Chapter 3

533 27 8
                                    

Chapter 3: Treat

Hay, finally, uwian na. Makakatakas na ako sa mga panti-trip sa akin ni Kendrix. Kanina pa nga ako naiinis sa kaniya dahil sa ginagawa niya. Paano, pinako ba naman 'yong bag ko?! Hindi ko na talaga kinakaya. Naiinis na ako pero hindi ko pinapahalata sa kanila.

Ngayon, paano ko aalisin ang bag ko, huh? Pinako ba naman ni Kendrix?! Nakakainis talaga! Gusto ko ng umuwi pero hindi ko magawa dahil nga pinako nitong demon na 'to.

"So, paano po ako uuwi, e, tingnan mo ang ginawa sa bag ko," kalmado kong sinabi sabay turo sa bag kong nakapako sa upuan.

Tumingin naman silang lahat doon. Nakita ko ang pagtawa nila pero kaagad rin tumigil nang mapanguso ako.

Kaya pala may naririnig akong ingay mula sa likod ko kanina, iyon pala ay pinapako na ni Kendrix ang bag ko. Nagulat pa ako nang hilahin ko ang bag ko ay hindi ko makuha, 'yon pala, e, nakapako talaga!

"Ang gago mo talaga, Drix," sabi ni Vander pero natawa rin naman. "Anyway, don't worry. Aalisin 'yan ni Drix, right, bro?" Lingon niya sa kaibigan.

"What the fuck, Van? No way." Kaagad na dinampot ni Kendrix ang bag niya para umalis kaso hinila siya ni Vander. "Let go of me."

"No, Drix, alisin mo 'yan."

"Why do you care about her, huh, Vander?" Salubong na kilay na sabi ni Kendrix.

"She's our classmate, Drix, we have to treat her nicely, ano ba?" Napailing si Vander.

Napabuntong hininga naman ako dahil sa bag kong naka-pako. "Tingnan mo ang bag ko, branded. Bigay pa sa akin ni Papa 'to tapos ganiyan lang ang gagawin mo?" Pangongonsensya ko. "Ang bad mo naman po."

"Yeah, I am a really bad person, red girl. You want proof?" Nilapitan niya ako kaya bahagya akong umatras.

Hinawakan siya ni Vander. "Kendrix, ano ba? Be nice to her!" Nairita na siya. "Alisin mo na 'yong bag niya, come on. Ikaw rin naman ang may kasalanan."

"I don't fucking care, Vander. If she wants to get it, then do it by herself. Huwag ako," iritado na rin si Kendrix.

Ang bad niya talaga, hmp.

"Opo, ako na po." Saglit akong tumigil para hanapin iyong martilyo na ginamit niya. "Chanel pa naman ang bag ko. Regalo 'to ni Papa, sa Mama ko pa 'to galing na nasa heaven. Ang sama mo…" Kinuha ko na ang martilyo.

Lumuhod ako para kunin. Natigilan naman silang lahat sa sinabi ko. Hindi sila makapagsalita. Nilingon nilang lahat si Kendrix na siya rin napatigil.

"Hala, Kendrix…" suminghap si Aston, isa sa mga classmate ko.

"Patay na ang Mommy mo?" Nilapitan ako ni Adrien. "Ako na nga ang gagawa." Kinuha niya ang martilyo sa kamay ko para siya na ang mag-alis ng pako.

Ayokong mag-open up about kay Mama. Tama ang sinabi ko, patay na si Mama. Bata palang ako, iyon na ang alam ko. Ang naalala ko ay naaksidente kami noon at ito… namatay si Mama dahil sa banggaan na nangyari noong bata ako.

"Oo, matagal na… actually, matagal na rin ang bag na 'to pero iniingatan ko. Kay Mama kasi 'to galing. Ito nalang ang bagay na naiwan niya, ayokong itapon kaya ako nalang ang gumagamit. Para at least, kasama ko po siya, 'di ba?" Ngumiti ako sa kanila.

Hindi naman sila sumagot pero tumango sila. Inalis ko na ang tingin sa kanila. Nakita ko ang pag-iwas ng tingin sa akin ni Kendrix. I think he's guilty? Well, hindi siguro. Remember, he's a demon?

"Ayan, kagaguhan mo kasi," mura ni Vander kay Kendrix. "If that's the case then… ako na ang humihingi ng sorry from what Kendrix did."

"Okay lang po…" ngiti ko ulit.

Loving You Endlessly Where stories live. Discover now