Chapter 5

15.3K 542 30
                                    

Jolene

"JESS, parequest daw ulit si Boss Atlas." Sabi ni Kuya Bong at binigay sa akin ang kapirasong tissue na may nakasulat na title ng kanta at ng pangalan ni Mr. Atlas. Ang customer na laging nagrerequest ng kanta sa akin.

Kinuha ko ang tissue at tumingin sa gawi ni Mr. Atlas. Nandun sya sa paborito nyang pwesto, sa pinakadulo ng bar counter. Naktingin din sya sa akin at ngumiti sabay taas ng hawak na bote ng beer.

Nagiinit ang pisnging ngumuso ako kasabay ng pagkislot ng puso ko. May isang linggo na syang pabalik balik dito sa bar at laging nagrerequest ng kanta sa akin na puro mga classic love song. Aaminin ko kakaiba ang dating nya sa akin. Crush ko na sya pero di ko pinapahalata. Tuwang tuwa din kami ng banda kapag sya ang nagrerequest ng kanta dahil ang laki nya magbigay ng tip.

Sinimulan ko ng kantahin ang kantang nirequest ni Mr. Atlas. Nakatingin ako sa kanya habang kinakanta yun. Nakatingin din sya sa akin habang tinuntangga ang bote nya ng beer. Pero agad din akong nagbawi ng tingin ng hindi ko na makayanan ang klase ng tingin nya sa akin na hindi ko maintindihan. Bumibilis din ang tibok ng puso ko. Pilit kong kinakalma ang nagwawala kong dibdib dahil baka pumiyok pa ako, nakakahiya.

Matiwasay ko namang natapos ang makabagbagdamdaming kanta. Sumigabo ang palakpakan. Pumalakpak din si Mr. Atlas. Kiming nginitian ko naman sya at pinasalamatan.

Nagbreak muna kami ng banda.

Pagpasok namin sa dressing room ay agad akong uminom ng tubig. Mabilis pa rin ang tibok ng puso ko, mabuti na nga lang at di ako pumiyok kanina.

"Sana hindi magsawa pumunta rito yang si Mr. Atlas at laging magrequest ng kanta. Para laging malaki ang tip natin." Sabi ni Kuya Pido na kumakain ng siomai na meryenda namin.

"Oo nga." Sang ayon naman ni Kuya Ken.

"Pero dapat magpasalamat tayo kay Jess. Halata namang gusto sya ni Mr. Atlas kaya laging nagrerequest ng kanta." Sabat ni Kuya Tanley.

Muntik ko namang maibuga ang tubig na iniinom. Tila sinilaban ang mukha ko sa init at para na ring may nagkakarerahang mga daga sa dibdib ko.

"N-Nagrerequest lang may gusto na agad." Nakanguso at nauutal na sabi ko.

"Obvious naman. Kita mo nga sayo lang nagrerequest ng kanta kay Lucy hindi. Saka laging nakatitig sayo yun kapag nasa stage ka. Type na type ka nun. Tingnan mo, isa sa mga araw na to magaaya yun ng table sayo." Ani Kuya Todd.

Napasinghap ako at namilog ang mata. Kasabay nun ang lalong pagwawala ng dibdib ko. Kinabahan din ako. Hindi naman siguro darating sa puntong ganun.

"Kung ako sayo Jo, go ako kung sakaling ayain ni Mr. Atlas ng table. Table lang naman. Saka sigurado ako malaki ang ibibigay nun. Balita ko nga sa mga gro mayaman yun. Sa kanya yung pinakamahal na kotse na nasa labas. Yung relo daw nya mamahalin na rolex. O di ba big time ang mama. Super gwapo at hot pa." Pangbubuyo naman sa akin ni Ate Lucille.

"Eh baka naman manyak yan?" Singit ni Kuya Ken.

"Kung manyak sabay eskapo ka na."

"O tama na ang chikahan. Balik na tayo sa stage." Sabi ni Kuya Pido.

Lumabas na kami ng dressing room at umakyat na ng stage. Pasimple kong ginala ang mata pagkaupo ko sa stool chair habang nakangiti. Pero nanlumo ako ng hindi ko na makita si Mr. Atlas sa kinauupuan nya kanina.

Parang bigla akong nawalan ng ganang kumanta. Pero hindi pupwedeng lalamyalamya ako magperform sa harap ng mga customer dahil baka ayawan nila ako.

Hanggang sa matapos ang number ko ay matamlay ako. Tinatanong ako ng banda ang sabi ko lang may iniisip lang ako sa school.

DG Series #3: Never Gonna Let You GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon