Chapter 13: Isang Linggong Pag-ibig--este Bakasyon

429 15 1
                                    

(a/n: this chapter is dedicated to all my loving readers out there! Mapa silent man o active, maraming maraming salamat po for giving this book a chance. 😊 Sa mga taong laging nag vo-vote, nag co-coment [meron ba? haha] at nag add nito sa mga reading list at library nila! Thank you po! At higit sa lahat, maraming salamat po sa 1k+ reads! 200+ votes! and 100+ comments! Thank you po!! Keep on reading at subaybayan ang mala roller coaster ride na storyng ito! More will be revealed, wala pa po tayo sa kalahati ng story, kaya subaybayan niyo lang.. At sana hindi kayo magsawa sa pagsuporta nang librong ito! Haha, thank you po ulit, dear readers! Sige na, mukhang humahaba ng 'tong speech ko, ito na..)

Nga pala, ang timeline po nito is ngayon, as in ngayon na monday. And since one week ang scene dito, baka mga next, or next next week pa ang susunod na update ko, okay? Sige bye, gora na 'ko! Babush!

[Third Person's POV]

Monday morning, pero sa halip na bumangon ng maaga si Ana ay hanggang ngayon ay nakatutok parin siya sa kisame ng kwarto niya. Pakurap kurap ang mata at halatang malalim ang iniisip.

"Gosh, ngayon na pala yung trip namin to Palawan. Kinakabahan ako na excited rin. Bakit kaya ako gustong ipasama ni Mr. Chua? Eh wala naman akong kinalaman sa usapang negosyo nila."

Akin ka nalang
Akin ka nalang
Iingatan ko ang puso mo

"Yes zel?" bungad ni Ana sa amo niyang nasa kabilang linya.

"Mabuti naman at gising ka na. Akala ko, tulog ka pa." sagot ng amo.

"Be ready at exactly 10 am okay? Ako na ang susundo diyan sa inyo. 11: 00 am ang flight natin, mag ready ka na okay? Sige bye." dagdag pa nito, at bago paman maka reak si Ana ay binabaan na siya ng telepono ng amo.

"Patay! 9 am na! Buti nalang kapag impake na 'ko kagabi. Nakakainis talaga yung baklang yun, 'di ako ininform na 11 pala ang flight namin!" reklamo pa ni Ana at dali daling bumangon at naligo, nagbihis at nag-ayos sa kaniyang sarili. 9:55 na nang matapos si Ana at dinala na ang maleta at backpack niya pababa.

"Oh anak, andiyan ka na pala, buti naman at bumaba ka na, kanina pa naghihintay ang amo mo dito." bungad ng nanay ni Ana sa kaniya. Napatingin naman ang dalaga sa living room nila, at dun nakita nga niya ang amo na naka white jeans at yellow shirt na naka open ang first three buttons. At kadaldalan ang dalawa niyang kapatid.

"Azel? Akala ko ba 10 ka pa pupunta dito?" takang tanong ni Ana ng malapitan na niya ito.

"Yeah, pero mas mabuti ng maaga akong pumunta ako dito. And besides, it's almost 10 na naman. Nakalimutan ko kasing sabihin sayo kagabi kung anong oras ang flight natin, kaya I decided na bumawi ako sa 'yo." sagot ng amo ni Ana. Medyo nailang naman si Ana at nag iwas ng tingin.

"K..Kain muna tayo. Medyo matagal pa naman ang biyage natin to Palawan." aya nalang ni Ana sa amo at dumiretso na sa kusina, upang di nito makita ang mukha niyang may pagka pula.

"Ericka, Zian kumain na ba kayo?" tanong niya sa dalawang kapatid. Magkalapit lang naman kasi ang kitchen nila at living room.


"Hindi pa nga ate eh, hinihintay ka namin ni kuya poging bumaba." sagot ni Zian, na ang pinakabata sa kanilang tatlo. Muntik namang matawa si Ana sa tawag ng kapatid niya sa amo.

"Kuya Pogi? San mo naman napulot yan Zian? Kay bata bata mo pa." sermon ni Ana.


"Eh ate, si kuya A po yung nagturo nun kay Zian." sagot naman ni Ericka.

"Talaga lang ha? At bakit kuya A naman ang tawag mo sa kaniya?" takang tanong ni Ana. Medyo nawe-werduhan na sa mga pangalang ginagawa nila para sa amo.


Ang Boss Kong BekiWhere stories live. Discover now