Chapter 16

383 16 5
                                    

Chapter 16: Deal

“You're not allowed to have a boyfriend, Rei. I told you to stay away from him pero anong ginawa mo? Nakipag-relasyon ka pa sa lalaking ‘yon! Is that the reason kung bakit ayaw mo siyang layuan?!” malakas ang boses ni Papa nang makapasok kami sa mansion.

“Hindi naman ‘yon totoo, Papa, e. Walang katotohanan sa sinasabi ni Kendrix,” pagtatanggol ko sa sarili.

“But seeing his eyes, he's damn fucking serious about it! I am asking you once again, Syrille Reign. Kayo bang dalawa?” Galit na galit na tanong ni Papa.

Umiling ako. “Hindi nga po ‘yon totoo! Lahat ng sinasabi ni Kendrix kanina ay hindi totoo!” Unti-unti na akong kinakain ng inis pero pilit kong kinakalma ang sarili.

“Of course you won't admit it, natatakot kang malaman namin,” maging si Kuya ay galit ang emosyon.

“Mas naniniwala pa po ba kayo sa sinasabi ni Kendrix kaysa sa akin, Papa, Kuya?” Nilingon ko si Jaren. “Alam mo naman, Jaren, na hindi kami masyado nag-uusap sa School, ‘di ba?”

“How could I know, we are not in the same class.” Nagkibit-balikat siya.

“Is that the reason why you two had a date yesterday?” Tumalim ang tingin sa akin ni Kuya.

Nilingon ni Papa si Kuya bago tumingin sa akin. “You two had a date?”

“Papa, hindi ‘yon date… magkasama lang kami… ganoon. At bakit po ba kayo nagagalit?” Naguguluhan na ako. “Papa, walang kami. Hindi kami. Wala kaming relasyon ni Kendrix.”

“I don't believe you, Reign.” Suminghap si Papa.

“‘Pa, sa akin kayo mas maniwala! Gusto niya lang po mawala ang engagement na ‘yon kaya niya sinabi. Please, hindi ko siya boyfriend. Wala po akong boyfriend.” Halos magmakaawa na ako para pakinggan lang nila

Nilingon ko si Jaren na siyang tahimik lang dahil ayaw niyang madamay. Alam kong hindi siya naniniwala doon. Alam niyang hindi ‘yon totoo!

“Hindi niyo kailangan magalit sa akin, Papa, Kuya, dahil hindi nga ‘yon totoo! Hindi ko lubusang kilala si Kendrix para gawing—”

“Kaya ayaw mong lumayo sa kaniya dahil mayroon kayong relasyon!” Malakas ang boses ni Papa.

Napahilamos nalang ako sa mukha. Pumikit ako at huminga ng malalim. Nagmulat ako ng mata para tingnan sila.

“Kung ano po ang gusto niyo paniwalaan ay bahala po kayo, Papa, ang sa akin lang ay wala kaming relasyon!” Hindi ko na napigilan ang tumaas ang boses.

Ramdam ko na nabigla sila dahil hindi naman sila sanay na tumaas ang boses ko. Tiningnan lang ako ni Papa at pinigilan ang sarili niya.

“Umakyat ka sa kwarto mo. Starting tomorrow, you'll be with the bodyguards. Hindi ka pwedeng lapitan ng lalaking ‘yon! Go upstairs!” Tumaas ang tono ni Papa.

Nakatitig lang ako sa kanila. Bumagsak ang balikat ko bago damputin ang purse sa center table. Mabilis akong tumalikod para umakyat sa kwarto. Hindi ko rin napigilan ang mapaluha dahil nagagawa akong pagtaasan ng boses ni Papa o maging si Kuya.

Pinahid ko ang luha sa pisngi. Ang bilis ko talagang maiyak lalo na kung sinisigawan ako. Hindi ako sanay na sigawan kaya kapag

Noong dumating ang kinabukasan ay kaagad akong bumangon. Narinig ko pa ang katok ni Jaren. Dito pala siya natulog. Hindi ako sumagot. Basta-basta ako pumasok sa kwarto para makahilamos na.

Kailangan kong sabihin kay Kendrix na bawiin niya ang sinabi kagabi. Dahil sa mga kasinungalingan niya ay napagalitan ako. Nasigawan pa.

Tumingin ako sa salamin bago sinuklay ang buhok. Bumaba na ang kulay pula kong buhok. Kailangan ko na naman yatang magpakulay. Sandali kong binaba ang hair brush para maligo na.

Loving You Endlessly Onde as histórias ganham vida. Descobre agora