Chapter 13: Hindi Naintindihan

258 8 0
                                    

Chapter 13: Hindi Naintindihan

Pagka-gising ko, naisip ko agad na kailangan ko nag pala bumili ng cellphone upang mai-text o matawagan ko na si Heav. Tanghali na non at tulog pa rin si Zombie. Tinanong ko ang nag-lulutong si Vampire kung saan pwede bumili ng cellphone at kung san narin may ATM. Sinabi n’ya ay meron naman sa megamall at kung gusto ko daw, ay sasamahan n’ya ako. Pumayag naman ako at nag-simula na magayos. Sumunod sa pag-a-ayos si Vampire. Kumain na kami ng tanghalian sa bahay upang mapatipid. Matapos ay kumatok s’ya sa kwarto ni Zombie at sumigaw na “Kuya! Pupunta lang kami sa SM ni Tum! Gumising kana, alas-dos na!”. Sinarado naming yung pinto at sumakay ng jeep, tapos bus tapos bumaba ng SM.

Nag-withdraw muna ako. Tapos pumunta kami dun sa Cyberzone ng SM at sa shop ng Nokia. Hindi ko alam ang bibilhin ko dahil ang gusto ko lang naman na cellphone ay yung pwede akong tumawag at mag-text, wala na kung ano-ano pang hindi mahalaga. Sa totoo lang, gusto ko pang bumalik tayo sa sulat at telepono, mas gusto ko yon. Pero bumili parin ako ng cellphone, syempre yung pinili ko ay yung sakto lang at hindi gaanong mahal. Number number yung unit at hindi naman mahalaga. Bumili narin ako ng simcard at kinuha ko yung papel na pinag-sulatan ko ng number ni Heav. Di-nial ko na yung number at sumagot naman s’ya kaagad.

<Hello?> sabi ng boses ni Heav mula sa telepono.

“Hello Heav, ako to. Nandito na ako, at may natitirahan narin naman ako.”

<Ah! Ikaw pala yan! Mabuti naman, ano kamusta naman?>

“Okay lang. Kayo? Si Jasmin ba? Nakita mo na?”

<Oo, pumunta ako don kahapon at binili rin yung sampaguita nya. Sinobrahan ko yung bayad pero binalik n’ya parin yung sobra.>

“Mabuti naman. Tignan mo yung bata ha, salamat.”

<Osige, tawag ka lang pag may kailangan ka ha. Ingat ka d’yan.>

Binaba ko na yung tawag at ngumiti kay Vampire.

“Sino yun?” sabi n’ya. “Girlfriend mo?”

Nangyayari pala talaga ‘to no,  yung pag may nakausap kang babae ay iisipin agad nila na kasintahan mo.

“Hindi” sabi ko. “Kaibigan ko sa Bae.”

“Ah.” Sabi nya. “Akala ko anak n’yo yung Jasmin e.”

“Kung anak ko yun, bakit ko naman yun iiwan?”

“Hindi ko alam. Ganon kasi most na lalake ngayon diba, bubuntisin nila yung babae tapos iiwan.”

“Hindi ko alam.”

“Hmn.” Sabi ni Vampire. “So, ano na plano mo ngayon?”

“Di ko alam.” Sabi ko. “May gusto ka ba bilhin?”

“Tra punta na lang tayo Powerbooks.”

Nag-lakad kami papuntang Powerbooks at ayun ay pumasok kami. Tumingin agad s’ya sa mga history books at political. Nakitingin naman ako at pumunta rin kami sa teen-fiction at sinabi n’yang “Ang kokorni.” Kaya pumunta kami sa General Fiction, Classics, Sci-fi, Horror, Mystery & Suspense, Romance, General Fiction, basta pinuntahan lahat namin lahat ng genres ng libro na nandun sa loob ng store. Nag-babasa rin naman ako ng libro pero hindi ako adik.  Wala rin naman s’yang binili pero nakita n’ya yung mga hinahanap n’ya at bibilhin n’ya daw pag natapos n’ya na yung mga binabasa n’ya pa sa kasalukuyan.

Pagkatapos naming sa powerbooks ay bumaba kami ng foodcourt upang mag-meryenda. Gutom na daw s’ya ulit. Hindi naman ako gaanong gutom ay napakain narin ako, pero siomai lang. Tapos kumain si Vamp ng salad na hindi ko maintindihan.

Kwento ng TaoWhere stories live. Discover now