ASSASINATION FAILED

2.1K 34 4
                                    

Third Person

Sobrang saya ni Brandon nang sabihin sa kanya ni Kiarra na papakasalan siya neto. Pero may pag-aalinlangan siya sa kanyang puso. Ayaw niyang pilitin si Kiarra. At kahit masakit man isipin, alam niyang si Rogan na ang mahal nito.

Napapa-isip si Brandon. Hindi naman siya ganuin kasama. Sa katunayan, ibinalik niya ang perang katumbas na nawala ni Rogan ng minsang nagkaroon ng usapan between sa kanyang Ama at kay Rogan.

"What brings you here?"

At ito nga ang bungad ni Rogan kay Brandon ng dumalaw ito, mismo sa kanyang Office.

"Nasa bahay ko si Kiarra."

Deretsahang sagot ni Brandon. Nasaktan si Rogan sa sinabi ni Brandon. Napakuyom siya ng kamao. Nakatalikod ang kanyang swevil Chair sa pwesto ni Brandon. Nakatanaw na naman kasi si Rogan sa labas ng building. Sa malawak na nag-liliwanag na malaking City.

So totoo nga ang larawang pinakita ni Bianca sa kanya. Sa panahon ngayon, mahirap na maniwala sa poctures dahil marami na ang magagaling mag edit.

"At balak niya akong pakasalan."

Patuloy ni Brandon.

"Bakit mo sinasabi sa akin yan?"

Pinipilit ni Rogan na hindi ipahalata ang sakit na kanyang naratamdaman. Naiinis siya sa kanyang sarili. Dahil nakakaramdam siya ng ganito.

"Dahil alam kong himdi naman niya ako mahal."

Sagot ni Brandon. Hindi naniwala si Rogan at napagdesisyonan niyang harapin si Brandon.

Nakangiti ng nakakaloko si Rogan kay Brandon. Soyang kabaliktaran ng totoo niyang nararamdaman.

"Wala akong pakealam."

Hindi kumibo si Brandon. Marunong bumasa ng tao si Brandon. Kahit hindi mo mapapansin base sa hitsura. Ang mga mata ay hindi nagsisinungaling. Kita ni Brandon ang tela malungkot at may galit na tingin na ipinupukol ni Rogan sa kanya.

"Wala akong pakealam sa babaeng yun. *Chuckle* napagsawaan ko na siya."

Napakuyom si Brandon sa sinabi ni Rogan.

Sa hindi inaasahan ay nasuntik ng mabilis ni Brandon si Rogan. Nalaglag mula sa kinauupuan si Rogan at dumugo ang labi nito. Pero kahit duguan ay tela mas lalo siyang nagiging maangas at gumagwapo.

Napigilan si Brandon ni Vincent ng ambahan niya ng pangalawang suntok sana si Rogan.

Senenyasan si Vincent ni Rogan na hayaan si Brandon.

"Buti na lang pinaalala mo., yan ang BAGAY na hinding-hindi kita mapapatawad."

"So? Anong gagawin mo? You want to kill me? *Chuckel* then KILL ME!! if you can."

"Alam mo? Buti na lang talaga, tinakas ko si Kiarra mula sayo. Dahil BALIW KA!"

Napahinto saglit si Rogan.

Wait? What? Tinakas niya si Kiarra?

Ang sa isip ni Rogan. Napakuyom ang kanyang kamao at tumayo pero nagpatuloy si Brandon sa pagsasalita.

"You don't deserved her. Pumunta pa naman ako dito at nagbakasakali. Pero useless lang oara malaman mo ang totoo."

Dali-daling lumabas si Brandon sa opisina ni Rogan dahil baka saan pa umabot ang pagtatalo nila ni Rogan.

Pinangako ni Brandin sa sarili na kailan man ay di na siya aapak sa lugar na yun. At di kailan man ipapakita si Kiarra at ang magiging anak nila nito. Aakuin niya ang responsibilidad ni Rogan. Dahil mahal niya si Kiarra at di siya duwag katulad ni Rogan. Hinding-hindi niya na uulitin ang pagkakamaling kanyang ginawa noon.


Ruthlessly Captured by a BillionaireWhere stories live. Discover now