Chapter 19

404 8 4
                                    

Chapter 19: Biggest enemy

After kumain ay ako ang nag-presintang maghugas ng plato. Ayaw pa niya pero wala na siyang nagawa. Nandoon siya sa sala habang naglalaro ng kung ano. Hindi ko alam ang tawag doon, e. Basta may hawak siyang controller.

Sinilip ko ang oras. 6PM na pala! Mukhang hindi na ako kakain ng dinner nito, ah? Busog na busog na ako dahil sa dami ng kinain ko kanina.

Naisip ko si Papa. 5PM ang uwian namin pero wala pa ako sa bahay! Panigurado nang nasabi iyon ng bodyguard ko kay Papa. Ang dami ko ng haharapin ngayong araw kapag uwi ako mamaya sa bahay. Paniguradong masisigawan na naman ako.

Matapos punasan ang kamay, pumunta ako sa sala kung nasaan si Kendrix. Abala siya at seryoso sa paglalaro. Nang mapansin ang presensya ko, napatingin siya sa akin.

“Hey, you done?” binaba niya ang hawak.

“Ah, opo. Mag-stay lang ako ng konting oras pa tapos uuwi na ako. Sure akong galit na naman si Papa sa akin.” Naupo ako sa sofa, malayo sa kaniya.

“Ihahatid kita sa inyo.” Lumipat siya sa tabi ko.

Tumango naman ako. Tumingin ako sa nilalaro niya. “Ano ‘yan?”  Turo ko sa screen ng TV.

“I am playing NBA game.” Binaling niya ang tingin sa TV. “I have my playstation in my room. Laro tayo, gusto mo?” Lingon niya.

“Hindi naman ako marunong no’n,” sabi ko.

“It’s just easy. I’ll teach you how.” Tumayo siya at nilahad ang kamay para tulungan akong tumayo.

Tinanggap ko naman kaso agad rin akong bumitiw, maging siya ay ganoon rin. “Aray, Kendrix, ah! Ang sakit ng kamay mo! May electric shock bigla, e!” React ko dahil ang sakit talaga.

“You hurt me, too!” Hawak niya ang palad kung saan ko siya hinawakan. “Do you have electricity in your hands?” Inangat niya ang palad ko at tiningnan. “Damn, ang sakit naman.”

“Wala, ah! Ikaw nga ‘tong mayroon, e. Ang sakit. Parang nagkaroon bigla ng spark, kuryente.” Hinilot ko ang kamay. Nawala naman ang sakit. Kanina lang talaga, nabigla ako dahil parang may dumaan sa kamay ko nang dumampi ang palad ko sa palad niya.

Tumingin siya sa akin. Parang pinoproseso pa ang mga sinabi ko. Tumingin siya sa mga kamay namin.

“You know, my grandmother told me about something before…” Napaisip siya. “It has a deep meaning if you hold someone’s hand and you feel something.”

“Ano naman?” Tumingin ako sa kamay ko.

“She said, spark…” Inalog niya ang balikat. “Ikaw lang ang nakagawa no’n sa akin, Reign.” Natawa siya. “Damn, I don't want to assume. Anyway, hayaan na natin. Baka wala lang ‘yon.”

Spark nga ba talaga ‘yon? Pero bakit naman? Uso pa ba ‘yon ngayon? Ano ang ibig sabihin no’n? Mas lalo tuloy akong napaisip kung ano ‘yon.

“Hey, Reign.” Hinawakan niya ang braso ko.

Napatingin ako. “Sige.” Sumunod ako sa kaniya sa loob ng kwarto.

Agad kong naaamoy ang perfume niya sa loob. Mukhang fan pa yata ng Jo Malone perfume itong si Kendrix. Ito ang madalas ko maamoy sa kaniya.

Tumingin ako sa buong kwarto niya. Malaki rin ito. At bilang fan ng mga hot wheels ay may collection rin siya na nakalagay sa glass box. May nakita rin akong display sa ibang pader. Nalipat ang tingin ko sa isang dingding.

Naamaze pa ako nang may makita na altar doon at may bible rin. Lumipat ang tingin ko sa isang picture. Lumapit ako at kinuha ‘yon. Picture ni Kendrix at Alondra noong baby sila! Ang cute naman nila. Binaba ko iyon para tumingin pa sa paligid.

Loving You Endlessly Where stories live. Discover now