Chapter 21

16.2K 591 37
                                    

Jolene

"NAKAKATUWA talaga yang mag ama mo. Laging magkadikit at hindi mapaghiwalay." Wika ni Aling Luding ang kapitbahay namin.

"Ikaw ba naman ilang taon nasa abroad ang tatay kaya natural lang na halos di sila mapaghiwalay." Ani Ka Nena ang may ari ng tindahan na binibilhan ko ngayon.

Mula kasi dito sa tindahan nya ay kitang kita ang apartment na inuupahan namin at nasa labas nga ang mag ama at naglalaro ng basketball. Binilhan kasi ni Atlas ng maliit na ring ang anak at bola. Siguradong pawisan na naman si Jeremiah mamaya.

Ang alam ng mga kapitbahay ko ay ofw si Atlas. Yun kasi ang laging sinasabi ni Jeremiah kapag may nagtatanong sa kanya kung nasaan ang papa nya. Hindi naman ako nagkukwento sa mga kapitbahay ko. Si Leah lang naman ang mahilig makipagchismisan pero di naman nya kinukwento ang tungkol sa akin at sa ama ni Jeremiah.

"Baka naman masundan nyo na yan si Jeremiah." Nanunukso pang sambit ni Aling Luding na ikinainit ng aking mukha.

"N-Naku hindi na po. O-Ok na po sa akin si Jeremiah." Nauutal na sabi ko.

"Kuh, di ka sigurado dyan Jolene. Bata ka pa, maganda at seksing seksi. Saka ang gwapo gwapo ng asawa mo o. Sayang naman ang lahi." Segunda pa ni Ka Nena.

"Kaya pala poging bata at malaking bulas tong si Jeremiah kasi ang gwapo ng tatay at malaking tao. Pero mukhang mayaman ang asawa mo ang gara nga ng kotse sa labas. Bakit kayo nagtitiis mangupahan?" Usisa ni Aling Luding.

"N-Naku yung piniprito ko po pa lang isda baka nasunog na. Excuse lang po Aling Luding, Ka Nena." Nagmamadaling kinuha ko na ang bote ng mantika at malalaki ang hakbang na umalis ng tindahan. Siguradong hindi nila ako titigilan sa paguusisa kung hindi pa ako aalis.

"Mama!" Sinalubong ako ng yakap ni Jeremiah. Akala mo naman ang tagal kong nawala at sa malayo ako pumunta.

Kinapa kapa ko ang likod nya. "Pawis na pawis ka na ah. Tama na ang laro.".

Ngumuso si Jeremiah. "Nagpi-play pa po kami ni papa."

"Kanina pa kayo nagpi-play, pawis na pawis ka na o. At pagabi na."

"Bukas na lang ulit tayo magplay anak." Sabi ni Atlas at lumapit bitbit ang bola. "Ako ng bahala maglinis sa anak natin sugar." At inakay na nya sa loob ng bahay si Jeremiah.

Pumasok na rin ako at dumiretso sa kusina para iprito ang tilapya. Paborito kasi namin ito ni Jeremiah. Si Leah hindi kumakain nito magara daw ang lasa. Ewan ko lang kung kakain nito si Atlas. Pero nagluto din naman ako ng isa pang ulam. Tinolang manok para naman may sabaw.

Nangingiting pinagmamasdan ko ang mag ama na maingay sa maliit naming banyo. Nililinisan na kasi ni Atlas ang anak at naghaharutan pa sila. Sa kabutihang palad ay nasanay na dito sa bahay si Atlas. Wala syang reklamo kung wala kaming aircon at electric fan lang. Wala kaming shower at de buhos lang ang toilet. Wala din syang reklamo kung sa sala lang sya natutulog. Hindi rin sya maarte sa pagkain. Pinagsabihan ko na kasi syang wag araw araw puro deliver ang pagkain iba pa rin syempre ang lutong bahay.

Pinatay ko na ang kalan at kumuha na ng mga plato at kutsara sa pamingganan.

"I'm home!"

Nag angat ako ng tingin kay Leah na bagong dating at may bitbit na supot. Lumapit sya sa kusina at nilapag ang supot sa mesa. Siguradong galing yun kay Nana.

"Ano yan insan?"

Nilabas ni Leah ang container sa supot at binuksan. "Tsaran! Ang specialty'ng lumpia ni Nana."

"Wow!" Natakam ako bigla at di ko na napigilan na dumampot ng isang piraso at kumagat. Iba talaga ang lumpia ni Nana. The best sa lahat.

"Tita Leah!" Bati ni Jeremiah kay Leah at humalik sa pisngi nito. Kalalabas lang nya ng banyo at balot na balot ng tuwalya. Ang ama naman nya ay basa ang harapan ng damit.

DG Series #3: Never Gonna Let You GoWhere stories live. Discover now