Chapter 2: First Day

627 41 21
                                    

[Third Person POV]

Maganda sana ang gising ni Ana dahil first day niya ngayon sa trabaho, kung di lang dahil sa ma la-late na siya dahil nagloko na naman ang alarm clock niya. Kaya nakabusangot siya habang nagmamadaling kumain. At dahil sa martes ngayon siksikan din sa jeep. At matapos ang ilang siksikan at kalahating pwet nalang nila ang nakaupo, finally umandar din ito.

Red. Yan na ata ang pinakahate na kulay ni Ana ngayong araw. Naabutan kasi sila ng red light, at nang tumingin sa relo si Ana, nakita niyang 7:55 na pala. At dahil isang block nalang naman at bababa na siya, bumaba nalang siya sa jeep habang di pa ito umaandar. Buti nalang nagbayad na agad siya kanina.

"Kaya ayaw ko nang naka heels ako eh!" inis na bulong ni Ana sa sarili. "Ambagal ko tuloy tumakbo nang dahil sa mga 'to!" dagdag pa niya.

Pawis at hingal siyang tumakbo papasok sa elevator. At nang makapasok na siya ay napa buntong hininga na lamang siya. She took deep breaths. "Inhale. Exhale. Inhale. Exhale." she chanted inside her head.

Nang bumukas na ang elevator dali dali siyang lumabas at tumakbo papuntang office ng amo niya. At nang makarating siya sa may pinto huminto muna siya, and composed herself. She fixed her yellow mini skirt and her black long sleeve shirt bago kumatok sa pinto.

"Pasok." aniya ng nasa loob. She took a deep breath bago niya pihitin ang door knob at pumasok sa office.

Naabutan niyang may pinipirmahang papeles ang bakla at di man lang siya pinansin. At matapos ang ilang minuto natapos rin ang ginagawa ni Azazel.

"You're three minutes late.." komento ng boss ni Ana habang tinatapik ang kanyang relo.

"Pasensya na sir, sira ata yung alarm clock ko kaya di tumunog. Pasesnsya na po talaga sir, di na po mauulit." sinserong sabi ni Ana.

"Hindi ba na process ng utak mo ang mga sinabi ko sayo kahapon bruha ka?" pabirong tanong nito.

"P-po?" kabadong tanong niya.

"Yan na naman. Sabi ko kahapon, drop the po, and definitely drop the sir. Drop all the courtesies. Ang sabi ko Azazel nalang, pero unang sentence mo palang andun lahat eh! Anong gusto magpaulit ulit tayo hanggang sa magets mo? Kaloka 'to!" mahabang litanya ng amo niya.

"Okay po sir--I mean sir Azazel. Ah Azazel pala.. Pasensya na ulit.." kabadong sagot niya.

'Ano ba Ana? Ba't ka ba kinakabahan? Bakla yan! Dapat nga maging komportable ka pa!' bulong ng isip niya. Yun na nga eh. Bakla siya. She shook her head, forcing all those thoughts to go away. Gusto niyang mag focus sa trabaho niyang 'to.

"Come. Follow me, ipapakita ko sayo office mo." utos nito sa kanya.

Walang imik na sinundan ni Ana ang kaniyang amo. Na naka yellow shorts lang at mint green na polo na halatang branded. Okay sila na talaga ang mayaman.

Hinawi ni Azazel ang kulay maroon na kurtina at napansin ni Ana na pinto pala ang tinatakpan nito. Azazel unlocked the door and entered. Gentleman naman nito masyado. She thought sarcastically and mentally snorted.

"That will be your desk." turo nito sa brown na table at may PC na naka patong dito.

"May couch dito na mapagpapahingahan mo kung sakaling wala ka nang gagawin at nagpapalipas ka nalang ng oras." sabi nito at tinuro ang kulay maroon na couch na may coffee table din sa tabi.

"As you can see naman, konektado lang itong office mo sa office ko. Kaya pag may kailangan ka pumasok ka lang dun. Sandali lang, kukunin ko lang yung mga ta-trabahuin mo." sabi niya at pumasok sa office niya. Bumalik naman agad ito na may dalang stack of papaers, di naman masyadong narami.

"Ito na yun. Naumpisahan na yan ng dating sekretarya ko, epa-finalize mo nalang yan. Oh sige maiwan na kita." paalam nito at umalis na.

"And don't forget to knock." sabi niya na ikinagulat ng husto ni Ana.

Nilagay muna ni Ana ang bag niya sa couch at naglakad papuntang desk niya. Di naman na ito bago sa kaniya, since medyo expert na siya sa gawaing ito. Mga expenses kasi ito, mga kakailanganing pera para sa bagong branch ng mall na ioopen nila. Dumadaan pa kasi ito sa kaniya bago papipirmahan sa mismong boss nila. Kailangan ma review muna ito ng sekretarya kung di ba over costing ang mga accounting department.

At yung ibang folders naman naglalaman ng mga schedule ng amo niya. Which is dapat alam rin niya. Well good for her planned out na ang schedule nito for the week, salamat sa amo niyang tuesday na niya pinalayas ang dating sekretarya which by the time already finalizes his schedule for the week. Meeting up with different kinds of suppliers, investors at iba pa. Hayy.. Napabuntong hininga nalang si Ana at nagsimula nang magtrabaho.

"Oh can you please get me a cup of coffee? Lagyan mo nang cream ah?" biglang sulpot ng amo niya na ikinagulat ulit ni Ana.

"Aba gusto ata akong patayin sa kaba nitong baklang 'to ah?" bulong niya sa sarili.

Di pa nga nakakatayo si Ana ay sumulpot agad ito.

"Samahan mo na rin ng donut, mocha." utos nito.

"So ako kailangan kong kumatok tapos pag siya okay lang?! Ang galing!" naiinis na bulong niya sa sarili niya. Pero sa pag iisip na boss niya iyon, ay kumalma naman si Ana. No choice naman siya kung iisipin. Secretary lang siya, habang boss niya yung baklang yun. Napabuntong hininga ulit siya at lumabas na sa opisina para magpunta sa pantry.

When she entered the elevator she immediately pressed the button number 1.

'Hahay.. Mahaba habang biyahe to..' sa isip niya. Kasi naman nasa 30th floor sila tapos nasa first floor ang pantry! Oh diba ang layo? "Tss.. Yung baklang yun talaga!" naiinis na bulong niya.

She immediately got out the elevator as soon as it opened at dumiretso sa pantry. Nag timpla siya ng kape at nilagyan ng cream. Nag order din siya ng mocha flavored na donut as ordered ng boss niyang bakla.

At habang naghihintay sa donut, may nakasabay siyang naghihintay rin. Napatingin siya sa lalaki at ganun din ang huli. Ngumiti naman ito sa kanya, kaya nginitian din niya ito.

"Hi! Ikaw yung bagong secretary ni Azazel diba?" masiglang bati at tanong nito. At dahil sa nahihiya pa si Ana, tumango na lamang siya.

"Mark Julius Fernandez nga pala. Nice to meet you.." sabi nito at inilahad ang kamay.

'Mark? Hahaha.. Destiny nga naman talaga oh. Kapangalan pa talaga niya?' medyo bitter na sabi ni Ana sa sarili.

"Ana. Ana Marie Rodriguez." nag aalangan siyang tanggapin ang kamay na nakalahad, pero out of kindness inabot niya ito and shook his hands.

"1 mocha donut for Ms. Rodriguez.." binawi niya ang kamay at kinuha ang order.

"Ito na pala order ko. Sige mauna na ko Julius. Nice meeting you." paalam niya at tinungo ang elevator.

"Ang tagal mo naman?!" bungad ng amo niya pagpasok sa office nito.

"Grabe ka Zel, first floor kaya yung pinuntahan ko, tapos nasa top floor pa tayo. Alangan namang isang minuto lang nakabalik agad ako." sagot niya habang hinihingal pa.

"Tingnan mo sumasagot sagot pa to! Bumalik ka na nga sa office mo. Etchusera to.." aniya ng amo nito.

Sinunod naman ni Ana ang utos. At sa buong araw na yun naging productive naman siya. Kahit minu-minuto siyang inuutasan ng ano ano ng amo niyang bakla ay natapos naman niya ang pinagagawa nito sa expenses.

At nakauwi naman siya ng matiwasay, ligtas at iisa pa ang katawan. Sa dami ba naman ng inutos ng amo niya kanina parang maid ang inaplyan niya hindi sekretarya.

At sa sobrang pagod, di na siya nakapaghapunan. Diretso sa kwarto at tulog agad nang maramdaman niya ang malambot na kama.

















-------------------------

[a/n: Medyo mahaba haba po yun ah? I hope it was worth the wait! And I hope you enjoyed reading it.. Don't worry, the real fun begins in the next chapter! So see you there!]

Ang Boss Kong BekiWhere stories live. Discover now