Chapter 10: Airport

367 16 3
                                    

Dedicated to AnoniMissViceral dahil isa siya sa mga firsr voter ko! Thank you so much po!!

---------------

[Third Person's POV]

9:00 am na, at nasa bahay parin si Ana Marie hanggang sa oras na ito. Kaya naman doble ang kilos niya at patalon pa siyang bumaba sa hagdan.


"Anak! Kain ka na!" aya ng ina niya.



Dumiretso naman si Ana sa hapag kainan at mabilis na pinagpapasok sa kaniyang bibig ang pagkain sabay imom ng kape at lumagok muna bago dali daling sinuot ang black flat shoes.



"Ma! Alis na po ako!" paalam niya sa ina at patakbong lumabas ng bahay. Buti nalang at may tricycle na dumaan at nakasakay agad siya. Ang sumunod naman niyang problema ay wala ng jeep! Dahil medyo tanghali na at nakaalis na ang huling jeep na pumapasada. Kaya wala siyang choice kundi ang mag bus.



"Tsk! Madadagdagan na naman ang gastos ko nito!" sa isip ni Ana habang nagbibilang ng kaniyang barya habang nakasakay sa bus.



"Mukhang tatlong araw ako nitong maglalakad papunta sa terminal ng jeep! Ugh! Bakit ba kasi ako uminom kagabi! Bwiset! Ano naman kaya ang pinagsasasabi ko kagabi? Shocks nakakahiya kay Azel." sa isip parin ni Ana.



At kung mas mamalasin ka pa nga naman, naalala ni Ana na hindi pala hihinto ang bus na sinasakyan niya sa mismong tapat ng kompanya na pinagtatrabahuan niya dahil walang bus stop malapit dito!



"Ughhh.. Can't this day get any better?!" reklamo ni Ana habang naglalakad pabalik, patungo sa kompanya na pinagtatrabahuan niya.




Pag apak niya mismo sa kompanya ay 9:50 am na.



"Patay ako sa baklang yun nito! Shemay! Pano na to? Baka sisantihen niya ako? Hindi naman siguro.." she muttered under her breath. Pinagpapawisan na rin ang mga palad niya, halatang nininerbyos talaga siya.



Pagkarating ni Ana sa office niya, linapag niya agad ang kaniyang bag sa mesa at sumilip sa peep hole sa joint door nila Azel. Pero nakaharang ang maroon na kurtina nito, kaya walang nagawa si Ana kundi ang kumatok nalang. At matapos ang ilang minuto na pakikipag debate niya sa kaniyang sarili, kumatok siya. Una mahina pa, pero unti unti namang lumakas ang mga katok niya.



At matapos ang isang nakakabinging katahimikan, nagulat nalang si Ana na biglang bumukas ang pinto sa harap niya. Napa angat naman ang tingin niya sa gulat, habang si Azel ay naka poker face lang. Mas natakot naman si Ana sa kung anong gagawin ng amo. Hindi niya kasi mabasa ang reaksiyon nito.



Nanatiling tahimik si Azel at pinabayaang bukas ang pinto at bumalik sa pwesto niya. Sumunod naman si Ana, still not making a sound.




"Buti naman at naisipan mo pang pumasok bruha ka?" sarkastikong tanong ni Azel sa sekretarya habang nakayuko parin sa mesa niya.



Nagulat naman si Ana sa inasal ng amo..




"H..ha??" yan lang ang tanging lumabas sa bibig ni Ana sa kaba, takot, at pagkalito.




Pero imbes na pagalitan siya, nginitian lamang siya ng amo, or more like he smirk at her. Natulala nalang si Ana sa ginawa ng amo at hindi niya namalayan na naluluha na pala siya. Not out of fear, but because of joy. Akala niya kasi galit sa kaniya ang amo.



At sa sobrang pag-iisip niya, hindi niya napansin na nasa harapan niya na pala ang amo. Naka yellow polo shirt ito at white pants, naka gel din ang buhok nito.



Ang Boss Kong BekiDonde viven las historias. Descúbrelo ahora