Chapter 1

2.3K 49 7
                                    

Chapter 1: First Day

Kasalukuyan akong nasa harap ng malaking school ngayon. Napakamot pa ako sa noo dahil talagang hindi ako sinamahan ng secretary ni Papa! Siya kaya ‘tong gusto akong lumipat ng bagong School, ang tino-tino ko naman at wala akong nakakaaway tapos gusto niya akong lumipat? Hay, ewan ko nalang talaga kay Papa.

Pumasok nalang ako sa loob. Tumingin pa sa akin iyong guard dahil tuloy-tuloy ako.

“ID mo?” Tanong naman niya agad.

“Wala pa po, eh, actually transferee ako,” sagot ko naman. “Ah, sige po, una na ako.” Pumasok na ako sa loob ng School.

Napatingin kaagad ako sa dami ng estudyante. May mga nagtatawanan pa habang naglalakad. May mga magkakaibigan naman na panay ang sulyap sa mga classroom na nadadaanan nila. Mayroon rin naman mga kababaihan na nagpapapansin sa mga crush nila. At huli, may mga mag-jowa na naghaharutan.

Napangiwi ako sa huling nakita. Dumiretso na ako ng lakad para hindi mahuli sa first period ko. Actually, late enrollee ako. Katulad nga ng sinabi ko, nilipat lang ako ni Papa dito! Tsk, lakas rin ng tama ng Tatay ko, e, ‘no?

Bumaba ang tingin ko sa hawak na papel. Wala pa dito ‘yong section ko. Papel lang ‘to mula sa registrar. Ito ang ipapakita ko para malaman kung ano ang section ko. Well, sana maayos sila at mabait.

Napatingin pa sa akin ang iba. Siguro dahil naka-civillian ako? Wala pa kasi akong uniform, e, baka ngayon rin ibigay.

Inayos ko ang kulay pula kong buhok bago dumiretso. Hindi ko na pinansin ang mga tingin nila kahit nakakailang.

Nakailang ikot na ako kaso hindi ko makita ‘yong registrar office. Dapat pala ay tinanong ko kanina sa guard, ‘no? Hay, kabobohan, Reign!

“Uhm, excuse me,” sabi ko sa lalaking nakaupo, may kinakain siyang chichirya. Napatigil pa siya sabay baling sa akin. “Alam mo ba kung saan ang registrar office? Kanina ko pa kasi hinahanap, e, tsaka favor, uh, pwede detailed kasi mahina ako sa mg direction.”

Nagulat pa siya dahil sa tanong ko. Ngumiti ako dahilan para mapakurap siya. Tumikhim siya sabay kamot sa noo.

“Ah, gano’n ba? Halika, samahan nalang kita!” Tumayo siya. Niligpit niya ang kinakain.

“Ay, ‘wag na! Nagtatanong lang naman ako, e, at busy ka sa pagkain kaya—” pinutol niya ang sinasabi ko.

“Okay lang, Miss, ano ka ba? Tara, samahan kita.” Pinagpagan niya ang uniform.

Napatingin ako sa gilid ng uniform niya. Carbonelle. Oh, iyon siguro ang surname niya?

“Okay,” sabi ko nalang.

Tumingin pa ako sa paligid dahil pinagtitinginan kami. Bakit kaya iba sila makatingin? Tumingin ako sa lalaking kasama ko.

Tinuro niya ang daan kaya sumunod ako. Nasa likod niya ako at abala naman siya sa pagta-type sa cellphone. Sinulyapan niya pa ako sabay baling sa cellphone. Ano naman kaya ang ginagawa nito?

Bigla kaming tumigil sa harap ng isang pinto. Tumingin naman ako doon.

“Ito ‘yong registrar office, Miss.”

“Reign,” sambit ko. “Reign ang name ko,” pakilala ko.

“Ah, Karl,” pakilala niya rin. “Sige, una na ako. Nice to meet you!” Ngumiti pa siya sa akin bago tuluyan umalis.

Kumatok naman na ako sa pinto bago pumasok. Napaangat ng tingin sa akin ang babaeng abala sa pagsusulat. Tumigil siya sabay ayos ng upo.

“Uh, section ko po ang kukunin ko. Syrille Reign Atienza po,” sabi ko.

Loving You Endlessly Where stories live. Discover now