Chapter 14: Isang Linggong Pag-ibig---este Bakasyon (Part 2)

428 13 1
                                    

[Third Person's POV]


Dumating ang martes ng umaga at alas sinco pa lang ng umaga ay abala na ang mag amo sa paghahanda para sa umagang kanilang haharapin. Habang abala si Ana sa pagluluto ng simpleng egg omelet, carne norte-na nakita niya sa mga cabinet kanina, at fried rice.




Pakanta kanta pang kumekendeng ang dalaga habang niluluto ang carne norte, at sakto namang lumabas si Azazel mula sa banyo, tinatakpan ng tuwalya ang ibabang parte ng katawan nito and towels are draped on his shoulders. Nakangiting lumapit ang lalaki sa dalaga at sininghot singhot ang niluluto nito mula sa likod nito.




"Lucas Azazel, basa pa yang katawan mo ah! Don't you dare na basain ako. Lumayas ka nga at magbihis ka muna, at pagbalik mo ay kakain na tayo. Ano pang hinihintay mo? Bilis na!" wika ni Ana habang tinataboy ang binata, pero tinawanan lamang siya nito habang umiilag sa mga sapak mula sa dalaga.





At kung isa kang estranghero at titingnan ang eksena ng dalawang mag amo ay aakalain mong mag asawa ang dalawang ito.




"Ano okay na ba 'to?" tanong ni Azel ng makabalik na ito mula sa kwarto at umikot ikot pa upang ipakita sa dalaga ang suot niya na white shorts na mga 2 inches ang baba mula sa tuhod, white shirt na naka tuck in at blue polo shirt na naka unbutton ang first 3 buttons mula sa baba.

"Okay na yan. Halika na, kain na tayo." sagot ng dalaga at aya nito sa binata.

"Hmm.. You know, I could get used to this." biglang sabi ni Azel na naka ani ng sapak mula sa sekretarya.

"What? I'm just saying.." depensa ng lalaki, pero inirapan lamang siya ng sekretarya. But deep inside, Ana's heart is currently beating wildly, wishing just the same.


"Since ako yung nagluto, might as well ikaw na lang ang mahugas ano? Saka maliligo pa ako, sige babush!" bago paman makareklamo ang binata ay nakapasok na si Ana sa kwarto nila at ni-lock na ito. Bago ka kasi makakarating sa kusina ay may hallway. So parang nahihiwalay ang kusina sa kwarto.

"Tsk. Fine. Mamaya ka lang bruha ka." napatawa nalang si Azel sa iniisip niyang maaaring gawin sa sekretarya.

"AHHHHHHH!!!!!!"

"Hoy! Ano ba! Tumahimik ka nga! Maka sigaw ka naman parang nakakita ka ng multo!" saway ni Azel sa sekretarya.

"Eh pano hindi ako sisigaw kung maabutan kita dito? At pano ka nakapasok ha? At sa pagkakaalala ko, ini-lock ko yun." dire-diretsong wika ni Ana habang tinatakpan ang sarili ng isa pang tuwalya.


"Aba natural, kwarto ko rin kaya to! And nasa akin ang master key ng kwartong ito, so makakapasok pa rin ako kahit na e-lock mo paman ito." Azel replied coolly.

"At makatakip ka naman sa katawan mo parang hahalayin kita. Excuse me lang te, di kita type!" maarte at pabaklang dagdag ni Azel.

Ouch naman. Alam ko naman yun eh. Kailangan talaga harap harapan? Hahay naman buhay...

"Aba ang kapal naman ng mukha ng baklang ito!" sagot ni Ana sa amo.

"Aghhh... Ewan ko talaga sayo. Anyway, ba't ka ba andito? Umalis ka na nga, at magbibihis pa ako." pagpapatuloy ni Ana habang naghahanap ng damit na maisusuot.

"Aalis na talaga ako at di ko keri makakita ng merlat na naghuhubad. Buti sana kung abs yung makikita ko, eh dalawang bundok lang naman! Sige babush!" nakalabas na ng kwarto si Azel bago paman siya tamaan ng lumilipad na unan na binato ni Ana.

Humahalakhak pang naglalakad si Azel ng makalabas siya sa kwarto nila ng sekretarya. May luha na ngang tumutulo mula sa mga mata nito sa kakatawa. Tears of joy, ika nga. Napahinto lang ang pagtawa niya-na inabot ng mga ilang minuto-ng makasalubong niya ang driver na nagsundo sa kanila kahapon.

Ang Boss Kong BekiHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin