Chapter 5

518 20 3
                                    

Chapter 5: Deserves

Nasa harap ako ng Hospital.  Iyong iba ay kinukuha ang mga sasakyan nila. Tumitingin naman ako ng pwedeng sakyan pauwi. Sabi ni Kuya, mag-book nalang daw ako ng grab o kaya mag-taxi nalang.

Iyon naman ang balak kong gawin ngayon. Hinihintay ko lang talaga sila bago ako umuwi. Nakakahiya naman kasi kung aalis ako agad, ‘di ba? Kaya kailangan ko rin magpaalam. Nakakahiya dahil dinala pa nila ako dito sa Hospital at sila rin ang nag-bayad.

Sandali akong umatras nang may pumarada sa harapan kong mga sasakyan. Puro sports car pa silang lahat. Napatingin ako sa dulo nang bumaba mula sa mustang si Kendrix. Nang makitang titingnan niya ako ay inalis ko ang tingin sa kaniya.

Nalipat ang tingin ko kay Karl nang tumigil siya sa tabi ko.

“So, Rei, saan ka ba?” tanong niya.

Nandito na rin pala ang iba, mga nakatingin sila sa akin at hinihintay ang sagot ko.

“Uh, sa village po…” sagot ko naman.

“What he means is what kind of village? The address, the place.” Irap ni Kendrix.

“Kunyari pa ‘to…” pagpaparinig ni Gello.

Masamang tingin ang pinukol ni Kendrix sa kaniya kaya natahimik siya. Hindi ko na sila pinansin. Tumingin ako kay Kendrix para sumagot.

“D’yan lang naman po ‘yon, madadaanan po siya sa jeep. At siguro po sa driver ko nalang po sasabihin. Ang sabi po kasi ni Kuya, e, mag-book ako ng grab.” Kinuha ko na ang cellphone ko para sana mag-book na.

Nag-angat ako ng tingin nang marinig ang mga sinasabi nila.

“Ay, may Kuya ka? Wow, sino?” natuwa naman si Nyle.

“Big deal po ba if malaman niyo po?” tanong ko, ngumiti pa.

Nasamid naman sila sa tanong ko.

“Ah, hindi naman. Ano nalang… uh… basta. So, ano, ihahatid nalang kita,” ngiti ni Liam sa akin.

Nangunot ang mga noo nila sa sinabi ni Liam.

“Gagong ‘to, inunahan pa ako sa pag-yaya kay Rei.” Masama ang tingin ni Isaac kay Liam. “Sa akin ka nalang sumabay, Reign.” Tumingin siya sa akin.

Hindi ko naman alam ang sasabihin. Balak kong sumagot pero nagsalita si Luca, natuon sa kaniya ang paningin ko.

“Wrong decision kapag ginawa mo ‘yon, Rei. Dito ka nalang sa akin sumabay.” Balak niya akong hawakan pero hinatak siya ni Marion.

“Papuntang impyerno kapag ginawa mo ‘yon, Rei, kaya ako ang nagsasabi sa ‘yo. Dito ka nalang sa akin, hindi imyperno punta natin kung hindi langit—aray, tangina mo, Karl, ang sakit no’n!” Masama ang tingin niya kay Karl dahil sa pagbatok sa kaniya.

"Kung ano-ano kasi ang pinagsasabi mong hayop ka.” Masama ang tingin niya bago bumaling sa akin. “Sa akin ka nalang sumabay, Reign." Hinila ako ni Karl. "Mas malamig sa kotse ko. Komportable pa."

"Hindi, 'wag ka d'yan, dito ka sa kotse ko. Mas malamig, branded pa ang sasakyan ko. Galing pa 'tong US!" Hila naman sa akin ni Gello.

"You all are so annoying, sa akin siya sasabay." Inakbayan ako ni Vander kaya nagulat ako. “Right, gorgeous?” Tumitig siya sa mukha ko. “You’ll come with me…”

Napalunok ako bago magsalita. “Ah—” naputol ang sinasabi ko nang magsalita si Kendrix.

"All of you, stop!" Iritadong sinabi ni Kendrix. "She'll come with me." Hinigit ako ni Kendrix palayo kay Vander.

Loving You Endlessly Where stories live. Discover now