Chapter 15: Isang Linggong Pag-ibig---este Bakasyon (Part 3)

430 11 4
                                    

(a/n: ito na mga sibs, last na talaga to, haha.. Sige enjoy reading. At pasensya na sa super late na update, haha..)

[Third Person's POV]

Miyerkules ng umaga at napatanghali ng gising si Ana. Pagtingin nito sa cellphone na nasa bedside table ay alas nuwebe na pala na ikinagulat naman ng dalaga. Pero ang mas ikinagulat nito ay wala na ang amo sa tabi. At napansin niyang may note sa may unan nito.

Uy bruha ipinatawag na ako ni sir Chua, hindi na kita ginising ang himbing kasi ng tulog mo te. Di bale babalik naman agad ako, but if I still can't make it until lunch time, kumain ka nalang. Sige kita nalang tayo mamaya.

Love,

Azazel :*

P.S. Kung aalis ka, make sure to lock the door properly, and text me where you're headed, sige yun lang.

"Tsk, what's with the kiss?" sa isip ni Ana, but deep inside medyo kinilig naman siya.

"Better look around. Sayang naman ang beauty ng Palawan kung di ko ito mae-enjoy." sabi nito sa sarili at pumasok na ng banyo upang maligo.

Matapos maligo ni Ana ay nagbihis kaagad siya. Simple lang naman ang suot niya, a white jeans na mga 1 inches below the knee, a yellow floral sleeveless blouse na pa round ang neckline, with light brown sandals. Matapos kunin ang pouch niya-na naglalaman ng wallet at cellphone-at ang DSL camera ay lumabas na siya ng hotel room nila at matapos masigurado na lock ang kanilang suite ay lumakad na ito. She decided to eat by the shore. May nakita kasi siyang mga restaurants malapit dito kahapon.


"Maglilibot lang ako, diyan lang sa tabi-tabi. Di pa ko sure kung saan talaga ako pupunta. See you later nalang.."  text ni Ana sa amo at lumakad na.


Pinili niya ring maglakad nalang, walking distance lang naman kasi ito and she decided to drop by sa mga shops na madadaanan niya or kahit na anumang magagandang lugar to take a picture. She wouldn't just let this vacation passed by without making any memories.

Maraming nadaanan si Ana along the way. Dalawang parks nga ang nakuhanan niya ng picture using her DSL camera, and she used her phone for selfies. Nakunan din niya ng letrato ang dagat, and she honestly had fun. At nang sumapit ang alas dose y media ay nagpunta na siya sa isang restaurant malapit dito to eat her lunch.


"Welcome to Seaside Restaurant Ma'am, would you like a table for one or two?" magalang na bati ng isang lalaking waiter.

"Nakita mo naman siguro no, na ako lang mag isang pumasok? Tsk, tsk, tsk, sayang ka kuya gwapo ka pa naman sana, tanga lang." pero siyempre sa isip lamang iyon ni Ana Marie. Hindi kasi ganuon ka kapal ang mukha niya para sagutin ng pabalang ang isang gwapong nilalang kaya nginitian na lamang niya ang binata.


"A table for one please." sagot nalang nito sa lalaki.

"Right this way Ma'am." nakangiti namang sagot nito.


The guy lead her into a table na pang isahan lang talaga, as in isang upuan lang. Sa may bintana ito kaya kitang kita ni Ana ang dagat. Matapos niyang maka upo ay binigyan na siya ng waiter ng menu. Despite the extravagant place, ay mumurahin lang ang mga pagkain dito.


"Isang ginataang alimasag at chicken curry please. Isang rice at samahan mo narin ng coke." order ni Ana.

"Desert Ma'am ayaw niyo?" tanong ng lalaki.

"Ano bang specialty niyo dito?" pabalik na tanong ni Ana.


"Mango Float Ma'am. Ito po yung binabalik balikan ng mga costumers namin dito." nakangiting sagot ng waiter.


Ang Boss Kong BekiWhere stories live. Discover now