Chapter 1: Nalilito Lapid

1.5K 41 14
                                    

CHAPTER 1

Nalilito Lapid

Ang boring. Paulit ulit ang nangyayari. Magsisipilyo na naman ako, maghahanda na naman ako't hihingi ng baon para pumasok sa eskwelahan. Nakakatamad, tuturuan na naman ako ng mga bagay na hindi ko naman gusto. Makikita ko na naman yung matagal ko ng gustong babae na makipag-landian sa boyfriend nyang mukhang switch ng ilaw. Hindi na ako natutuwa, hindi na nakakatawa. Peste, tinatamad na ako. Kung pwede lang biglang maglaho lahat. Hay nako.

Araw araw ko yang iniisip. Araw araw ko rin naiisip na hindi rin naman tama na magisip ng ganito. Dahil may mga taong pumapatay para mabuhay, may mga taong binabawian ng buhay kahit di pa nila gusto. May mga taong gustong gawin ang mga ginagawa mo ngayon. May mga tao na mas mahirap pa ang dinadanas sayo. Hindi naman sa ayoko ng mabuhay pero hindi lang ako natutuwa sa mga nangyayari ngayon. Di ko gusto ang ginagawa ko at di ko rin gusto ang mga ginagawa ng nakapalibot sa akin.  Bakit ganto, bakit kelangan ko magalit sa mundo? Tinatamad lang talaga ata ako. Wala lang sigurong insperasyon. Di ko alam kung susuko na ako o itutuloy pa. May pangarap ako. Pero wala lang talaga akong motivation upang tuparin yon. Nakakatamad lang talaga.

Sa totoo lang, parang tinatmad din ako sa pangarap ko. Parang may kulang talaga. Tangina, ano kaya yun? nakakainis. Nakakabugnot, ang kati pa ng ulo ko. Rejoice kasi yung shampoo ko kanina, e head and shoulders ung tipo ng buhok ko o tama bang sabihin ko na tipo ng ulo ko? ewan ko. Wala rin namang mangyayari pag sinagot ko yan, makati parin ulo ko. Ganto daw ang buhay.

Walang kwenta, anak ng puta. Minsan gusto ko nalang magsulat ng libro tungkol sa ganto. Tungkol sa milyong milyong pilipino, hindi lang pilipino, bilyong tao na hindi gusto ang ginagawa nila. Nag-ta-trabaho lang sila upang magkapera. Ginagawa lang nila yun upang magkapera. Nawawalan na ata sila ng direskyon sa buhay. Pero masisisi mo ba sila? E hindi ka nga naman talaga makakakin pag wala kang pera e. Ang masama pa, tulad lang nila ako. Puro reklamo. wala namang magawa para sa sarili. Sige, siguro dahil ako ang bida sa storyang to. Yun nalang ang goal ko. Ang hanapin ang hindi mahanap na bituwin. Lolo mo korni.

Pero bahala na. 4th year highschool na ako at kakadating ko lang sa school. May nakita akong isang freshman na binubulas ng mga kapwa nya freshman. Malay ko ba kung bakit di sya lumalaban? Duwag, takot, tinatamad, paastig. Madaming posibleng rason. Bukas ko nalang sya ililigtas, pag naulit yun. Malay ko ba kung bakit ko ba ipapabukas ang pagligtas sa kanya? malay mo di naman talaga sya binubulas at naglalaro lang sila, malay mo masochist sya pala at gusto nyang binubulas, malay mo duwag lang ako. Hay ewan.

Wala akong assignment. Nalimutan ko.  Kasalukuyan akong sinasabon ng guro kong di ko pa rin tanda ang pangalan hanggang ngayon. Time-lapse. Siguro kung TV to, maririnig mo yung mga parang boses alien pag pi-nas forward mo yung film. Pero eto na, uwian na ako. Nakita ko na naman yung batang binubully at nakita ko na naman ang isang anghel na pinapapak ng demonyo. Selos, galit ang nararamdaman ko. Pucha, paano ko ba sisimulan yung storya ko? Itutulog ko nalang muna. Tutulog muna ako. 

Kwento ng TaoWhere stories live. Discover now