Chapter 6

518 31 5
                                    

Chapter 6: In a relationship

Noong dumating ang umaga ay maaga akong nagising. Tumayo na rin naman kaagad ako para makaligo na. Kinuha ko ang uniform sa closet at sinuot. Kagabi lang ito nahatid dito sa bahay.

At alam mo ba may nag-message sa akin kaso dump account. Auxiliary pa nga ang name! Hindi ko naman kilala at ako lang rin ang fina-follow sa Facebook. Naka-flood rin ng likes ang nga post ko sa IG with comments pa. Nagdududa tuloy ako kung sino 'yon.

Sumilip ako sa labas para makita kung nand'yan pa sina Papa pero wala na pala. Nakarinig ako ng katok sa labas. Tinapos ko ang pagsusuot ng medyas bago tuluyan tumayo. Dala ko rin ang bag ko nang buksan ang pinto.

"Umalis na ang Papa at si Rios, Reign. Ako ang maghahatid sa 'yo," sabi ng personal butler ko.

"Okay po," sagot ko naman bago sinarado ang pinto ng kwarto ko.

Bumaba na ako para sana kumain kaso nagbago na ang isip ko. Mahuhuli na rin kasi ako kung kakain pa. Hindi ako nakatulog kagabi, e, dahil sa nalaman ko kay Kendrix.

Grabe, siya talaga ang may gawa no'n kay Jett? At nalaman ko pa ang ginawa niya kay Margaux. Bawal manakit ng babae pero… sinaktan naman ako ni Margaux, e, pero mali pa rin. Ano kaya ang buong detail na ginawa ni Kendrix sa kaniya?

Dumaan muna kami sa Starbucks para bumili ng coffee ko. Ito nalang muna siguro ang iinumin ko. Small lang ang binili ko dahil hindi rin ako mahilig sa coffee.

"Salamat," sabi ko nang makarating sa harap ng school. "May susundo po ba sa akin mamaya?"

"Ang sabi ni Rios kanina, siya raw ang susundo sa 'yo kaya huwag ka raw aalis ng School," aniya.

Napatango naman ako bago tuluyan bumaba ng sasakyan. Inaayos ko ang necktie ng uniform ko habang naglalakad. Iniiwasan ko naman ang tingin ng iba sa akin. Hindi ko pa nakikita si Alondra o ang mga kaibigan niya.

Nasaan kaya siya ngayon?

Dumiretso na ako sa fourth floor. Hingal na hingal pa ako nang tuluyang makaakyat. Napatigil pa ako nang makita 'yong mga kasama ni Margaux. Masama ang tingin nila sa akin bago pumasok sa classroom nila.

Napatingin naman ako doon at nakita kong binabantuan ni Margaux ang labi niya ng yelo. Nang mapansing nakatingin ako ay nilingon niya ako. Nagsalubong ang kilay niya sabay tayo.

"What are you looking at?!" Balak niyang sumugod pero may humawak sa kamay niya.

"Girl, pagalingin mo muna 'yang sugat mo sa labi. Hindi lang 'yan ang kayang gawin ni Kendrix sa 'yo, so if I were you, stop it. Look at you, one slap lang ni Drix 'yan but look at your lips, daig mo pa nagpa-opera ng labi," tawa ng babae na sinundan ng iba.

"Magkano pagawa mo d'yan, Margaux?" Tawa ng lalaki sa likod.

"Shut up, Sanya!" Matinis na sigaw ni Margaux.

"Just saying, Margaux." Tiningnan ako noong Sanya. "Go now, walang gagawin 'tong si Margaux."

Nakatingin lang ako kay Margaux bago tuluyan naglakad papunta sa classroom pero naririnig ko pa ang sinabi ni Sanya.

"Ipaghihiganti ka naman ng bestfriend mo, Marg. He's back, right?"

May gaganti na naman kay Kendrix?

Binilisan ko ang lakad pero agad rin napatigil nang makitang parang nagkakagulo. Lahat sila nagsisigawan sa hindi ko malaman na dahilan. Ang dami rin ang nakikisali, may tumakbo pa papunta doon para makialam.

"Ren, ano ba, put down your gun!" Boses iyon ni Vander

Lumapit ako para makita. Nagulat ako nang makita ang lalaking may hawak na baril. Nakatutok pa kay Kendrix na malamig lang ang tingin sa harap. Hindi ko masyadong makita ang mukha niya dahil nakatalikod siya sa akin.

Loving You Endlessly Où les histoires vivent. Découvrez maintenant