Chapter 17: Christmas Party

482 14 10
                                    

[a/n: guys sino dito yung "jj" lang ang nakalagay sa chapter 17? Sorry po, kindly refresh nlang cguro, o kaya ay remove this story from your library tapos add mo nalang ulit. Sorry po ulit, di ko na kasi ni-review pagkatapos kong mag update. Comment nlang po kayo if "jj" parin ang laman ng Chapter 17.]

[Third Person's POV]

December 20. Everyone is busy, and everybody is in a hurry. Dalawang araw nalang kasi ay Christmas Party na ng Mendez Enterprising Company. Kaya naman abala ang lahat sa decorations, sa first floor kasi gaganapin ang nasabing event. Mayroon kasi silang parang mini gym sa loob. Isang malaking empty space, at dito kadalasan ginaganap ang mga pagtitipon ng kompanya. And this event is no different.

Hinati ang lahat ng empleyado sa tatlo, at bawat grupo iba iba ang ginagawa. May nakatoka sa pag seset up ng mini stage, pag aayos ng sound system, at mga nag dedecorate sa buong paligid. Ana was the head of the decoration team, and one of the main organizer of the party, appointed by none other than the CEO himself. Kaya naman abalang abala rin si Ana gaya ng iba.

May naglalakad dala ang iba't ibang boxes, may ibang tumatakbo, yung iba nasa stage nag seset up sa stage at sound system, may nag ma-mic testing pa nga. Ganoong sitwasyon ang naabutan ni Azazel ng bumaba siya mula sa opisina niya.

"Galing ah, napaka hyper naman ata ng mga tao dito ngayon?" he thought as he watched his employees do their jobs. Yung mga nakapansin sa kaniya binati siya, habang yung iba naman tutok parin sa mga ginagawa nila. Just like the person he was looking for.

"Uy Zel, andito ka pala, good morning. Pasensya ka na ha, busy kasi masyado dito kaya hindi na muna ako umakyat sa taas ngayon. And besides natapos ko na naman yung mga paperworks ko for the week." bati ni Ana sa amo.

"Good morning din Ana." bati din ni Azel sa sekretarya.

"And it's okay, I understand. Pero bakit super busy niyo naman ata ngayon? What's the rush? May bukas pa naman." he added and looked at Ana, waiting for her answer.

"Balak kasi namin tapusin ang mga preparations today. Para bukas, rehearsals nalang ang gagawin para sa mga inihanda nilang performance." sagot ni Ana habang nakatingin sa mga katrabahong super abala.

"Ahh, ganun ba? Sige I'll leave you to your work then, baka nakakaabala na 'ko. Akyat nalang muna ako. See you later kulot!" paalam ni Azel sa sekretarya habang kumakaway papuntang elevator, and winked at Ana before the doors closed. Na frozen naman sandali si Ana, but finally resumed her work nang makabawi na siya.

True to her word, natapos nga nila ang decorations and preparations for the party. But on the expense of going home after 1 o'clock in the morning. Buti nalang at hinatid siya ng mga katrabaho. At dahil gabi na-or should we say, umaga na-naka iwas muna pansamantala si Ana sa pagtatanong at reprimand ng ina.

December 21. Alas siyete y media na ng umaga nagising si Ana, ikaw ba naman ang umuwi ng lampas ala una ng umaga, tingnan nalang natin kung makakagising ka ng maaga. Naabutan ni Ana ang kaniyang ina sa kusina, naghahanda ng almusal, habang ang kaniyang mga kapatid ay hindi niya mahagilap.

"Tulog pa ba sila Ericka at Zian ma?" tanong niya sa ina, pero wala itong imik. At maya maya lang ay nagsalita na ito.

"Ikaw babae ka ha! Anong oras ka na umuwi kagabi?! Pinag alala mo ko ng husto!" galit na tanong ng ginang, na may halo ring pag-aalala.

"Sorry na ma, late na kasi kaming natapos sa decorations and preparations para sa christmas party namin eh, at ako pa naman din ang head sa decoration team, nakakahiya naman kung umuwi ako ng maaga diba?" sagot ng dalaga.

"Hayy naku, may magagawa pa ba ako? Pero anak naman, wag na sanang maulit ito ha? Kinakabahan ako diyan sa ginagawa mo eh. O kaya mag text ka man lang para di ako masyadong nag-aalala sayo." paalala ng kaniyang ina.

Yayımlanan bölümlerin sonuna geldiniz.

⏰ Son güncelleme: Nov 16, 2017 ⏰

Yeni bölümlerden haberdar olmak için bu hikayeyi Kütüphanenize ekleyin!

Ang Boss Kong BekiHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin