HER NEW LIFE

2.4K 35 10
                                    

Kiarra

I'm so thankful that Brandon is always in my side.
He helps me in anything. Akala ko palalayasin niya ako nung nalaman niyang buntis ako, tapos kay Rogan pa. At nakokonsensya ako dahil kahit nagkahiwalay kami ng ilang buwan, wala kaming proper break-up. So feeling ko parin talaga may atraso ako sa kanya. Feeling ko nagtaksil ako. Kahit oalagi niya akong pinagsasabihan na wala akong kasalanan, walang kasalanan ang bata, at lahat ng nangyari sa akin ay kasalanan niya raw.

Hindi ko akalain na ganito pala ang tunay na pagkatao ni Brandon.

Natatakot kasi ako noon na manghimasok sa buhay niya.

Siya na lang kasi ang malapit na tao sa buhay ko. Nang dumating siya, bigla akong nakaramdam ng rason na mabuhay.

"Oh? Para kang baliw nakangiti dyan. Ganyan ba talaga ang mga buntis?"

Natatawang  sabi ni Brandon. Nandito kami ngayon sa park. Umaga pa at nagyaya siyang mag-exercise daw kami. Maglakad-lakad lang. Saka may aso siyang malaki. Si Bruno. Sobrang gentle niya kahit malaki siyang aso. Isang Newfoundland dog.

"Baliw, masaya lang ako. Kasi nandyan ka't sumusuporta sa akin."

Sabi ko habang hinahaplos ko si Bruno.

"Buti pa si Bruno, mahal mo. "

Madalas talaga magbiro si Brandon ng ganyan. At medyo nasanay na ako. Pero di ko din maiwasan na mag-isip kung totoo nga ba sinasabi niya.

[Baliw ka ba? Aabot ba siya sa point na kunin ka kay Rogan kung hindi ka niya mahal? ]

Bigla-bihla ka na lang talaga sumusulpot J!

[Wag mo nga akong bigyan ng palayaw! ]

Bakit? Bagay kaya sayo. Oh My J! (JOINER)

[tse! ]

Napikon?

Bumalik ako sa realidad. Tama si J. Pero ayoko namang mag-assume. Mahal ko si Brandon, noon. At siguro ngayon, mahal ko siya bilang kaibigan at nagpapasalamat ako sa kanya para doon. Para ko na ring utang na loob sa kanya ang buhay ko. At ang buhay ng magiging anak ko. Dahil di ko alam kung anong kahihinatnan namin sa poder ni Rogan.

Oo nga pala,

Almost 2 months na ng umalis ako sa poder ni Rogan. Binibilang ko talaga nuh? At ngayon, nasanay na ako sa bago kong buhay ngayon.

"Nag-iisip ka na naman ng malalim. Alam ko, di na tulad ng dati ang feelings mo sa akin. Kung kaya ko lang ibalik ang panahon. "

Hindi ko marinig yung huling sinabi ni Brandon.

"Pero kahit na ganun, lahat gagawin ko para sayo Kiarra. Kahit ano. Sabihin mo lang. Kahit ang pumatay pa ng tao. (Pointing to Rogan) "

"Salamat, Brandon. "

Nakokonsensya tuloy ako.

May dumaang bata na may butbit na fishball. Bigla akong nag-crave. Tinitigan ko yung bata hanggang sa mawala.

Gusto ko kumain ng fishball🥺

"M-magkano kaya yun nuh? "

Nahihiya kong tanong kay Brandon.

"Saan? "

"Y-yung f-fishball? "

"Gusto mo kumain ng streetfood?... Tara! Parang namiss ko din kumain yan. "

Tumayo kami at hinawakan niya ako sa kamay.

"Okay lang? "

Tanong niya, na tinutukoy ang kamay naming naka-holding hands. Kung dati to, kikiligin ako.

Ruthlessly Captured by a BillionaireWhere stories live. Discover now