HER DISAPPEARANCE

2.5K 47 2
                                    

Kiarra

Sabay kaming kumain ni Brandon. Nasa isang rooftop kami at napakalamig ng hangin. Napansin ko din na medyo maraming puno at malayo sa malapit na bayan ang kinatitirikan ng mansyon niya.

Para siyang isang Mansyon na nakatirik sa isang medyomagubat na lugar.Nasa tuktuk din ito at natatanaw ko mula dito sa kinalulugaran namin ang napakalawak na karagatan.

Hindi sinabi ni Brandon kung nasaan kami.

"Don't worry, hindi ka mahahanap ni Rogan dito."

Ang sabi niya lang. Kaya di na ako nagtanong ulit baka ano pang sabihin o isipin niya.

"Nagustuhan mo ba ang pagkain?"

Nakangiting tanong ni Brandon. Lumalabas ang magkabilang dimole niya na malalim sa tuwing ngumingiti siya. Isa ito sa rason kung bakit ko siya nagustuhan noon.

(NOON?)

Bigla akong napahinto sa naisip.  Oo nga. Bakit ko sinabing noon? Hindi ko na ba siya mahal ngayon?

"Kain ka pa, Kiarra. Next is i-t-tour kita sa Ranchohan namin. Gusto mo bang matutong mangabayo?"

Sa sinabi niya ay na-excite agad ako. Never ko pang na try mangabayo. Mayaman nga ba talaga si Brandon?

"May problema ba? Bakit bigla kang sumeryoso? "

Pagkasabi niya nun ay sinundan niya ito ng tawa ng kunti.

"Ganyan nga ba ang mga babae? Mabilis mag-iba ang mood?"

Napangiti ako sa sinabi niya. It's been a week since I got here in his place. Gumagaan ulit ang pakiramdam ko kay Brandon at naging comportable na.

"Salamat nga pala sa lahat ng gunawa mo para sa akin."

"Kiarra, hindi ko alam kung nararamdaman mo pero mahal kita since nung una tayong magkita. At nong iniwan kita para may asikasuhin. Hindi ka nawala sa isip ko. Bumalik ako sa Apartment natin.  Pero may nakapagsabi na umalis ka na raw. At nalaman ko sa isa sa mga tauhan ko na nasa Mcklien Residence ka nga. I promise to take you out there. I'm sorry kung natagalan ako."

"Okay lang atleast... Ngayon, malaya na ako sa mga kamay ni Rogan."

In a while, bigla ako nakaramdam ng hilo.  Napahawak ako sa noo. I saw Brandon is worried.

"Are you okay?"

Tanong niya. Tumango lang ako.

"Sir, here is the sea food you requested."

Sabi nung isang maid sabay lapag ng pagkain sa harap ko. Pagkalanghap ko agad bigla akong nasusuka. Tinakpan ko ang bubig ko upang pigilan, pero di ko talaga kaya. Naduduwal ako.

"Are you okay Kiarra?"

Tanong ni Brandon. Tumango ako. At mabilis nag-excuse. Mabilis akong bumaba at pumunta sa malapit na CR.

Nagsuka ako ng nagsuka. Pero puro laway at may kunting pagkadilaw na mapait ang nalasahan ko.

Anong nakain ko ngayong araw?

"Ms. Kiarra okay lang po kayo?"

Sumunod pala yung maid sa akin.
"Pinasundan po kayo sa akin ni Mr. Lee. If ayos lang kayo."

"O-okay lang ako. M-may nakain lang siguro ako na kinasama ng tiyan ko."

Nahihiya kong tanong

"Hmm.. May Pamilya na po ako. Ms. Kiarra. At may tatlo akong anak. Base sa hitsura mo at sa nangyari. Malamang po Buntis kayo."

Ruthlessly Captured by a BillionaireWhere stories live. Discover now