PEACE? OR NOT YET?

1.8K 27 6
                                    

Brandon

28hours ago before Kiarra wakes-up.

Dali-dali naming isinugod si Kiarra sa Hospital. Agad din naman siyang inasikaso, kasi kung hindi baka dumanak ang dugo dito sa hospital.

After i-check ng doctor ang kalagayan ni Kiarra ay agad ko siyang tinanong.

"Is she okay? "

"Yes. She's fine. Dala lang nang maraming iniisip. Depression and anxiety. Sa sobrang pagod kaya siya nahimatay. After ahe wakes-up pwede na siyang e-discharge may e-r-resita lang ako sa kanyang mga vitamins. I'll be going. "

Umupo agad ako sa tabi ni Kiarra ng umalis ang doctor. Thank God. She's fine. Siguro, hindi niya na nakaya ang mga nangyari sa buhay niya.

"I'm sorry Kiarra, nabulag ako sa selos. Sa Pride ko. Alam ko, may nararamdaman ka kay Rogan. And I hate it. Kasi lahat ng gusto ko, nakukuha niya. Since we we're kids. Si Rogan parati ang hinahangaan, ang pinipili, ang pinapaboran. But when you came, bigla akong nabuhayan ng loob. Nagkaroon ng pag-asa sa buhay. Kahit di mo pa ako kilala. Tinanggap mo ako. At di mo rin inuungkat ang pagkatao ko. Pero ngayon, mukhang ako pa ang naglagay sayo sa kapahamakan. I'm sorry Kiarra. "

Hindi ko alam na tumutulo na pala ang luha ko. Pumasok ang isa kong tauhan.

"Sir, Mr. McKlien is here."

Tumango ako sa kanya.

Maybe, this is the time that I should correct my self. Madami na akong nadawit na tao. Pati ang walang muwang na bata ay muntik ko pang ipapatay.

Hinalikan ko ang noo ni Kiara at lumabas ng kwarto.

---

Third Person pov

Nalaman ni Brandon na alam ni Rogan na nandito sila. Wala talagang nakakatakas sa kanya. Napangiti at napapailing si Brandon sa sarili habang iniisip ang kanilang buhay noong mga bata pa.

Palagi silamg nagtatalo ni Rogan. Pero palagi din naman silang nagtutulungan kapag may kumakalaban sa kanila. Nung uma, magkasosyo ang pamilya nila. Subalit sa isang pagkakamali ay nagkanya-kanya na sila at maraming nangyaring mga di pagkakaunawaan na humantong sa maraming Trahedya. Pati ang pagkakaibigan nila Rogan ay nasira din.

Nagulat si Rogan ng pumasok si Brandon sa kanyang room.

"What are you doing here? Tutuluyan mo na ba ako? "

Nakakapagtaka na wala siyang Bantay. Nasaan kaya ang mga kasamahan niya.?

Ang nasa isip ni Brandon kaya hindi siya nagpakampante.

Umayos ng upo si Rogan. Para maging handa na din sa kung sakali ay may binabalak si Brandon.

"I'm not here para makipag-away. I'm here to settle our problem. "

Natawa at di makapanieala si Rogan sa sinasabi ni Brandon. Malamang ay istratehiya niya ulit ito upan malinlang siya.

"Enough with your games Brandon. Maawa ka naman kay Kiara. You told me, wala siyang kinalaman sa away natin. But, pati anak ko dinamay mo. Yun ang di ko mapapatawad. "

Hindi alam ni Brandon kung paano niya nalamang nagbalak siyang patayin ang anak nila.

Brandon just smirk. And Continue his speech.

"Yes, nagbalak talaga akong patayin ang anak niyo. Dahil naiinis ako makita ang mukha niya na manang-mana sayo. "

Napakuyom ang kamao ni Rogan. At napansin ito ni Brandon kaya iniba niya nalamang ang sasabihin.

Ruthlessly Captured by a BillionaireWhere stories live. Discover now