Chapter 15

326 13 0
                                    

Chapter 15: Girlfriend

Kanina pa kami dito pero wala pang nagsisimula ng party. Parang mas inuna ang pagkain. Ang waiter ang nagbibigay sa akin. Nagugulat nga ako dahil ang dami, e, samantalang kina Jaren ay simple lang.

“Salamat po, busog na po ako,” sabi ko sa waiter nang magbaba siya ng chicken cordon bleu. “Ren, gusto mo?”

“No thanks, I'm full.”

Inalok ko sina Papa pero ayaw rin nila. Tanging alak nga lang sila. Hinayaan ko nalang.

Hinanap ng mga mata ko sina Kendrix kaso wala, maging iyong mga kaibigan niya. Gusto ko lang malaman kung anong ginagawa nila dito. May mga naririnig akong usapan about kasal sa bawat paligid pero hindi ko na pinapansin.

Sandali akong nagpaalam na tatayo lang. Hinayaan naman ako ni Papa.

Abala ako kakatingin ng mga sweets. Hindi ko alam if pwede bang kumuha sa parte na ‘to. Wala pa akong nakikita na kumukuha, e. Nakakahiya kung mangunguna ako.

Gusto kong kumuha ng donuts pero nahihiya ako! Hay, pati pagkuha, Rein, kinahihiyan mo. Napailing ako sa iniisip.

“You want that?” narinig ko ang isang pamilyar na boses.

“K-Kendrix…” mahinang sabi ko nang lumingon.

Napatitig pa ako dahil sa suot niya. He's wearing white button shirt ngunit pinatungan niya ng blazer iyon. He's also wearing a black pants, na sadyang bagay sa kaniya. Bahagyang kuminang ang suot niyang gold necklace. Napaawang ang labi ko nang makita ang singsing ko roon.

Kumurap ako. “U-Uh, Kendrix.”

“Yeah…” Lumapit siya sa tabi ko. “You want that?” ulit niya sa tanong kanina.

Tumingin ako sa tinutukoy niya. “Oo, e, kaso walang bawas pa. Nakakahiyang kumuha…” bahagya akong nahiya.

“Don't be.” Kumuha siya ng isang platito. Kinuha niya ang tong para kumuha ng donut. “Here.” Nilahad niya ‘yon sa akin matapos kumuha. “Wait, what else do you want?”

“Wala na, salamat. Ito lang talaga ang gusto ko…” ngumiti ako sabay kuha sa platito. “Uhm, ano pala ang ginagawa mo dito? Invited ka rin sa party?” Nilingon ko siya.

Nakatitig pala siya sa akin kaya natigilan ako. Kumurap-kurap siya bago lumayo. Nang makabawi ay natawa siya. Kumunot naman ang noo ko.

“We are the ones who have the party. Kayo ang invited…” paliwanag niya. “It's actually… an engagement party.” Parang nawalan siya sa mood nang banggitin iyon.

“U-Uh, akala ko dinner lang…” mahinang bulong ko.

Iyon talaga ang akala ko dahil iyon lang naman ang sinabi sa akin pero may iba pa pala. At kanino kayang engagement party ‘to? Hindi naman siguro kay Alondra o Kendrix, ano? Masyado pa silang bata for this kind of marriage kung sakali.

“It is, later, pero sa ngayon… party muna,” sambit niya, nakatingin na sa mukha ko. “Uh, ang ganda mo, Reign. The dress suits you perfectly.”

Uminit ang pisngi ko sa sinabi niya. “Salamat. Gwapo ka rin ngayong gabi, bagay sa ‘yo ang suot mo.”

Nakita ko ang pag-pula ng tainga niya dahil sa sinabi ko. Napalunok pa siya.

“H-Huh?” hindi na siya makagalaw.

“Ah, gwapo ka, Kendrix.”

Mas lumala ang pamumula niya bago ako talikuran. Walang pasabi siyang iniwan ako mag-isa sa harap ng sweets.

“Kend…” Hindi ko na natuloy ang pag-tawag dahil pumunta siya sa loob ng mansion.

Napanguso ako pero kaagad rin umayos. Bumalik ako sa table namin ni Papa. Nakakunot ang noo niya, halatang nakita ang eksena kanina. Napatingin naman ako kay Kuya. Tahimik naman siya habang abala sa pakikipag-text.

Loving You Endlessly Where stories live. Discover now