Chapter 9: Walis walis lang iho

319 9 2
                                    

Chapter 9: Walis walis lang iho

“Ano bang iniisip mo?!” sabi ni Sam. “Sobrang delikado na nung ginawa mo e!”

Di ako sumagot. Di ko trip sumagot. Kasi alam kong di ako nagisip ng maayos nung mga panahong yon kasi kinalinagan kong kumilos kaagad. Nasa huli na ng pag-iisip ko yung pag-i-isip. Pero sa totoo lang, medyo natuwa ako ngayon, sa mga mababaw na dahilan. Una kasi nandito na naman si Kamiseta, sinong hindi matutuwa. Pangalawa, ang boring nung buong araw na lumipas e, atlis natapos yung araw ng may aksyon at productive akong nagawa. Pangatlo, wala lang, di ko alam pero masarap din na may nadalaw sayo sa ospital at pinapagalitan ka kasi nag-aalala sila sayo, lalo na kung magandang dalaga ba to tulad ni Sam.

“Hay nako.” Sabi nya. “Di ka naman gagaling pag pinagalitan pa kita.”

“Alam mo rin?” sabi ko. “Wala naman akong sakit e. Hindi nakinig sa akin yung mga tao, sinabi ko ng nagasgasan lang ako at hindi malalim yung sakit. Hindi pa tuloy ako nakapag-trabaho kila Aling Hevs ngayon, nakakahiya.”

“Iniisip mo parin ba ang ibang tao, kahit ganyan na ang kalagayan mo ngayon?” sabi ni Sam na hindi na galit.

“May utang pa ako sa kanya e.” Sabi ko na nagkakamot ng ulo. “Teka, teka. Sino nga pala nag-bayad ng operasyon ko?! Nako, wala pa naman akong pera.”

“Sinagot na ni Mayor yun.” Sabi ni Sam. “Mabilis kumalat yung balita, malamang, at nakarating agad ito kay Mayor. Sinabi niya na ospital na s’ya na daw yung bahala sa mga gastos dito sa ospital.”

Nagulat ako sa sinabi ni Sam. Mas nagulat pa ako sa sumunod.

“Bukas daw, pwede ka na lumabas sabi ng doktor. Kasi nga mababaw lang daw naman yung sugat mo talaga, pero wag ka daw muna mag-gagalaw kasi baka bumukha ung tahi.” sabi ni Sam. “bukas daw, pagkalabas mo ay pumunta ka daw ng munisipyo. Gusto kang makausap ni Mayor.”

“Eh hindi ko naman gusto makausap si Mayor e.” Sabi ko. “Tsaka ano naman pag-uusapan namin?”

“Hindi ko alam. Balak ka n’ya ata bigyan ng gantimpala sa ginawa mo.” Sabi ni Sam.

“PAREEEE, SISIKAT KANA.” Biglang sabi ni Million habang papalapit sa akin. “AYOS YAN WOO!”

“Hindi ako sisikat. Ayoko ngang pumunta don e.” Ayoko talaga, ano namang gagawin ko don. Nakakahiya lang yon.

“WOOO! Pa-chix kapa e. HAHAHA. Okay lang yan. Malay mo gawin kang mayor ni Mayor diba?! Balita ko maganda ANAK non. Nako jusko. Sabog sayo yon.” Sabi ni Million habang tawa ng tawa.

“Unggoy.” Sabi ko.

“Pumunta ka basta.” Sabi ni Sam. “Sasamahan na kita. ULET. At bukas, ikaw ang mauuna umuwi.”

“Wag na.” Sabi ko. “Di nga ako pupunta.”

“Woooo! Wag na pakipot.” Sabi ni Million habang sinusundot-sunot ng daliri nya yung parte kung san ako may tahi. Lintek na.

“Million- Ano ba!” sabi ni Sam tapos tumayo para hampasin si Million ng bag.

Napatawa nalang ako sa nangyari. Tapos nakita ko si Kamiseta na nakangiti rin. Nagka-tinginan kami ng mga ilang beses. Tapos napansin ata ni Sam, kaya sumensyas s’ya kay Million na lumabas muna ng kwarto. Sabi ko naman ay wag na pero umapbruba naman si Million. Para talagang mga tanga ‘tong mga ito kung minsan e. Nakakahiya na naman.

Ang awkward silence namin ay tumagal ng mga ilang minuto din. Tapos naalala ko yung ginto ni Kamiseta na naiwan n’ya sakin. Kaya yun nalang yung binanggit ko.

Kwento ng TaoWhere stories live. Discover now