Chapter 12: Zombies & Vampires

343 6 0
                                    

Chapter 12: Zombies & Vampires

“Shet” sabi ko sa sarili ko. Napasakay ako ng bus papuntang Cubao pero sa totoo lang, wala akong alam kung san bang parte ng Cubao ako pupunta. Hindi ko ‘to pinagplanuhan. Kinakabahan ako kasi palapit na yung kundoktor sa kinauupan ko. Sa dulo ako ng bus palagi nakaupo kapag ako lang mag-isa. Hindi ko alam isasagot ko kaya ginaya ko ‘yung katabi ko. “Megamall” sabi n’ya. “Megamall” sabi ko. Tinikitan ako ng kundoktor ng 117 php. Nag-bayad ako at tumunganga sa bintana.

Inisip ko agad si Sampaguita at Kamiseta. Nilalabas ko yung dila ko sa pagitan ng labi ko, nandun parin yung init ng labi ni Sam. Syempre, hindi ko rin makalimutan yung init ng katawan ni Kamiseta. Ewan ko, siguro ganto talaga pag unang beses. Di ko alam kung ano ba talaga dapat kong maramdaman, nalilito ako. Nalilito ako, nalilito lapid. Inisip ko rin si Million na papunta na sa Amerika. Nakakatawa e, pupunta na ng ibang bansa, nakakatawa at nakakahiya yon. Nakakapagtaka talaga, hindi ko alam kung sa pagkamatay ba ni Tita to o sa dahil sa graduation o dahil nawala yung mga kaibigan ko sa paningin ko o dahil sa realidad, pero parang sakto lang ‘to sa buhay. Di ko mai-paliwanag ng ayos e, pero dahil 18 na ako at mag-isa na ako sa buhay ngayon, pwede na ba ako tawaging “adult?”. Sa totoo lang, ayoko pa pero parang panahon na, hindi ko sigurado at malamang mali lang ako ng iniisip ngayon.

Nung nasa Calamba na kami ay may mga sumakay na ibang tao na hindi pasahero, yung mga Missionaryo. Nag-babasa sila ng biblya at kung ano anong papuri sa dyos ang binabanggit. Sa totoo lang, wala akong interes. Tapos nagbigay sila ng sobra sa bawat pasahero sa bus at nahingi ng konting donasyon para sa hindi ko alam na rason. Kumuha ako ng limapiso sa bulsa ko at inilagay ko sa loob. Madami ang hindi pumansin at ako naman, hindi ko alam, tingin ko lang dapat ako mag-bigay. Nginitian ako nung babae at sinabing “Pagpalain ka ng panginoon, iho.”, nginitian ko nalang din s’ya pabalik. Bumaba ang mga missionaryo at dumating naman ang dalawang mag-pinsan daw na nakasuot ng maruming baro at salawal, isang babae at isang lalake pero mukhang tibo yung babae. Sinabi nila na namatay daw ang tita nila at wala daw silang gastusin para sa pagpapalibing nito. Ayun, naka-sad face sila. Sa totoo lang, hindi ako naniniwala kasi malakas kutob ko na ipang d-droga lang nila to e. Pero ginawa ko parin ang gusto nila, nag-hulog ulit ako ng limapiso sa sobre. “Salamat po Kuya, pagpalain po kayo” sabi ng tibo. Hindi ko alam ‘kung anong meron sa utak ko at basta basta ako nag-papauto sa mga ‘to pero kung makakapagpasaya ako ng tao sa simpleng bagay na iyon, bakit hindi diba. Ewan ko ba.

Matagal tagal rin ang byahe bago ako makababa ng gamol. Nag-traffic pa ng sobra. Tingin nyo ba malulutas pa ang kaso natin sa traffic? Tingin ko hindi na. Walang may gusto sa traffic, pwera nalang kung naghahanap ka talaga ng excuse para malate ka at tuluyang tamaring pumasok. Iniisip ko parin kung ano ang gagawin ko dito sa lungsod ng polusyon. Hindi ko alam ang gusto kong course dahil wala namang course sa pag-lalaro ng Street Fighter. Di ko ‘rin alam kung makakahanap ako ng trabaho dito. Ewan ko ba. Pero kailangan ko gumawa ng bagay na productive, at least.

Pagkababa ko sa Megamall ay pumunta agad ako sa arcade center. Tatlo. Timezone, Word of Fun at Tom’s World. Nasa World of Fun ang Street Fighter IV. Grabe naman, pati ba naman Megamall Street Fighter IV parin? Diba bigating mall to? Pero sa totoo lang, medyo natagalan ako hanapin ‘tong arcade centers. Ang laki ng megamall. Nung nandun na ako sa tapat ng arcade machine ng SFIV ay may nakita akong naglalaro, isang binatilyong Ryu-user. Tinatamad ako sa mirror match ng Ryu pero naglaro parin ako. Pareho kaming Ryu at nag-simula ang laban. Mapasensya muna akong dumistansya at nag-po-poke ng low medium kick at hadouken. Nasasanga naman n’ya ito. Tapos nung nainip na s’ya ay sinugod n’ya na ako at inaabot ako ng kara-throw n’ya. Sa totoo lang, hindi ko kaya gawin ang kara-throw pero nakakadistansya parin ako ng ayos. Tapos ayun, tumagal ang laban at nakapasok rin ako ng ultra. Nakuha ko ang round 1, nakuha n’ya ang round 2 at sa mainit na laban, nakuha ko naman ang round 3 at round 4. Nag-challenge ulit s’ya at ganon ulit ang nangyari pero nakuha n’ya ang round 1. Andaming laro, minsan natatalo ako. Tapos nung umalis na s’ya ay ngumiti s’ya sakin. “Good game pre, alis nako e. Next time ulet.” Tapos ayun, nalungkot ako maglaro magisa at natalo tuloy ako sa cpu. Buti naman walang nanunuod kasi nakafocus lahat sila sa Tekken. Buti nalang.

Kwento ng TaoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon