CLARISSA

2K 25 4
                                    

Clarissa

Si ma'am Kiarra. Tumingin siya sa akin na tila ba nanghihingi ng tulong. Pero wala akong magawa kundi tingnan siya ng may awa.

"Magsibalik na kayo sa trabaho niyo!! "

Sigaw ng aming mayor doma.
Pinuntahan ko agad si Bruno at kinarga.

I know, malaki ang utang na loob ko kay Sir Brandon. Pero, walang kasalanan si Bruno sa mga nangyayari.

"Hoy! Clarisa! Anong pinag-usapan niyo ni Ma'am Kanina ha!? "

Nakakainis talaga tong Delia na to. Porke matanda siya at bata ako, kung makaasta siya eh nanay ko siya. Tsk.

" Ginising ko lang si Ma'am Kiarra. Wala naman kaming pinag-usapan. "

"Sinungaling, isusumbong ko talaga kayo kay Sir Brandon"

Napakasipsip talaga ng babaeng to. Tch.

"Natutulog po yung bata. "

Sabi ko nalang.

"Isa pa yang bata na yan. Nako alam mo ba! Pag-alis mo, iyak yan ng iyak! Napagod nga ako sa pagpatulog niyan eh! "

Buti nga sayo.

Biglang bumukas ang pinto. Tumambad sa amin si Sir Brandon.

"Throw that kid. "

Nagulantang ako sa biglang sinabi ni Sir Brandon. Seryoso ba siya sa sinasabi niya?

"P-po? H-hindi ba't anak niyo siya? "

"Tomorrow Morning, Dapat wala na akong makitang bata o marinig na iyak ng bata. "

"P-pero Sir, --"

"Gusto niyong mawalan ng trabaho? If you can't kill a child then leave it to any orphanage or a house far from here. I will give you 1 Million, To do that. "

"YES SIR!! Ako na po bahala! "

Agaran na sagot ni Ate Delia.

Habang ako, shock na schock. Teka? Si Ma'am Kiarra? Alam niya kaya to?

"Si Ma'am Kiarra po? H-hindi po siya papayag sa g-"

*SLAP*

"At sino nag-utos sayong sasagot-sagutin ako? Mas kakampihan mo ba ang Ma'am Kiarra mo?hindi ba't ako ang nagpapaaral sayo at nag-aruga ng mamatay ang ama mo? "

Nagsimula akong lumuha.

"Sir, Ako na po bahala sa bata, basta sigurado na po ang 1M. Hehe. "

Napakasamang tao ng babaeng to! Ina din siya! Sana maramdaman niya din ang mararamdaman ni Ma'am Kiarra.

"A-ako na po, bahala. K-kung yun ang gusto niyo. "

Sa akin nagtiwala si Ma'am Kiarra, aalagaan ko ang batang ito na parang anak ko. Kahit wala akong experience sa pag-aalaga. Pagbubutihin ko na hindi maging katulad ni Ate Delia na napaka Selfish. Ina pa ba ang tawag sa kanya?

"Hoy! Clarissa! Aagawan mo pa ako sa 1 Million huh! "

"Sayo na ang pera, At kusa po akong aalis sa mansyon. Aalagaan ko po ang bata na to. "

"Ikaw ang bahala, pero ito ang tatandaan mo. Simula ngayon, wag mo akong kontakin, o ang Ma'am mo. At wala kang makukuhang financial support mula sa akin o kay Kiarra. "

Hindi ako umimik.

Kakayanin ko kaya?

"Naiintindihan ko po. "

"Ibibigay ko pa din ang 1 Million sayo. Nasa sayo na lang kung ibibigay mo kay Delia. "

Saka umalis si Sir Brandon.habang paalis si Sir ay nakatingin ako sa likuran niya. Feeling ko, pinalilibutan siya ng masamang awra. Hindi ko alam kung tao pa ba siya para bantaang patayin ang batang walang muwang na katulad ni Bruno.

Ruthlessly Captured by a BillionaireDonde viven las historias. Descúbrelo ahora