Chapter 16: Christmas Spirit :)

390 10 1
                                    

[a/n: OMO, guys I'm so sorry, di ko namalayan na nagloloko ulit ang wattpad!!! Huhuhu, sorry po talaga sa inyo, naapektuhan pa kayo sa katangahan ko!! sorry po talaga ulit. Ito na po yung totoong chapter. Sa mga nakabasa na ng unedited version nito, basahin niyo nalang po ulit ito, mas maayos po kasi ito, haha.. Again, sorry po ulit, and sorry for the inconvenience. Minsan na nga lang mag update, palpak pa, tsk, sorry po ulit mga readers ah? Sige basa na kayo, hehe..]

-----------

[Third Person's POV]

Lunes na naman, it's been two days since they went back to Manila. The rest of their vacation in Palawan was eventful. Andaming pinuntahan nila. Inexplore nila ang underwater cave, at iba pang mga caves sa Palawan. Nag snorkling din sila--which is a fright for Ana since first time niya. Nag diving din sina Azel at Mark Gerald. And ever since that Wednesday night, parang lahat nalang ng ginagawa ng dalawang lalaki ay parang may kompetisyon. Parati nalang silang nagpapagalingan, nagpaparamihan, o di kaya'y nagpaaunahan. Pero hindi nalang ito pinansin ni Ana. Reasoning they were just having friendly competition.


They went on to foodtrips on friday afternoon and the day after, feeling nga ni Ana ay parang nananaba na siya kakakain, at parang sasabog na ang tiyan niya sa sobrang kabusugan. Sunday ng tanghali sila nagtungo ng airport and isang oras lang ay nakabalik na ulit sila sa Manila. Hinatid muna ni Azel si Ana sa kanila bago siya umuwi. And they spend the rest of the day sleeping, lalo ni Azel, na sobrang pagod sa ilang araw na bakasyon nila.


Ilang oras lang ang tulog ni Ana ng araw na iyon, bumangon siya mga alas sinco ng hapon at nag simba kasama ang kaniyang pamilya. Nang makabalik sila sa kanilang bahay ay ibinigay na ni Ana sa mga kapatid ang nabiling pasalubong.


Binigyan niya tig iisa ang dalawang kapatid ng bagong t-shirt. May tatak itong nakalagay na It's more fun in Palawan. At para hindi malito ang dalawa ay magkaiba ang kulay na ibinigay niya sa mga ito.


Bag naman ang napiling binili ni Ana para sa ina. At wallet naman na may keychains ang ibibigay niya sa mga kaibigan kapag nagkita sila.


At ngayon nga ay lunes na naman, balik trabaho na sila. Medyo inaantok pa nga si Ana dahil kaunti lang ang tulog niya kahapon. Nagkwento pa kasi siya sa mga kapatid at sa kaniyang ina sa mga ginawa nila sa Palawan. Pati ang mga kaibigan niya hindi siya pinalampas. Kaya ang ending, lampas alas diyes na siya nakatulog.


Binati siya ng guard sa entrance ng building nang makapasok siya. Tinanguan naman niya ito at binati rin.


Nag antay siya sa elevator, at habang nag aantay siya, she glanced at her watch. 07:45 it reads. Napaaga kasi ng gising si Ana, para ngang hindi siya nakatulog, at hanggang ngayon ay inaantok parin siya. And right on cue, she covered her mouth with her left hand and let out a yawn. Hindi niya tuloy napansin na sakto namang bumukas ang elevator.


"Hoy bruha baka matulog ka lang sa opisina mo mamaya ah?"


Dali niya namang binaba ang kamay niya and was frozen for awhile, parang bata na saaktong nahuling nangungupit sa wallet ng nanay niya. Nang ma process naman ng utak ni Ana ang sinabi ng amo, ay inirapan lang niya ito at pumasok na sa elevator.


"Good morning din." sarkastikong saad ni Azel. Hindi nalang ito pinansin ni Ana.


"Morning."


"Himala ata at hindi ka madaldal ngayon kulot?"


"Shut up Azel, wala ako sa mood sa mga jokes mo." sagot ni Ana na nakakunot ang noo. At nang makarating na sila sa floor nila ay agad na lumabas si Ana at naunang naglakad.


Ang Boss Kong BekiWhere stories live. Discover now