Chapter 13

479 20 1
                                    

Chapter 13: Trust

“What are they fucking doing… fuck, papatayin ko talaga ‘tong si Vander,” halos isumpa na niya ang kaibigan nang maalala.

Hinila niya ako para makatakas sa mga classmate namin. Nilingon ko kung saan siya nakatingin kanina. Nandoon nga sina Gello! Nagtatawanan pa sila habang naglalakad. Namataan ko si Karl na may hawak na aso habang kausap si Vander. Biglang nag-angat ng tingin si Liam kaya nanlaki ang mata ko.

Hinila ako ni Kendrix papunta sa isang shop para magtago. Hala! Makikita nila kaming magkasama! Napatingin sa amin ang ibang nasa loob. Inikot ko ang paningin. Nasa photo shop pala kami at mukhang may ginagawang pictorial!

Nawala ang paningin ko sa kanila nang maalalang nandito nga pala sina Vander. Tumingin ako sa labas. Huminto sila sa pwesto namin habang iniikot nila ang paningin.

"Holy fuck, they saw us!" sambit ni Kendrix, nakatingin pa rin sa labas.

"Hala, Kendrix, iyong bag ko…" Hinila ko ang dulo ng shirt niya.

"I know…" aniya. "They have such bad timing. They can't see us together. They knew that I was so annoyed with you."

Bahagya akong ngumuso. "Wala naman akong ginagawa, Kendrix. Bakit ka annoyed sa akin?"

"I am not, okay? Fuck, ang hirap kaya magpanggap. Iyon ang alam nila, alright? But the truth is I am not. Ime-message ba kita sa IG if I am…" tumigil siya sa pagsasalita bago mapaubo. "What I mean, kakausapin ba kita if I am annoyed with you? Of course not. It's just an act…"

So, iyong mga pagsusungit niya sa akin ay acting niya lang? Napahinga ako ng maluwag dahil sa sinabi niyang 'yon. Ang akala ko talaga ay masungit siya sa akin, e, hindi naman pala! At in fairness, magaling siyang mag-acting dahil napaniwala niya kami.

"E, ano na ang gagawin natin?" Tumingin ako sa labas at nandoon pa rin sila. "Mukhang nakita nila tayo, e."

"No, they didn't see us." Umiling siya. "We should stay here at least habang nandoon pa sila."

"Nandoon iyong gamit ko, Kendrix. Baka mawala iyong wallet ko or iyong phone ko sa bag."

"I'll call someone to take that, don't worry. For now, we have to stay here. Hindi nila tayo pwedeng makita." Nakatingin pa rin siya sa labas.

Wala naman na akong nagawa. Nilingon ko sina Karl doon. Napahawak nalang ako sa noo nang maupo sila sa table kung saan malapit sa amin. Kung kailan naman talaga, e. Bakit ba nag-stay sila doon? Hindi naman makapaniwala si Kendrix sa nakita.

"These fuckers," may diin sa bulong niya.

Tumingin ako sa lugar kung saan kami pumasok. Napatigil pa ako dahil may pictorial nga na nagaganap. Hindi naman nila kami napapansin dahil abala rin sila sa ginagawa. Ang ganda pa ng designs sa bawat paligid. May model dito, pictorial nila.

"Nakakaabala tayo sa kanila, Kendrix." Mahina kong hinila ang shirt niya.

Lumingon siya pero ang mata ay nasa kamay kong nasa shirt niya. Bumitiw rin naman ako. Hinawakan niya ang kamay ko kaya napaangat ako ng tingin.

Tumikhim ako. "So, dito lang talaga tayo?"

"Yup, alam ko namang aalis na ang mga 'yan." Hinila niya ako papunta sa isang sofa kung saan walang tao. "Oh, they're having a pictorial…" puna niya nang mapatingin sa mga tao.

Naupo nalang rin ako sa harap. Nakatingin pa rin kami sa labas, umaasa na sana umalis na ang mga classmate namin. Nakikita ko naman ang bag ko dito. Wala naman nagtatangka na kumuha kaya nakahinga ako ng maluwag.

Napaisip ako sandali. Ayaw niya malaman nina Vander na magkasama kami. At alam talaga nilang inis sa akin si Kendrix kahit hindi naman pala. Alam niyo, aaminin ko, nasaktan talaga ako noong sinusungitan ako ni Kendrix. Hindi kasi ako sanay na ganoon, sanay ako laging nginingitan at hindi sinusungitan.

Loving You Endlessly Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum