Chapter 17

352 10 2
                                    

Chapter 17: Guilty

“I’ll help you to find the reason kung bakit nga ba galit na galit si Mr. Atienza sa Pamilya namin. Just promise me, you’ll help me too,” sambit ni Kendrix nang hindi ako umimik ng matagal.

Hindi ako nagdadalawang isip sa sinabi niya. Tutulungan niya ako at tutulungan ko siyang malusutan ang marriage niya. At isa pa, gustong-gusto ko rin talaga malaman ang lahat. At iyong tungkol sa ama niya, noong nagkita kami, parang pamilyar siya. May sinabi pa siyang ‘her’ noong magkasagutan si Papa.

“Basta, tutulungan mo ‘ko. Papayag ako—teka, paano kung may mahanap tayo na posibleng ikasira ng pamilya niy—”

“Reign, you don’t have to think that. I actually wanted to know that either. Hindi lang pamilya mo ang galit sa pamilya ko. The feelings are mutual. Galit na galit rin si Dad at Mommy sa pamilya mo. When they found out that we are in a relationship—although, it's a fake. They wanted me to breakup with you, but I said, no kaya nag-away at sinampal ako ni Mommy.”

“Kaya ka ba may sugat sa labi,” sabi ko at tumingin sa labi niya.

Hinawakan naman niya ‘yon. “Yeah, nag-away kami nina Mommy last night. She slapped me, twice. She kept on telling me to stay away from you. Pati ang grandparents ko ay nasa mansion last night, they said that they want me to stay away from you. Now I am confused, did something happen before that caused that?”

Napaisip ako sa tanong niya. Sa totoo lang, gulong-gulo na rin ako kaya kailangan kong malaman ang totoo. At iyong Papa niya, pamilyar talaga, e. Siguro nagkita na kami somewhere? Hindi ko na talaga alam.

Alam ko, may nangyari noon. At iyon ang dapat kong alamin ngayon.

“Baka… siguro…” Nagkibit-balikat ako. “Malalaman ko rin ang lahat,” desidido kong sinabi.

Kailangan ko na rin siguro maalala ang lahat bago ang aksidente namin ni Mama. Pakiramdam ko ay may ilan akong memorya na nawala at dahil iyon sa impact ng aksidente noong bata ako.

“Si Alondra ba? Ayos lang ba siya?” tanong ko nang maalala ang kambal niya.

Sana ayos lang siya. Nakita ko ang mukha niya kanina. Mukha lang siyang masaya pero alam kong may iba pa iyon, e.

“She is, Rei. She’s fine. I protected her. Actually, the second slap is supposed to be her, pero ako ang sumalo. I can't stand seeing my sister get slapped by our own mother. Fuck it. How fucking ridiculous, right? Sarili naming ina, sinasaktan kami dahil lang hindi kami sumusunod sa kanila?”

Hindi ako makapaniwala. Napalingon pa ako sa kaniya. “Nagagawa niya kayong saktan? E, iyong Daddy mo?”

“Si Dad lang ang pumoprotekta sa amin ni Alondra, mas mahalaga kay Mommy ang business and engagement dahil ayaw niyang mapahiya sa grandparents ko. Her top priority is her business, not us.” Bakas ang pagkamuhi niya sa ina.

Hindi ako umimik lalo pa noong makita ko ang kakaibang emosyon sa mga mata niya. Umayos siya at umiling.

“Let's not talk about my Mom,” nagbago ang tono ng pananalita niya.

Tumango naman ako. Inalis ko na ang tingin sa kaniya. Tumingin ako sa ibaba kung saan makikita ang ilang estudyante na nagkalat sa ground floor. Nakikita rin sa pwesto namin ang ilang sasakyan na dumadaan.

“Reign, I have a question,” bigla niyang sabi. “About our deal, pumapayag ka na ba? Because look, pumayag na ako na tulungan ka. You need me and I need you. I already agreed, how about you?” Lingon niya.

Sandali bago ako hindi makasagot. Nag-iisip pa ako. Tama siya, pumayag na agad siya sa gusto ko dahil nais ko rin malaman ang rason sa lahat ng galit ni Papa para sa pamilya niya.

Loving You Endlessly Where stories live. Discover now