BRANDON'S OBSESSION

2.1K 33 10
                                    

Kiarra

*SLAAAAPPP!!! *
Isang malakas na sampal ang nattanggap ko kay Brandon. Sa sobrang lakas nito ay dumugo ang labi ko dahil nakagat ito ng ngipin ko.

"B-brandon? "

"Do you think? Hindi ko alam? "

"W-what are you saying?? "

Napahawak ako sa aking pisngi.

"Someone told me, Rogan is already here. Kaya ka ba lumalabas lagi kasi nakikipagkita ka sa kanya? "

"What?? Bakit mo naman naisip yun? "

"TELL ME? "

hinablot niya ang braso ko at hinawakan ito ng mahigpit. Parang magkakapasa ako sa hawak niya.

"Brandon! Ano ba! Please! Bitawan mo ko! Nasasaktan ako! "

"Simula ngayon, bawal ka na lumbas. Hindi ka lalabas kapag di ako kasama. Naiintindihan mo? "

"B-Brandon... H-hindi ka naman ganyan dati. "

Naiiyak kong sabi. Yung kabog ng dibdib ko hindi ko mapigilan. Para akong di makahinga. Parang naulit na ang ganitong pangyayari. Parang dumating na naman ako sa point. Na hindi ko pagmamay-ari ang buhay ko. Feeling ko, mawawalan ulit ako ng kalayaan.

Hindi siya umimik sa sinabi ko. Bagkos ay binitawan niya ng marahas ang aking braso. Napahawak ako sa braso ko sa sobrang sakit.

Hinawakan niya na naman ang magkabila kong pisngi gamit ang isa niyang palad. Pinisil niya ito ng mariin.

"You are mine, Kiarra. Binabawi ko lang ang dating akin. So Dapat akin ka lang. Naiintindihan mo? "

Nakikita ko sa mga mata niya ang galit, pagkamuhi, at pangamba.

Hindi ako nakapagsalit kaya diniin niya pa ang pagkapisil sa pisngi ko. Kaya napa-ungol ako sa sakit.

"NAINTINDIHAN MO!! "

Tumango lang ako habang nakapikit at tumutulo ang luha ko.

Binitawan niya ako at halos matumba ako sa pagkalas niya sa pisngi ko.

Bakit ba nangyayari sa akin to? Hindi ko mapigilan ang pagtulo ng luha ko.




Umalis si Brandon ng di nagsasabi. Nag-iwan siya ng sampong tauhan na nakapaligid sa bahay at ang dalawang yaya ni Bruno.

Kinabukasan, ay pinuntahan ako ng isa sa mga yaya.

"Ma'am, ilalakad po namin si Bruno. Sama po kayo? "

Sasagot pa sana ako ng biglang sumulpot si Brandon.

"Kayo na magpasyal sa bata. Ipapasama ko ang tatlo kong tauhan sa inyo. May pag-uusapan lang kami. "

"Yes, Sir. "

Yumuko ang yaya at agad nagpaalam sa akin. Kasalukuyan akong nasa kama at nagtutupi ng mga damit ni Bruno.

"Kapag di ako dumating, ano sasama ka sa kanila? Tapos dadalhin mo si Bruno? "

"Brandon... "

Lumapit siya sa kama at tinukod ang mga kamay sa makabilaang gilid ko. Nagmistulang nakakulong ako sa mga kamay niya. Sobrang lapit ng kanyang mukha.

Parang hindi ko kilala ang Brandon na nasa harapan ko.

Oo nga pala, Hindi ko naman talaga siya kilala. Kahit noon pa bago kami magkita ni Rogan. Ngayon, napagtanong ko sa sarili. Bakit ko siya nagustuhan?

Ruthlessly Captured by a BillionaireWhere stories live. Discover now