Chapter 9

497 16 2
                                    

Chapter 9: Close

“Thank you…” sambit ko nang makarating kami sa harap ng bahay.

Nakatingin naman si Kendrix sa labas. Nilingon niya ako. “No worries. Go inside before I leave.”

Napatango naman ako. Inalis ko na ang seatbelt ko. Bumaba pala siya kaya siya na rin ang nagbukas ng pinto. Bumaba na rin naman ako at naaninag kong maliwanag na sa loob ng mansion.

“Nandito na po ba si Kuya at Papa?” tanong ko sa isang tauhan nang makapasok sa loob ng gate.

Sandali ko bang nilingon si Kendrix. Simple ko siyang nginitian bago tuluyang pumasok sa loob ng mansion. Mabait rin naman pala siya kung minsan. At sana kung pwede lang ay lumabas ang pagiging mabait niya, para naman hindi ako sungitan.

“Hindi pa po, Miss Reign. Maya-maya pa raw po ang uwi.” Kinuha niya ang bag ko.

Napatango naman ako sa sagot niya. Tumingin ako sa paligid at naabutan kong nag-aayos ng dinner ang mga helper. Sandali akong napatingin sa pader kung nasaan ang portrait namin nina Papa.

Mapait akong napangiti nang makita iyon pero kaagad rin naglaho. It was my seventeenth birthday pero malungkot, e, dahil kulang kami… dahil wala na si Mama. Ako, si Kuya, Ate, at Papa lang. Hindi kabilang si Jaren dahil hindi siya hinayaan ni Ate na makasama. Against doon si Papa pero wala siyang nagawa, nakakatakot naman kasi si Ate, e.

Tsaka, iyong panahon na ‘to ay magulo talaga ang pamilya namin. Buong angkan ng Atienza ay galit kay Papa dahil sa ginawa niya, iyong grandparents ko naman mula sa mother side ay galit rin kay Papa dahil nga sa nangyari noon. Nag-cheat si Papa, ‘di ba? Tapos si Mama ay namatay pa kaya doble ang galit nila sa Papa ko.

Pero kaming mga apo naman nila ay hindi kinakagalitan. Kinukuha nga nila ako mula kay Papa pero hindi pumapayag ang ama ko. Malakas ang laban ni Papa dahil siya ang biological father ko at may karapatan kaysa kina Lolo.

Napatingin ako sa picture ni Mama. Malaki iyong portrait niya. Nakasuot siya ng itim na dress, may pearl necklace at long white gloves sa kamay. Nakangiti man siya pero ramdam ang lungkot sa mga mata niya.

After finding out my father cheating on my mother made my heart break. Siya ang unang lalaking sumira sa puso ko, my father is my first heartbreak.

“Miss na kita, ‘Ma,” sambit ko bago napapikit.

Nagmulat ako ng mata. Pinahid ko ang luha sa pisngi bago umayos. Wala naman mangyayari kung sakaling umiyak ako, ganoon pa rin naman. Hindi na siya babalik.

“Nandito ka na pala…”

Napalingon ako sa likod. “Opo, Papa, kakauwi ko lang po.” Lumapit ako sa kaniya.

“Have you eaten?” Hinalikan niya ang noo ko.

Umiling ako. “Hindi pa po. Nasaan po si Kuya?”

“Hideout, Reign. He's doing some business there. Let’s go eat, I'm starving. I am sure, you're starving too. How's your class by the way?”

Niyaya niya ako sa dining. Naupo ako sa kabilang side at siya ay sa dulo ng lamesa. Nilagyan niya ng pagkain ang plato ko kaya nagsimula na akong kumain. Nang maalalang may tanong siya ay nilunok ko ang kinakain.

“Masaya naman po. Masaya sila kasama…” sagot ko naman.

Napatango siya. “How about Jaren? He was there, right?”

Alam pala niyang doon nag-aaral si Jaren.

“Maayos naman po siya, ‘Pa.” Uminom ako ng tubig.

Hindi naman siya nagsalita. Parang may naalala siya kaya tiningnan ako.

Loving You Endlessly Where stories live. Discover now