Chapter 1: Job Hunting

1K 46 36
                                    

---------------

[a/n: Hello people of the earth (alangan namang Mars no? xD) another story na naman! ang kulit kasi nitong utak at kamay ko. So sana ma enjoy niyo 'to! Comment kayo ah? Ge bye! ]

---------------

"Anak.. Anak.. Gising na. Mag aalas siyete na, maliligo ka pa. Anak!" nakaramdam ang babae ng mahinang pagtapik sa braso at paulit ulit na pagbanggit ng pangalan niya. Bagama't labag sa loob, binukas ni Ana Marie ang isang mata at nasilayan agad ang mukha ng kaniyang ina.

"Ma? Anong oras na po ba?" inaantok pa nitong tanong.

"Aba alas siyete na anak!" bulalas ng kaniyang ina. Ilang minuto na ang nakalipas, nakahiga parin si Ana.

"Ma naman!! Ba't di niyo agad ko ginising?!" napabalikwas ng bangon si Ana Marie at dali daling pumasok sa CR nang mapagtantong malapit na siyang ma-late.

"Aba! Kanina ko pa kayang sinubukang gisingin ka! Ilang beses pa nga kitang tinatapik ayaw mo namang bumangon!" depensa nang nanay niya.

"Shi mwamwa namansh eh! Awlam niyo namangsh tulog-mantika ako, shana shinapak niyo ko ng malakas!" sigaw ng dalaga habang nagsisipilyo.

"Ewan ko sayo Ana Maria wala akong naintindihan maski isa sa mga sinabi mo! Bilisan mo na lang diyan at para makakain ka na. Ihahatid mo pa sa school sina Ericka at Zian!" pabalik na sigaw ng mama niya at tuluyang umalis sa kwarto ni Ana.

Matapos maligo, nagbihis na si Ana, isang simpleng black pencil skirt na hanggang tuhod, white long sleeves, black bag at black shoes na may 2 inches heel. Tipikal na outfit pang opisina, for a typical girl like her.

Matapos maglagay nang konting make up, lipstick at masiguradong okay na ang pagkakatali ng buhok niya, which is a messy bun lang na may nakalugay na ilang strands ay bumaba na sa kusina si Ana upang kumain (alangan namang manghilamos? xD) Naabutan niya doon ang dalawa niyang kapatid na patapos nang kumain. Umupo naman agad siya at dali-daling kumain.

7:45 na nang maka alis sila sa bahay nila, hinatid muna ni Ana sa school nila ang dalawang kapatid bago siya tumuloy sa lakad niya. May job interview kasi siyang pupuntahan ngayong araw. Alas otso ang oras nang interview niya, at 7:55 na . At ito pa, hindi lang isa, kundi dalawang job interview ang aatenan niya. O diba ang saya?

Agad siyang nag antay nang taxi na sa kabutihang palad ay may dumating naman kaagad. Sinabi niya sa driver ang address at agad naman nitong pinaandar ang taxi.

Pawis na pawis si Ana nang makababa sa taxi. Bukod sa kinakabahan siya sa interview, ay ang init pa ng taxing nasakyan niya! Nasira daw ang aircon nito. Kaya ito siya ngayon, maingat na pinupunasan ang mukha gamit ang panyo.

Tumingin siya sa phone niya at nakitang 8:15 na pala, kaya dali-dali siyang naglakad patungong entrance ng kompanya.

Pagpasok niya sa kompanyang pagtatrabahuan niya in the future (charot inassume talaga na matatanggap siya! Masakit umasa te!) namangha agad siya sa lawak at ganda ng opisinang ito. Nagulat na lamang si Ana at napahinto sa paglalakad nang may babaeng nakatayo sa harap niya. Nakasuot ito nang pink floral blouse, naka mini skirt at high heels.

"Ms. Rodriguez?" tanong nito sa kanya.

Sa sobrang kaba ay tumango nalang si Ana.

"Follow me.." sabi nito at naglakad paalis. Sinundan naman ito ni Ana.

Pumasok sila sa elevator at pinindot nung babae ang button na 15. Tahimik ang buong biyahe sa elevator, hanggang sa tumunog ang elevator, hudyat na nakarating na sila sa 15th floor. Naglakad ulit ang babae, at sumunod ulit si Ana. Hanggang sa makarating sila sa isang pintuan na kulay pula.

Ang Boss Kong BekiWhere stories live. Discover now