Chapter 7

518 27 3
                                    

Chapter 7: Wallet

"Bakit po ba ang sama timpla ng mukha mo, Kendrix?" Puna ko nang makita ang mukha niya.

Hindi ko ginusto na makatabi siya ngayon. Napilitan lang ako dahil nagkaroon kami ng sitting arrangement, hindi ko naman alam na siya ang magiging katabi ko ngayon. At hanggang ngayon, e, hindi pa rin maayos ang timpla ng mukha niya.

"I told you drop the fucking 'po'," inis niyang sinabi. "And about what you said, naiirita lang ako out of nowhere."

"Out of nowhere ba talaga o sa nalaman mo kanina?" Sabat ni Karl na nasa harap namin.

"Shut up," irap ni Kendrix sabay bigay ng cellphone ko sa akin.

Nasa kaniya pa pala 'yong iphone ko! Kinuha ko nalang para tingnan kung may mga message ba sina Papa at wala naman. Napakunot lang ang noo ko nang makitang may kung ano sa recent used app ng phone ko.

Nakabukas kasi iyong contacts ko at nakalabas 'yong number ko, e.

"I didn't do anything wrong," sambit kaagad ni Kendrix nang tumingin ako sa kaniya, na para bang inaakusahan ko siya.

"Wala naman akong sinasabi," sagot ko.

Tumahimik siya at hindi na nagsalita. Tumitingin ako sa harap para makinig ako sa Teacher. Ang ingay naman nila Karl sa harap kaya medyo naririndi ako sa kanila, hindi ako sanay sa ingay pero pinapakisamahan ko sila.

At ngayon, parang gusto ko nalang tumayo dahil nakatitig sa akin si Kendrix. Halos kabisaduhin na niya ang bawat sulok ng mukha ko. Nakapatong ang siko niya sa armchair habang nakahilig ang ulo sa palad niya.

Naiilang ako. Nakatitig siya sa mukha ko ngayon. Ano bang mayroon sa mukha ko at bakit nakatitig pa siya?

"Uh, Kendrix, bakit ka nakatingin?" Mahinang tanong ko para hindi mapagalitan ng Teacher. "At huwag mo akong susungitan, nagtatanong lang ako…"

"I just realized, maganda ka pala talaga…" sambit niya sa mababang boses. Nakatingin pa rin siya sa akin, titig na titig.

Nagulat ako sa sagot niya. Naramdaman ko pa ang pag-init ng pisngi ko kaya sandali kong hinawakan.

"H-Huh?"

"Maganda ka nga," ulit niya. "Pero hindi kayo bagay ni Jaren. That fucking shit has a girlfriend it's fucking you? That's fucking ridiculous."

Nangunot naman ang noo ko. "Hindi shit si Jaren, okay? May name naman siya."

"Paano ba 'yan, Drix, pinagtatanggol niya," tawa ni Gello.

"Shut up, Gello," sambit ni Kendrix, nakatingin sa akin. "I really don't get it, seriously, pinatulan mo si Ren?"

Ano ba kasing pinagsasabi niya? Hindi ba obvious na magkapatid kami ni Jaren? I mean, sa mukha namin? Before noong hindi ko pa alam na magkapatid kami ni Jaren, maraming nagsasabi na magkamukha kaming dalawa. At noong biglang lumabas lahat ng issue between our parents, doon ko nalaman na magkapatid kami.

Also, we were really close before. Jaren and I really close before noong hindi ko pa alam na magkapatid kami. When we found out na nagche-cheat si Dad, I felt hatred kay Jaren and his Mom. Kaya pala sila mabait sa akin dahil kinukuha nila ang loob ko because before, I remembered, my Dad was planning to divorce my Mom but she didn't sign the papers.

I am still hoping that maybe soon manumbalik na lahat ng nawalang alaala sa akin. The day Mom and I met an accident, the guy kung sino ang nananakit sa Mommy ko at sa akin, at iyong reason kung bakit kami umalis ni Mommy na naging dahilan para maaksidente kami.

"Alam mo, Reign, namumula si Drix." Malakas na tumawa si Karl.

Napakurap naman ako. Namumula nga si Kendrix! Hala, nakatitig na pala ako sa mukha niya. Iniwas niya ang mukha at hindi na ako pinansin. Rinig na rimig pa rin amg tawa ni Karl. Halos maglupasay na siya sa sahig sa tawa niya.

Loving You Endlessly Donde viven las historias. Descúbrelo ahora