TRUTH AND LIES

1.9K 27 3
                                    

Kiarra

Narinig ko lahat nang pinag-uusapan nina Brandon at Rogan.

Dumating nga siya.
Bakit siya pumunta dito?

Nakita kong sinipa ng mga tauhan niya ang likod ng magkabilang binti ni Rogan dahilan upang lumuhod siya sa harap ni Brandon ng pwersado.

Hinawakan ng isang tauhan ang mga kamay Rogan at pinilipit ito sa kanyang likuran.

Ininda ni Rogan ang sakit na tila ba siya'y pinipilayan.

Hindi ko maintindihan ang sarili kung bakit ako nasasaktan sa nakikita ko. Para bang ayokong nasasaktan siya.

Hindi ako nag-iisip ng lumapit ako sa kanila at pinigilan si Brandon ng bigla niyang binunot ang kanyang barili at itinutok ito sa ulo ni Rogan.

"Brandon! "

Napalingin si Rogan subalit matiim na nakahawak si Brandon sa baril at nanginginig sa galit ang kanyang mga kamay.

Hinawakan ko ito upang pigilan siya.

"Brandon. Anong ginagawa mo! "

"Bakit? Ayaw mo bang masaksihan na mapatay ko ang pinakamamahal mo? "

Nahihiya ako sa sinabi niya. Alam kong hindi maniniwala si Rogan sa sinasabi niya. Pero nahihiya pa din akong aminin na totoo ang kanyang mga sinasabi.

"Umalis ka diyan, Kiarra. "

Hindi ako nakinig at hinawakan ko pa ng mahigpit ang mga kamay niya.

"Kiarra, wag mong ubusin ang pasensya ko. "

"Brandon. Please, ilang ulit ko na ba sasabihin sayo. Hindi ako aalis. Hindi kita iiwan. Hayaan mo na si Rogan. Please. "

"Sa tingin mo maniniwala ako sayo? "

Bigla niya sa akin itinutok ang baril na kanina'y nakatuon sa ulo ni Rogan.

Napaatras ako. Sa takot na kalibitin niya ang gatilyo.

"B-brandon... "

Namumula na ang kanyang mga mata. Na tila ba nag-ipon ang galit at kalungkutan sa kanyang puso. Hindi niya na alam ang gagawin.

"Don't hurt her!! "

Nagulat ako sa sinabi ni Rogan.
Tiningnan naman siya ni Brandon. At natawa bigla. Hanggang sa humahalakhak na siya.

Nababaliw na si Brandon.

"So. You care for her now. Huh? "

Umupo si Brandon sa harap ni Rogan at tinulak-tulak ng baril ang noo ni Rogan.

"You care for her now? After you take her away from me? Hurt her? F*ck her? And even have a child?"

Natatawa na naman siya.

"Ah! Wait. Right. Magkakilala na pala kayo bago pa ako dumating sa buhay ni Kiarra. "

Nangunot ang noo ko. At si Rogan ay biglang naging seryoso.

"Shut-up. Brandon. You know nothing. "

"Really? Huh!? Should I tell her now? "

"SHUT-UP!! "

Wait. May hindi ba ako nalalaman?
Bakit parang kabado si Rogan? At pinipilit niyang kumawala sa hawak ng dalawang malalakas at malalaking tauhan ni Brandon.

" Matanong nga kita Kiarra. Naalala mo ba ang oagkamatay ng mga magulang mo? "

"BRANDON!! I SWEAR!! I'M GONNA KILL YOU THIS TIME!! "

Ruthlessly Captured by a BillionaireWhere stories live. Discover now