Chapter 6: Tropa ko si Rizal

382 11 3
                                    

Chapter 6: Tropa ko si Rizal

Dumating na si Sam sa bahay namin. Nakagreen sya na long-sleeve at maong na shorts, hindi sobrang ikli, maayos, karesperespeto. May dala s’yang isang box ng buko pie at bitbit nya rin ang kanyang kulay peach na leather bag. Hindi ko maintindihan kung bakit s’ya may dalang buko pie sa gantong oras, napaka-aga pa, alas ocho palang. Pinapasok ko siya sa bahay ko at sinara ko agad ang pinto’t binata. Ayokong makita ng mga kapitbahay namin na may dalawa akong dalaga dito sa loob ng bubong. Ano na lang ang iisipin nila. Magkatabi ang dalawa dun sa mahabang sofa at ako naman ay sa lapag lang nakaupo, yun lang kasi ang upuan namin. Nagsimula na ikwento ni Kamiseta ang mga nangyari kay Sam, agad bumuhos ang mga luha ng kaawa-awang babae. Sumensyas si Sam na umalis daw muna ako ng ilang minuto, napaka-ironic no? Pinapaalis ako sa sarili kong tahanan. Tumayo ako at lumabas muna, bigla akong inantok kasi wala pa akong tulog.

Pagkalabas ko, nakita ko agad ang mga naglalarong bata sa kaagahan ng Sabado. Nakakamiss, naalala ko yung kapatid kong babae, hanggang ngayon gusto ko paring maniwalang buhay pa sya. Bigla akong nalungkot, pitong taon ko lang s’ya nakasama. Sa totoo lang, hindi ko na tanda mukha nya. Hindi ko na tanda mukha ng pamilya ko, tatay ko, nanay ko. Ang tanging natira na lang sa ala-ala ko e yung tawa ng kapatid ko, yung boses nya, boses nyang nakakalambot ng puso. Matalino s’yang bata, magaling, medyo hirap nga lang sya sa pag-pronounce ng letter “s”. Ang wirdo e, hindi ko tanda ang mga mukha nila at kung anong nangyari bakit namatay sila pero nasa memorya ko parin ang huling birthday ng kapatid ko. Masayang masaya s’ya nun ng bigla nalang nagwala ang tatay ko, pagkatapos non, blackout na. Nakakalungkot na Sabado ng umaga. Napakasalungat sa panahon, nakangiti ang araw, naglalangoy ang mga ulap sa kulay dagat na langit at nagsasayawan ang mga ibon. Bakit kailangang masaktan ng tao, bakit kailangang malungkot? Para lumakas? Para madama ang tunay na kasiyahan? Bakit di nalang tayo pinanganak ng malakas kung ganon? Andaming tanong, napakdaming tanong, nakakalito.

Mga tatlompung minuto na ang nakakalipas, nagutom na naman ako. Bente pesos lang ang laman ng bulsa ko non, naalala ko yung iniwang ATM card sa akin ng Tita ko, i-check ko s’ya pag maayos na yung kaso ni Kamiseta. Anyway, napagdesisyunan ko munang kumain sandali sa karinderya ni Aling Pie (hindi sya kaano ano ni Tina Pie) at umorder ako ng isang lugaw with egg, napansin ko na sa lahat ng kinakainan ko na ganto ay lugaw with egg talaga ang tawag nila at hindi lugaw na may itlog, paastig pa. Pinakamasarap ang patis nila Aling Pie, pero hindi yung lugaw nila. Pag naglulugaw ako, isang kilong paminta ang nilalagay ko at hindi pumapalya itong palakihin ang mata ni Aling Pie. “Utoy, makakain mo ba’ga iyan?” sabi nya sa kanyang batanggenyo accent “Aba e pagkadaming paminta ‘eh! Ano ‘gang gusto mo, champurado?!”tumawa nalang ako at inubos ang lugaw. Nagbayad na ako at nagpasalamat kay Aling Pie at napagdesisyunan ko na bumalik sa bahay.

Pagkadating ko, nakita kong tulog na si Kamiseta sa hita ni Sam. Basang basa sa luha ni Kamiseta. Hinihimas himas nya si Kamiseta sa buhok, para silang magkapatid at mas mukha pang mas matanda si Sam, hindi sa masamang tanda ha, yung mabuting tanda. Mas mukha syang Ate.Pareho pa silang nakagreen, para talaga silang magkapatid. Nakatingin sakin ng masama si Sam.

“Ano?” sabi ko. Naiirita ako sa tingin nya e.

“Anong ginawa nyo kagabi?”

“Secret.”

“Anong ginawa mo sa kanya kagabi?!”

“Wala. Ano ba?” binuksan ko yung buko pie “Penge ha.”

“Sigurado ka ha” sabi nya ng masama paring tingin sa akin. “Sige kuha ka lang.”

Umupo ulit ako sa lapag.

“Wala pa ako naiisip na plano kung anong gagawin.” Biglang sabi ni Sam.

“Mahirap, may pera ang kalaban. Kaya gumamit ng kahit sino, kahit tatay nya nagamit.”

Kwento ng TaoWhere stories live. Discover now