Chapter 9: Revelations

412 14 1
                                    

[Third Person POV]


Tatlong araw na simula nung break up nila Azazel at ng boyfriend niya. Tatlong araw na din siyang medyo wala sa sarili. Nakakapag trabaho pa naman siya ng maayos, pero minsan kasi nag e-space out siya. Nakatulala nalang kung saan at malungkot ang awra.



Nawala na yung masayahing Azel na nakikipagkulitan sa sekretarya niya. Wala na yung Azel na hinahatid yung sekretarya niya sa bahay nila dahil palagi siyang nag o-overtime. Wala na yung Azel na palaging nanglilibre sa sturbucks, sa Mcdo, at kahit sa canteen ay wala na rin.



Masyado niyang sinusubsob ang sarili sa trabaho. At pag pumapasok siya sa opisina halata ang pamumula ng mata niya at pati eyebags niya ay lumilitaw na rin. Hindi na nga siya nag ma-make up, though nag pu-pulbos parin naman siya. Pero halata talagang may problema ang CEO ng kompanya.



Yung ibang empleyado di mapigilang mang tsismis sa amo nila, at si Ana siyang nakakarinig ng lahat ay binabalewala niya lang ito. Though marami rami narin ang naglakas loob na tanungin siya ng mga kasamahan, pero tanging iling lang o ngiti ang sinusukli niya.



Ayaw niya kasing manghimasok sa personal na buhay ng amo. Wala din naman kasi siyang karapatan, sino ba naman kasi siya, isa lang naman siyang hamak na sekretarya. At kahit na sa loob loob ni Ana ay nasasaktan siya, wala naman siyang magagawa kundi ang alalayan nalang ang amo



At dahil sa pangyayaring ito. Naging ma distansiya na si Azazel sa kaniya, sa mga empleyado, lahat, pati nga sa mga kaibigan niya ay tatlong araw nang hindi niya sila kinakausap. Masakit man para kay Ana na tanggapin ang biglaang pagbabago sa ugali ng amo, walang nagawa si Ana kundi sundin nalang ang gusto nito.



She keeps their conversation as minimum as possible, and talagang professional ang turing niya dito. Balik formal sila, may sir at po na ulit. Para bang may harang na pumapalibot sa kanila. Feeling niya tuloy napag iiwanan na siya. Parang na ewan sa ere, ganun.



Nagulat nalang si Ana ng may kumatok sa pinto ng opisina niya. Na nakapagpabalik din sa kanya sa reyalidad. Minsan lanh kasi siya puntahan dito sa office niya mismo. Tumatawag lang naman sa telepono ang mga ka-trabao niya kapag may kailangan ang mga ito. Nagtataka man sa kung sino ang nasa labas, tumayo parin si Ana upang pagbuksan ito.



"Gurl!"



"Hello Ana! Oh diba tama nga ako na andito siya diba? Tsk, di kasi kayo naniniwala sa akin eh." bati ng baklang si Paula at Sherley. Kasama si Carla na nasa likod lang ng dalawa. Natauhan naman agad si Ana, though may kunting taka parin sa isip niya kung bakit andito ang tatlong bebi, este beki pala. At bakit dito sa opisina niya ito dumiretso na nasa kabilang pinto lang naman ang opisina ng amo niya.



"Uy hi, anong ginagawa niyo dito? Nasa opisina lang naman niya si Azel, kung siya ang hinahanap niyo." pag inform ni Ana sa tatlo.



"Ehh.. Yun na nga gurl, pero si ateng nag iinarte parin, ayaw sagutin ang phone niya. Malamang nag se-senti parin yun hanggang  ngayon."



"So we came here instead, to ask for your help." singit ni Carla. Napunta naman ang atensiyon ni Ana dito.



"Sakin?" turo ni Ana sa sarili niya. "Sakin talaga?" takang tanong ni Ana.




"Ay hindi te, sa pinto! sa pinto kami humihingi ng tulong."pabalang na sagot ni Paula at itinuon ang pansin niya sa pinto. "Uy pinto tulungan mo naman kami oh.. Eto kasi si--" pero di pa niya natatapos ang kaniyang sasabihin ng siniko siya ni Sherley. Sinenyasan niya ito na "Umayos ka! Kundi pepektusan kita diyan!"



Ang Boss Kong BekiUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum