni Tita Anita si mama sa mga zumba session nila. Kaya medyo nagiging fit na si mama. Ibang iba na nga ang hitsura nya ngayon simula ng kunin ko sya kay Norman. Iba na rin ang samahan namin ngayon. Sobrang close na naming dalawa parang si Tita Anita lang at si Ava.

Gusto nga ni mama na bumalik abroad para mabayaran na ang utang kay Tita Emie. Pero hindi ko sya pinayagan. Matanda na si mama at dapat sa kanya ay nagpapahinga na at ine-enjoy na lang ang buhay. At mabuti na lang may kapirasong lupa pa pala sila ni papa sa Zambales bukod sa lupang kinatitirikan ng bahay namin. Yun ang binenta nya at pinambayad sa utang nya kay Tita Emie. Yung natira naman ay tinabi niya para sa bagong negosyo na itatayo nya sa Zambales. Nag alok nga ng tulong si Atlas pero tinanggihan ni mama. Nahihiya daw sya. Utang daw nya yun kaya sya ang dapat magbayad hindi ibang tao.

Ang bahay naman namin sa Zambales ay pina-renovate ni Atlas kasabay ng bahay na bungalow na magsisilbi naming bahay bakasyunan doon.

Sobrang close din ni mama kay Jeremiah. Panay nga ang iyak nya ng unang makita nya ito. Panay din ang sorry nya dahil pinalayas nya ako noon ng malamang buntis ako. Kaya ngayong buntis ako sobrang alaga nya sa akin. Babawi daw sya ngayon sa pangalawang pagbubuntis ko.

Malapit na malapit na rin ang kasal namin ni Atlas. Kulang kulang isang buwan na lang. Pulido na ang lahat at naipamudmod na ang mga inivitation letter. Petsa na lang ng kasal ang hinihintay.

"Hi sugar."

Nilingon ko si Atlas na humalik sa pisngi ko. Nakauwi na pala sya, di ko man lang namalayan ang oras.

Pinatay ko ang cellphone at tumayo ako.  Kinuha ko ang brief case nya pati na rin ang coat at necktie nyang hinubad na nya. Lumapit naman sya kanila mama at Tita Anita para magmano.

"Papa!"

Sabay sabay naming nilingon si Jeremiah na nagmamadaling bumaba ng hagdan. Pero sinalubong na ito ni Atlas.

"Careful son." Ani Atlas at binuhat na si Jeremiah na pinupog na sya ng halik sa pisngi.

"Ugh, bumibigat ka pa lalo anak. Big boy ka na talaga."

Bumungisngis naman si Jeremiah.

"Hindi na po ako baby papa kasi bigboy na ako."

"Baby ka pa rin ni papa kahit bigboy ka na." Kiniliti ni Atlas sa tiyan si Jeremiah na ikinahagikgik nito.

Napapangiti na lang ako habang pinagmamasdan silang dalawa. Ganyan ang gawain nila pag uwi ni Atlas galing opisina. Wantu sawang harutan. Pagkatapos ay tuturuan ni Atlas si Jeremiah sa kanyang mga assignments. Sya na rin ang nagtuturong magsulat dito. Infairness naman sa anak namin, matalino talaga at madaling matuto.

Iniwan ko muna sila para ilagay sa laundry area ang coat at necktie.

-

"Hmm ang bango bango mo hon.." Anas ko habang nakasubsob ako sa leeg ni Atlas.

Gustong gusto ko yung amoy nya. Lalo na yung natural nyang amoy at sabon lang ang gamit nya. Ang sarap sarap sa ilong. Ang sarap nyang singhot singhutin. Ayoko ng may ibang humahalong amoy sa kanya, naiinis ako. At kapag may ibang amoy na humalo sa kanya ay pinapaligo ko sya.

DG Series #3: Never Gonna Let You GoWhere stories live. Discover now