LUKSONG DUGO

2.1K 42 3
                                    

Third Person

Agad agad ay sumunod si Rogan papuntang US.

Samantala, ang akala ni Kiarra na magiging magandang buhay ay biglang naglaho at napalitan ng bangungot.

Biglang nagbago ang pakikitingo ni Brandon sa kanya.
Palagi itong galit at tila ba uligaga. Dahil palagi siyang binabantayan at palaging siyang tinatanong sa tuwing aalis siya sa paningin ni Brandon. Sa feeling ni Kiarra ay parang nauulit ang mga pangyayaring nandoon siya kay Rogan.

At ito pa ang nakakapagpabagabag sa kanya. Dahil kahit sa kanilang pag-alis sa pilipinas ay si Rogan pa din ang nasa isip niya. Hindi naman niya pinapahalata kay Brandon.

"Saan ka galing? "

Minsan tanong ni Brandon. 3 days pa lang sila sa US pero palagi ng ganito si Brandon. At tila may pagdududa pa sa bawat tuno ng kanyang pagtatanong.

"Sa labas lang. Nilakad namin si Bruno sa park. May malapit na park kasi--"

"Bakit di ka nagpaaalam? "

"Brandon, malapit lang yung -"

"Diba sabi ko? Magpaalam ka? "

"S-sorry, pero kasi-"

"Kiarra, if nagawa kitang kunin kay Rogan ng walang kahirap-hirap. Baka mawala ka din sa akin ng di ko man lang alam at biglaan. "

Naiintindihan ni Kiarra ang ibigsabihin ni Brandon.

"Kusa akong sumama sayo kasi una pa naman talaga, ay sayo ako? Atsaka, hindi ko gusto sa poder ni Rogan. "

"Paano kung hindi mo na din gusto sa poder ko? "

"Brandon, please. Hindi pa ba sapat? Na sumama ako sayo? Kahit dito? "

"May anak pa kayo."

Tila iretableng sabi ni Brandon na hindi naman nakikinig sa paliwanag ni Kiarra. At base sa pagkasabi niya ng anak ay tila ba nandidiri ito kay Bruno.

Biglang nairita si Kiarra.

"Ayaw mo ba sa anak ko?"

Paano ko yan magugustuhan kong hindi naman sa akin. Tapos kamukha pa ng tatay. Tsk.

Sa isip ni Brandon.

"Wala akong sinabing ganyan. "

Hindi naniwala si Kiarra sa sinabi ni Brandon. At umalis na lang sana sa harapan niya ng bigla siya nitong hinawakan sa braso ng mahigpit para pigilan.

"At saan ka na naman pupunta? "

"Brandon ano ba!!! Sa banyo lang ako! Gusto mo sumama? "

Biglang nairita si Brandon sa boses ni Kiarra at hinigpitan pa lalo ang pagkahawak sa braso nito.

"Aray! "

"Tinataasan mo na ako ng boses? "

"Bitawan mo nga ako! Nasasaktan ako! "

"Tinataasan mo ko ng boses! "

"Brandon!?"

"Hindi ba ito ang nagustuhan mo kay Rogan? "

"Huh? Ano bang pinagsasabi mo! Bitawan mo na ako!!! "

Binitawan ng marahas ni Brandon si Kiarra. Galit na naglakad paalis si Brandon.

"Saan ka pupunta? "

Sigaw ni Kiarra. Hindi siya inimikan ni Brandon at patuloy lamang sa paglalakad.

Tinatanong kung saan ako galing? O pupunta? Tapos pag siya tinatanong ni kahit clue man lang walang sinabi! Napaka-unfair niya!

Sa isip ni Kiarra. Padabog siyang pumasok sa kwarto niya. Nasa kabilang silid kasi ang baby niya kasama ang dalawang yaya nito.

Ruthlessly Captured by a BillionaireWhere stories live. Discover now