UTANG

10.2K 100 3
                                    

"I love you"

Sabi ko sa Boyfriend ko na ngayon ay nasa kama at yakap ko. naka topless siya at may sigarilyo sa kamay. Amoy alak din. Pero kahit ganito siya mahal na mahal ko siya. Wala na kasi akong pamilya. Ulila na ako at wala akong ibang malapitan kong sakali kailangan ko ng tulong.

Hindi niya ako sinagot at patuloy lang siya sa paghithit ng sigarilyo niya.

okay na sa akin kahit ganito buhay namin.

Andito lang siya palagi sa loob ng apartment namin. Minsan lumalabas siya, pero di ko na tinatanong kasi nong last, nag-away lang kami.

Binalikwas niya ako para makatayo siya. Sinuot niya ng T-shirt at Leather Jacket.

"aalis ka?"

tumango lang siya at umalis na.

Nagising ako ng wala pa rin si Brandon.

Nagsaing na lang ako at nagluto para pagdating niya ay may makain siya.

Isa akong Front Desk Assistant sa isa sa pinakamalaking kompanya sa Pilipinas o kahit sa buong mundo.

ang ROGAN CORP.

Palagi akong maaga pumasok dahil ma-late ka lang ng kahit isang sigundo tanggal ka na. Ganyan ka strikto ang company nila.
at maging ang AMO namin.

Si Rogan McKlien. I think nasa 30's na siya.
or 28? mga ganyan.

He is young for a Billionaire.

yes

He is a Billionaire.

and He is Ruthless.

"Kiara! bilisan mo. Paparating na si Sir Rogan!"

tawag sa akin ng kasamahan ko.

Kami ang unang makakasalumuha pag apak palang sa Lobby kaya kailangan talaga na mas maaga kami.

Ilang minuto lang ay huminto na sa harap ng kompanya ang itim na sasakyan.

Bumaba ang isang lalaki na naka Black Suite at Super Gwapo. Agad siyang pinalibutan ng mga SecurityGuard niya.

ilang metro palang ay yumuko na kami.

"Magandang Araw po Mr. McKlien"

bati ng lahat at sabay-sabay.

Hindi siya tumingin sa kung sino at patuloy lang sa paglalakad. Sanay na sanay na siya sa atensyon na binibigay sa kanya.

mag- isa siyang sumakay sa elevator na para lang talaga sa kanya.

"Ang gwapo ni Sir nuh."

Sabi ni Grace, kasamahan ko."

ngumiti lng ako.

"bakit parang di ka sang-ayon?"

duda nito sa reaksyon ko.

"hindi, ano lang. ayoko sa ugali niya."

"sabagay..."

Natapos ang araw at pagod na pagod akong umuwi.

nilalakad ko lang ang apartment namin galing sa company.

2km lang naman ang layo.

Nakita ko pang dumaan ang sasakyan ni Sir. Rogan.

*sigh*

sana all mayaman.

Dumating ako sa Apartment na madilim ang loob. pagbukas ko ay nakatihaya si Brandon.

Alam kong humihithit din to ng droga. Sa hitsura niya ngayon. Ang lakas ng tama niya.

Natatakot akong gisingin siya. Baka magalit siya at ako ang pagbuntunan.

Dahan-Dahan akong nagligpit ng gamit.

Nakatulog din naman ako sa wakas.

Nagising ulit ako na wala na si Brandon.

Okay lang sa akin na ganito ang status namin. As long as hindi niya ako iiwan at babalik pa rin siya dito. Ni minsan din naman, Hindi niya ako ginalaw, o sinaktan man lang.

Until, may kumatok sa pinto.

"Kiara Morgan?"

tanong ng mga lalakingnaka black suite at may shade pa.

"o-oo."

Biglang pumasok sila at hinalughug ang buong apartment.

"teka! anong kailangan niyo?"

pero ang lalaking nasa tabi ko na parang si Dwane Johnson ang laki. natakot ako at di na nagsalita pa ulit.

"pakisabi kay Brandon Lee. Na pag di pa siya nakapagbayad ng 500,000 sa susunod na linggo. babalik kami dito. At next time. Hinding-hindi mo magugustuhan ang mangyayari."

Aalis na sana siya ng lumingun uli siya sa akin.

"At Ms.Morgan ikaw ang magbabayd pag di siya makabayad."

"Ano!? sandali!"

Pero nakaalis na sila.

Ano tong pinasok ni Brandon!? At 500k?? saan ako kukuha non??

mahigit isang taon at kalahati ding sahod ko yun ah.

Paano na to??

----------

Ang lahat po ng nasa loob ng kwentong ito ay pawang kathang isip at ediya ko lamang. Wala pong ano mang kinalaman ito sa totoong buhay.

Sana po'y magustuhan niyo ang kwento ko.

Humihingi din po ako ng payo sa inyo bilang mambabasa at manunulat.

Bago lang po ako sa pagsusulat sana po aymaapreciate ninyo ang kwento ko. salamat.

-Melody

(Thank you nga pala sa boboto at bomoto ng chapter nato!!!! LOVE YOU ALL!!))

Ruthlessly Captured by a BillionaireWhere stories live. Discover now