Chapter 4: Day Off

492 37 7
                                    

[Third Person's POV]

It was a sunny sunday morning, day off ni Ana Marie sa trabaho. At imbes na matulog hanggang tanghali ay kabaligtaran ang ginawa ni Ana. Maaga palang ay gumising na si Ana, naligo at nag bihis.



"Oh anak, ang aga mo namang gumising? Akala ko mamayang hapon ka pa aalis." bungad ng nanay niya, pagdating ni Ana sa kusina.


"Ma, alam mo namang di ko matiis yung mga bubwit na yun.." pabirong sagot ni Ana at tumawa nang mahina.



"Di ka ba napapagod sa ginagawa mo anak?" concerned na tanong ng ginang.



"Kada buwan lang naman ako dumadalaw dun ma, di naman tuwing linggo." depensa niya. Napabuntong hininga nalang ang kaniyang ina. Alam naman ni Ana na nag aalala lang ito sa kaniya, kaya lang di naman niya pwedeng talikuran ang gawaing napamahal na sa kaniya.



"O siya sige, mukhang di na naman talaga kita mapipigilan, pero mag ingat ka ah? Ingatan mo yang sarili mo, baka magkasakit ka niyan sa ginagawa mo eh." bilin ng nanay niya.



"Opo ma, di ko naman po pinababayaan ang sarili ko." sagot ng dalaga habang kumakain ng agahan.


"Nasan nga pala sina Ericka at Zian ma?" tanong niya sa ina na naghuhugas ng ginamit na frying pan.


"Ayun tulog pa, hinayaan ko muna, tutal maaga pa naman. Gigisingin ko nalang yung mga bubwit maya maya." sagot naman ng ginang at nagpatuloy sa ginagawa. Ana just nodded her head but said nothing.


"Ma alis na ako!" paalam ni Ana sa ina, sumagot naman ang huli ng "Mag iingat ka!"


******


"Nana!!"



"Andito na si Nana!!"



"Uy si Nana oh!"



"Nana!! Bumalik ka!!"



"Siyempre naman. Sabi ko sa inyo eh!" masiglang sagot ni Ana na kasing sigla sa mga bata. At inilagay sa mesa ang dalawang malalaking supot and got down on one knee to level with and to greet the kids.



"Nana, may dala ka pala sa amin?" hopeful na tanong ng isang bata na super taba na aakalain mong anak ito ni Jugs.



"Siyempre naman! Kayo pa? Lakas niyoa kaya sakin!" pabirong sagot ni Ana.



Nagpalakpakan naman ang mga bata sa tuwa at sabay sabay na sumigaw ng "Yeheyyyy!!!"



Natutuwa naman si Ana habang pinagmamasdan ang mga batang natutuwa din at halatang na e-excite para sa kanilang mga regalo. Kaya di na siya nagaksaya ng panahon pa at kinuha na ang isa sa mga malalaking supot na ipinatong niya sa mesa kanina at binuksan ito.



"Nikki." tawag ni Ana, at may lumapit naman s kaniyang bata na morena, kulot ang buhok at medyo maliit.



"Para sa 'yo Nikki.." sabi ni Ana at inilahad sa bata ang kaniyang regalo na nakabalot pa ng wrapper.



"Salamat po Nana." masiglang pasasalamat ng bata at inakap si Ana, at nang humiwalay ito ay pa talon talon pa siyang bumalik sa mga batang nagkukumpulan pa.



"Joshua." tawag niya uli at may lumapit naman sa kaniya na maputi at medyo payat na bata.



"Salamat Nana!" usal nito at lumulundag pa talaga sa tuwa



"Ginny.."



"Salamat po.." aniya ng babaeng kasing puti ng niyebe. Ngumiti ito kay Ana ng sobrang lawak at tamis at bumalik ulit sa likod.



Ang Boss Kong BekiWhere stories live. Discover now