BRANDON'S MARK

2.1K 30 5
                                    

VIOLENCE AND SEXUAL ABUSE WARNING‼️‼️‼️‼️‼️

Rated SPG‼️
R18‼️

Kiarra

Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako sa sahig. Nagising ako ng may kumatok sa pinto ko. Agad ako tumayo at hinintay na buksan ang pinto.

"Ma'am, pinapatawag po kayo ni Sir, Brandon sa baba. A-ayos lang po kayo? "

Napatingin ako sa salamin. Namaga pala sa kakaiyak ang mata ko.

"Ayos lang ako. Ang bata? "

Hindi ko maiwasan ang mag-alala sa anak ko.

"Nasa Kwarto niya po, natutulog. Binabantayan po siya ni Delia. "

"Ganun ba. Salamat. Maraming salamat sa inyo Clarisa. "

Napayakap ako sa kanya. Alam ko nabigla siya sa yakap ko. Niyakao niya ako pabalik.

"Ma'am, tungkulin po namin iyon. "

"May nais lang akong hihilingin. "

"A-ano po yun? "

"Wag mong sabihin sa Sir mo. O kahit kanino. Pati kay Delia. "

Dahil alam ko, mas close siya kay Brandon or feeling ko, nagre-report soya kay Brandon dahil kita ko sa mga mata niya ang di pagkagusto sa akin.

"P-po? "

"Bantayan mo Si Bruno. Kahit na anong mangyayi. Please. Clarisa. Ikaw lang ang pinagkakatiwalaan ko sa mansyon na to. "

"M-Ma'am? "

"Mangako ka. "

"Pero-"

"Mangako ka, Clarisa. Na kahit ano mang mangyari. Babantayan mo si Bruno. Aalagaan mo siya na parang anak. "

"Ma'am naman, tinuturing kong parang anak si Bruno. At sa base nyo para naman pong namamaalam kayo. "

"Clarisa. Ilamg taon ka na pala? "

"19. Po. Si Sir Brandon na sumagip sa akin simula nung namatay ang tatay ko nung halos isang taon na ang nakakaraan. "

"Ganun ba? Kung ganun... Hindi mo kayang suwayin kong ano mang ugos niya. "

Napatahimik si Clarisa. At matagal bago sumagot. Tila ba may iniisip na malalim.

"Malaki po ang utang na loob ko sa mga Lee. Ang tatay ko, ay isang driver nila ng halos 20 years. Namatay siya sa isang aksidente. Sila ang gumastos sa lahat ng gastusin. "

Tumigil siya saglit ng dumating si Delia.

"Ma'am Kiarra, kanina pa po kayo hinhintay ni Sir Brandon."

Oo nga pala! Muntik ko na makalimutan. Bigla tuloy akong kinabahan. Parang katulad ng kaba kong naramdaman sa tuwing pinapatawag ako ni Rogan. Ang kaibahan lang. May halong excitement akong nararamdaman. Kaba na may saya.

Pero ngayon. Pirong takot lamang ang nararamdaman ko.

Kung noon, kaya ko pang tiisin ang lahat ng pang-aabuso. Katulad ng pagtitiis ko sa mga ginagawa ni Rogan sa akin noon.

Pero ngayon na may anak na ako. Ayokong madamay ang anak ko.

"Malamig na ang pagkain. Bakit ngayon ka lang?"

"P-pasensya kana, n-nakatulog kasi ako . N-nahirapan si Clarisa na gisingin ako. "

"Hmm."

Hindi siya naniniwala sa sinasbi ko.

Ruthlessly Captured by a Billionaireحيث تعيش القصص. اكتشف الآن