FIGHT NOW SAVE LATER

1.8K 26 3
                                    

Third Person

Agad ipinapasok ni Brandon si Kiara sa isang katulong ng makarinig sila ng mga putok ng baril. Subalit habang papatakbo sila ni Kiara at ng katulong ay biglang nahilo si Kiarra at nahimatay dulot ng maraming nangyari sa kanyang buhay. Naghalo-halo ang mga emosyon at sakit na nararamdaman ng kanyang puso't - isipan.

Nang ito ay malita ni Brandon, dali-dali siyang tumakbo papunta kay Kiarra. Agad din siyang sinundan ng kanyang mga tauhan upang proteksyonan mula sa mga nanloob sa kanila.

Nang siya'y makalapit ay agad niyang kinarga ang ulo ni Kiarra at isinandal sa kanyang hita. Tinapik-tipak niya ng dahan-dahan ang pisngi nito.

"Kiarra!! Kiarra! Gising! "

Bumaling siya sa katulong.

"Anong nangyari? Bakit siya nahimatay? "

Kinakabahan ang katulong habang napapailing.

"H-hindi ko po alam Sir. "

"Bilis! Dalhin natin siya sa hospital! "

Kinarga ni Brandon si Kiarra at nagmadaling pumunta sa isang sasakyan.

"Pero sir. Delekado, may mga armadong kalaban ang nasa labas. "

Awat sa kanyanl ng isa sa kanyang mga tauhan.

"Wala akong pakealam!! Kailangan ko siyang dalhin sa hospital! Naiintindihan mo!!! "

"Protektahan niyo si Master!! Magsikilos kayo! Wag kayong duwag!! "

Pumasok sa likuran ng sasakyan si Brandon, karga si Kiarra.

May kasama silang mga tauhan na may mga dalang armas din na nakikipagpalitan ng bala sa mga kalaban.

Nakalabas sila ng bahay at hindi na sila sinundan ng mga nanloob sapagkat iba ang kanilang pakay.

"Hanapin niyo si Master Rogan! Bilis!! "

Si Vincent, nakita niya ang pangyayari. Nakita niyang karga-karga si Kiarra. Pero mas pinili niyang unahin na hanapin si Rogan.

"Oh my Gosh!! si Ma'am KIARRA! ano na naman kayang ginawa ni Sir Brandon sa kanya!"

At, oo nga pala, si Clarissa. Ilang ulit siyang humingi ng tawad kay Vincent para lang mapapayag na sumama sa misyong ito kahit napakadelikado. Samantala, ay naiwan si Bruno kay Daisy.

Si Daisy ay binabantayan si Bruno habang mahimbing na natutulog.

"*sigh.* napaka- complicated naman ng buhay nigo ng mama mo. "

Habang busy sa pagpisil-pisil sa malambot na kamay ng bata si Daisy ay nagulat siya ng may tumawag sa kanya.

"What!! Are you Crazy? .... No!... Alam mong mapapahamak ako sa pinapagawa mo!?... Nahihibang ka na ba?? ..... Baliw ka na nga.... Shit... Subukan mo lang..... F*cK!!! FINE!!!"

Ibinaba niya na ang tawag.

Napatingin siya sa batang kakagising lang.

" *baby giggles*"

Natutuwa ang baby kay Daisy kahit wala siyang ginagawa na kung ano.

"I'm sorry baby. I'm so sorry.... "

------

Balik sa Mansyon ni Brandon.

Agad na hinalughug ng mga kasamahan ni Rogan ang buong mansyon.

"Clarissa? "

Nagulat si Delia ng makita si Clarissa.

"Sinasabi ko na nga bang traydor ka. "

Ruthlessly Captured by a BillionaireHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin