Chapter 8: Concern

384 17 6
                                    

[Third Person's POV]



"Oh Ana ba't nakatulala ka diyan?" takang tanong ni Fe at nakuha naman ng huli ang atensiyon ni Ana.



"Ha? W..wala naman. Ba't andito ka?" pagiiba ni Ana ng topic.



"Tiningnan lang kita, antagal mo na kasi dito sa labas. Akala namin na umalis ka na." sagot ng kabigan, tumango tango lang naman si Ana.



"Fe! Ana! Andito lang pala kayo." pasigaw namang sabi ni Seith.



"Bakit? Oh ay bakit dala mo na yang bag mo? Don't tell me uuwi ka na? Eh 8:30 palang!" tanong ni Fe kay Seith.



"Pasensya na kayo, may aasikasuhin pa kasi ako tomorrow morning kaya kailangan ko nang umuwi." sagot naman nito.



"Uuwi ka na?"tanong ni Ana na pinilit ang sariling di magpaapekto sa balitang narinig niya kani kanina lamang.



"Oo best eh. Next time nalang ulit." paalam nito at bineso beso at niyakap ang dalawa.



"Alis na rin ako Fe, Ana, may pasok pa ako bukas." paalam din ni Lissa na biglang sumulpot sa tabi nila at nakipag beso beso rin sa dalawa at niyakap rin sila.



"Bye!" paalam ulit nito at umalis na.



"Ikaw Ana? Hindi ka pa ba uuwi?" tanong naman ni Fe kay Ana.



"Hindi pa." sagot naman ng huli.



"Oh sige, mauna na pala ako sayo. Bye Ana, see you ulit soon." paalam ng kaibigan at umalis na rin.



Tiningnan lang ni Ana na umalis ang mga kaibigan. Dahil sa totoo lang, wala pa talaga siyang planong umuwi, titingnan muna niya saglit ang amo at aalis na rin. Buti nalang at sinundan niya ng tingin si Sherley kanina kaya alam niya kung sang room ito pumasok.



**Tokkk**Tokkk**Tokkk**



Ilang segundo pa bago nabuksan ang pinto, at nang binuksan na ito ni Carla, narinig agad ni Ana ang mahihinang paghikbi ng amo. Nakaramdam tuloy siya ng awa.



"Ana! Ikaw pala!" bulalas ni Carla na nakapukaw ng atensiyon niya.



"Halika pasok ka.." alok ni Carla, na tinanggap naman ng dalaga.



"Kanina pa kayo dito?" tanong ni Ana habang pinagmamasdan ang amo na halos di na nga mahawakan ang baso niya nang maayos  dahil sa kalasingan.



"Medyo, pero yang amo mo kaninang kanina pa talaga yan. Mga lagpas 5 pa ata." nagulat naman si Ana. Dahil di lang pala matagal ito nangyari simula nang umalis siya sa opisina kanina. Tiningnan niya ang relo, 8:50 na pala.



"Buti nalaman niyong andito siya?" usisa ni Ana at umupo sa tabi ng amo at hinawi ang bangs nito na nakatakip sa mata at kalahating parte ng mukha nito.



"Tinext kami ni Rolando. Gagong yun, may lakas loob pa talagang e text kami kung nasan si mars matapos niyang iwan ito ditong luhaan at nagpapakalasing." galit na sabi ni Carla.


"Pero mabuti nalang din at ginawa niya yun, baka ano pang gawin ng baklang 'to pag walang nakatingin." komento nalang ni Ana habang minamasdan parin ang binata sa harap niya.



"Sabagay, pero agh! My God!! Galit parin ako sa kaniya!! Pinagpalit ba naman si mars sa isang merlat?! Dios mio eh walang wala nga yun sa beauty ni mars, mukhang hipon!" galit rin na komento ni Sherley.



"Nga pala girl, anong ginagawa mo dito?" tanong naman ni Paula. Napasinghap naman ang dalaga.



"H..ha?? W..wala naman. Nag hang out kasi kami ng mga friends ko kanina, at nagkita kami ni Sherley sa counter. At yun nalaman ko kung anong nangyari." sagot ni Ana at nag iwas ng tingin. Kaya naman 'di niya napansin ang makahulugang tiningan ng mga bakla.



"Hmmm.. Uhmmm... Ano ba!" ungol ng binata at nilayo ang kamay ni Ana sa noo niya.



"Lasing nga siya.." sa isip ni Ana.



"Ilang bote na ba ang nainom niya?" baling niya sa mga bakla.



Tinuro naman nila ang maraming bote ng iba't ibang klase ng alak na nakakalat sa sahig. May iba pa ngang hindi pa nabubuksan. Napailing nalang si Ana sa nakita.



"Ang mabuti pa iuwi niyo na muna siya." suhestiyon ng dalaga at tumayo na at sinabit sa balikat nito ang dalang shoulder bag.



"Uuwi ka na teh?" tanong ni Sherley na tinanguan naman ng dalaga..



"May pasok pa kasi ako bukas. At sigurado akong wala sa sarili yang papasok bukas, kaya kailangan kong pumasok ng mas maaga para handa na lahat ng kakailanganin niya. May meeting pa naman siya with the the board of directors tomorrow, may powerpoint presentation pa yun. Kaya papsensya na ah? Marami pa kasi akong gaawin. Don't worry, babantayan ko naman siya sa office. Kayo na lang muna ag bahala sa kaniya ngayon. Bawi nalang ako bukas. Sige bye." mahabang pahayag ni Ana bago umalis. Di na nga niya binigyan ng pagkakataon na.sumagot ang mga nakatulalang mga  kaibigan.



"Grabe namang concern yun.." komento ni Paula.



"Siyempre boss niya si Mars, kaya ganun nalang ang concern niya. Come on girls, let's not give any meaning sa concern nung tao." seryosong saad ni Carla.



"Remember, maraming namamatay sa maling akala." bawi nito at ngumiti ng kunti.



Sinunod naman ng mga bakla ang payo ni Ana na iuwi na sa bahay niya ang kaibigan. Nagtulakan pa nga sila kung sino ang magbabayad. Nasa private room pa naman si Azel at ang mamahal ng mga drinks na inorder niya. Akalain mong umabot sa 30,600 ang babayaran nila. And in the end, si Carla nalang yung nagbayad. Siya lang rin naman ang naiwan, yung dalawa ayun tinulungan si Azel maglakad papuntang parking lot para makatakas.



Naka sunod naman agad si Carla at nang makarating sila sa parking lot ay nahirapan pa silang ipasok si Azel sa kotse niya, pagewang gewang kasi ito, at gusto pang bumalik sa bar.



At nang maipasok na nila ito sa kotse niya, nilagyan nila ito ng seatbelt at si Sherley ang nag drive. Nasa front seat si Carla, samantalang si Azel ay nasa likod sa tabi ni Paula.



Buong biyahe putak lang ng putak si Azazel. Pag yung mga memories nila ni Rolando ang binabanggit niya ay nagliliwanag ang mukha niya, at iiyak naman pagkatapos maalalang wala na pala sila. Yun palagi ang ginagawa niya, paulit ulit nalang. Pero hinayaan lang ito ng mga kaibigan niya, wala naman kasi silang magagawa.



[To be continued. . . . . .]

Ang Boss Kong BekiDonde viven las historias. Descúbrelo ahora